Chapter 14

1684 Words
NGAYONG may iba nang mga karakter sa buhay nina Amanda at Justin, marami nang nagbago lalo na sa pagkakaibigan nila. Alam nilang hindi na lang sila ang tao sa mundo at kailangan nilang mag-adjust sa pagbabago’ng iyon. Kailangan rin pakisamahan ni Justin si Arthur, at ganoon rin si Amanda kay Samantha. At alam ni Amanda na hindi iyon magiging madali. “This is really good!” sabi ni Samantha nang matikman ang dessert na chocolate cake na gawa niya. Naroon silang apat sa Mandy’s – siya, si Arthur, si Justin at si Samantha at iyon ang unang pagkakataon na nagkasama-sama sila sa isang dinner. “That’s Amanda’s own recipe,” pagmamalaking sabi ni Justin at pagkatapos ay tiningnan siya nito. “And that’s always the restaurant’s bestseller.” “Maybe you could teach me how to make this, Amanda?” Tumangu-tango si Samantha at muling kumuha ng cake at isinubo iyon kay Justin. Ngumiti lang siya. Sana lang ay hindi nahalata ng mga tao sa mesa’ng iyon na hindi totoo ang kanyang ngiti. Kaunti na lang ay mauubos na ang pasensiya niya at malapit na siyang mapuno sa ka-plastikan ni Samantha. Sa tuwing napapatingin siya sa mga ito ay hindi maaaring hindi ito hahalik at yayakap at magpapa-cute kay Justin. Hindi niya alam kung ano ba ang intensiyon nito sa kalokohang iyon, kung talagang libangan na talaga nito ang mang-inis ng tao o pinagseselos talaga siya nito. Mainit ang dugo nito sa kanya at matagal na niyang alam ‘yon – okay lang naman iyon sa kanya because truth is, the feeling is mutual. Marinig pa lang niya ang pangalan ng babae’ng iyon ay nanginginig na siya sa sobrang inis. Nagpatuloy sila sa pagkain at nagpatuloy ang paglalambing ni Samantha kay Justin. Tahimik lang si Amanda na paminsan-minsang binubulungan ni Arthur. Ngumingiti at tumatawa si Amanda sa tuwing may sinasabi si Arthur, na hindi nagugustuhan ni Justin. “Why don’t we do this much often? We could go out to dinner every weekends, right? And I think it would be fun if we go out of town sometime, the four of us,” todo-ngiting suhestiyon ni Samantha. “What do you think, honey?” “Why not? It’s a good idea…hindi ba…Amanda?” tanong ni Justin sa kanya. Pero sa halip na kay Justin ay kay Arthur siya tumingin at ngumiti. Tumangu-tango si Arthur at inakbayan siya. “If it’s okay with Amanda, it’s fine with me,” sabi ni Arthur “Oh, I’m sure Amanda is okay with it. Right, Amanda?” nakangiting tanong ni Samantha. Sure, great. Just great. Tiningnan niya si Samantha na talaga namang napakaganda ng ngiti. Akala mo kung sinong nakapabait na nilalang. Kung hindi lang masama, nilagyan na niya ng pampapurga ang slice ng cake na para rito. Bakit nga ba may mga ganoong tao na kung ano ang iginanda ng mukha ay ganoon naman ang ikinapangit ng ugali? Naiinis siya sa tuwing naiisip na sa dinami-rami ng babae sa mundo ay ang Samantha na iyon pa ang nagustuhan ni Justin. Saglit siyang nagpaalam sa mga kasama para magpunta ng comfort room, para i-comfort ang sarili. Sawang-sawa na siya sa mala-prinsesang kagandahan ni Samantha at gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin kahit sandali. Pero hindi pa man siya nagtatagal sa loob ay namataan na niya ang pagpasok ni Samantha at pagtabi nito sa kanya. “I heard you already moved out.” Saglit lang niya itong tinapunan ng tingin sa salamin ng ladies’ room habang abala siya sa pagsusuklay ng buhok. “I’m moving in with Justin next week.” “Good for you!” masaya pa niyang bati. Wala siyang pakialam kahit bukas pa ito lumipat at sa tingin naman niya ay hindi na dapat nito sinasabi sa kanya ang tungkol sa mga ganoong bagay. Pero siyempre pa, alam niyang parte iyon ng pang-iinis nito sa kanya. “Right, good for me. Sorry ha, dahil sa akin, kailangan mong umalis sa unit niya.” Tiningnan rin siya ni Samantha at nagkatinginan sila doon sa salamin. Umiling siya at ibinalik na sa bag ang suklay. “No problem. Matagal ko na naman talagang gustong lumipat, pinipigilan lang ako ni Justin. I think I should thank you dahil hindi na ako mahihirapan pang kumbinsihin ang boyfriend mo.” “Exactly, Justin is my boyfriend and don’t ever think that he likes you one way or another.” Tumalim ang tingin sa kanya ni Samantha at sa pagkakataong iyon ay hindi na ito sa salamin nakatingin kundi mismong sa mukha na niya. “Samantha, pinagseselosan mo ba ako?” natatawa niyang tanong. Ang pressed powder naman ang ibinalik niya sa bag at isinara iyon. “And what made you think that I’m jealous of you?” “Hindi ko alam pero sa mga kinikilos mo, it’s very obvious.” Nanlaki ang mga mata ni Samantha. “Don’t worry, I know too much about Justin and I’m not that stupid to even consider liking him.” ~~ NAPAKALAKING adjustment ang nangyari para kay Justin sa pag-alis ni Amanda sa bahay. Magkita man sila nito sa Mandy’s araw-araw, wala rin silang panahong mag-usap nang hindi tungkol sa trabaho at hanggang tingin at ngiti na lang sila sa isa’t-isa. Madalas niyang makita si Arthur na dumaan sa restaurant at kasama nito si Amanda na umuwi sa gabi. Minsan, nagpupunta pa rin si Justin sa dating kuwarto ni Amanda nang walang dahilan. Gumigising pa rin siya sa umaga na hanap ito at minsan ay inaasahan na madatnan ang kaibigan na nagluluto sa kusina at naghahanda ng almusal para sa kanya. Hindi niya alam kung napapansin ni Samantha ang madalas niyang pananahimik at naririnig nito na tinatawag niya ang pangalan ni Amanda nang hindi sinasadya. Dahil hindi niya iyon maiwasan. Mahigit dalawang taon niyang nakasama sa iisang bubong si Amanda at normal lang siguro na ma-miss niya ito paminsan-minsan. It’s been three weeks. It has only been three weeks since Amanda moved from his place pero pakiramdam ni Justin ay tatlong taon na niyang hindi nakikita ang kaibigan. Hindi na niya alam kung ano na ang ginagawa nito sa araw-araw, hindi na niya alam kung kailan niya ito puwedeng makasama o makausap man lang. Ngayon, hindi na niya alam kung may karapatan pa ba siyang yayain man lamang itong magkape, tulad ng araw-araw nilang ginagawa. As he looked at her with Arthur, he realized that he missed her more than he wanted to admit. All of a sudden, he wished that he’s the one who’s with Amanda now, sitting there and having a cup of coffee. He wanted to feel that kind of contentment again – a feeling that he has been longing to feel again. Hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng pinagsamahan nila mula nang magsimula ang kanilang pagkakaibigan, hanggang ngayon. At bigla, nakaramdam siya ng panghihinayang. Pero alam niyang ang paglipat ni Amanda ay para rin sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa ikatatahimik niya. Because he’s now finding it hard to have a good sleep ever since that fateful night when he had to undress her and got a glimpse of her seductively curvy body. “They actually look good together.” Si Paul, nang mapansin siya na kanina pa nakatingin kay Amanda na masayang kausap si Arthur doon malapit sa bar, sa tabi ng pinto ng kusina. Actually, he hasn’t seen the man in the restaurant for a couple of weeks and he thought that it was over between them, that she’s gone tired of the relationship. Pero hindi pa pala dahil nitong nakaraang linggo ay halos gabi-gabi ang lalaki’ng iyon na nagpupunta sa restaurant at habang tumatagal ay hindi na niya alam ang mararamdaman. “Aren’t you bothered? It seems like their relationship is doing well. Hindi ka ba nagwo-worry?” “Why would I worry?” Umiling si Justin, nakatingin pa rin sa direksiyon nina Amanda. Nilagok na niya ang natitirang laman ng hawak niyang bote ng beer. “Paul, I’m telling you, hindi magtatagal ‘yang kung ano mang relationship meron sila. Sa totoo lang, naaawa ako kay Arthur. Dagdag lang ‘yan sa mga kawawang lalaki na iiwan na lang basta ni Amanda. She’s simply not into commitment,” sabi niya. “Kaya ‘yung sinabi ko sa’yo noon, kalimutan mo na. Hindi pa ‘ko sawa sa buhay ko.” “Justin, sinasabi mo bang natatakot ka ba na hindi ka seseryosohin ni Amanda?” “What I’m saying is, we’re better off as friends. Wala pang masasaktan.” Muli itong natawa. “At ngayon, sinsasabi mo na takot kang masaktan ni Amanda?” Napailing na lamang siya. Alam niyang hindi madaling intindihin ang sinabi niya, lalo na’t ibang-iba ang pananaw niya noon nang una niyang makilala si Amanda. But things change and probably, he has changed. Nang muli niyang tingnan si Amanda ay mataman lang itong nakatingin kay Arthur at tila seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Mukha ngang seryoso na ang kaibigan sa pagkakatao’ng iyon. Dapat ay matuwa siya pero ang totoo ay kabaligtaran ang nararamdaman niya. Hindi niya alam pero kung kailan napagdesisyunan na niya na tigilan ang kahibangan niyang ligawan ang kaibigan at manatili na lang sa ganoon ang sitwasyon ay tsaka pa siya makakaramdam ng sobrang selos at saka pa niya parating hinahanap ang dating mayroon sila ni Amanda. “So, you mean, you’ll just let that man take over your woman? Hindi kita maintindihan, Justin. You used to be so eager with her. You almost got disinherited because of that decision and then now, you’re telling me that you’re giving her up just like that?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD