Chapter 13

1544 Words
KINAUMAGAHAN, naabutan ni Justin si Amanda na abala sa paghahanda ng almusal, na parati nitong ginagawa. Nakabihis na ito at handa nang umalis papunta sa restaurant. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Everything that happened last night came back to him and in an instant, he felt as if his entire body was burning. “Good morning!” masaya nitong bati sa kanya. Dahan-dahan siyang naupo sa harap ng inihandang pagkain ni Amanda. Toasted bread, cheese, ham, orange juice. Iyon ang paborito niyang agahan at ngayon na lang uli siya naipag-handa ng ganoon ang kaibigan. Tiningnan lang niya ni Amanda nang ilapag nito ang tasa ng mainit kape sa mesa. Pinagmasdan lang niya nito nang magsimula itong kumain. Parang walang anumang nangyari rito kagabi at parang isa lamang iyo’ng ordinaryong araw. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka panaginip lang niya ang lahat pero hindi naman iyon p’wedeng mangyari dahil hindi naman siya nakatulog dahil sa mga sinabi nito sa kanya kagabi. I think I’m in love with you. At muntik na siyang magkasala dahil doon. “Hey, Justin, are you okay?” tanong ni Amanda nang mapansing tahimik lamang siyang nakatingin rito. Bahagya siyang tumango. “Are you okay?” balik niyang tanong. “M-medyo marami kang nainom kagabi.” He just looked at her, still confused. “Sorry ha, medyo naparami nga ang nainom ko,” nakangiti nitong tugon. “W-wala ka bang naaalala kagabi?” tanong niya nang magsimula na siyang kumain. Hindi niya alam kung tama bang tanungin pa niya ito tungkol sa mga sinabi nito pero kailangan niyang malaman kung totoo nga iyon o dahil lamang sa kalasingan. “Hmm…wala. May dapat ba akong maalala?” kunut-noo nitong tanong na patuloy lang sa pagkain. Umiling lang siya. Talaga nga kayang hindi alam ni Amanda ang mga sinabi nito sa kanya? Siguro nga, sobra itong nalasing dahil kahit ang pagpapalit niya rito ng damit ay hindi nito alam. Pero parang imposible naman yata iyon dahil siya, kahit gaano karami ang nainom ay alam pa rin niya ang nangyayari sa paligid. Alam niya ang mga sinasabi niya at ginagawa. “Anyway, Justin, nag-inquire na nga pala ako ng unit na mas malapit sa restaurant.” “W-what? Bakit?” gulat niyang tanong. Sa totoo lang ay halos nalimutan na niya ang tungkol do’n dahil sa ‘pagtatapat’ na ginawa ni Amanda kagabi. “Sa tingin ko kasi hindi tama na-“ “Sino ang may sabi? Si Arthur?” “H-hindi.” “So bakit bigla-bigla gusto mong lumipat?” Hindi pa napapangalahati ni Amanda ang pagkain ay tumayo na ito. Kinuha nito ang pinagkainan at dinala iyon sa lababo. Sinundan naman niya ito ng tingin. “Hindi mo naman kailangang lumipat, Amanda. Ayaw ba ni Arthur na dito ka sa akin nakatira? Gusto mo bang kausapin ko siya?” Umiling into at humarap sa kanya. “Walang kinalaman si Arthur sa desisyon ko, Justin. Walang problema kay Arthur.” “And so, ano nga ang problema?” ulit niya. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ang desisyon ni Amanda na lumipat ay may kinalaman sa nangyari kagabi, na baka nga totoo na mahal na siya nito at natatakot ito sa katotohanang iyon. “Walang problema,” simple nitong sagot. “Hindi ba p’wedeng gusto ko lang lumipat para sa ikatatahimik nating lahat?” At mabilis na itong lumabas ng unit. ~~ “NICE place,” sabi ni Phoebe pagpasok nila sa bagong unit na inuupahan ni Amanda. Maliit ito ng kaunti kaysa sa unit ni Justin pero mas malapit ito sa restaurant. “So, kumusta naman ang buhay nang wala si Justin?” “Okay lang,” aniya. Tinulungan niya itong ihanda ang dala nilang take-out mula sa Chinese restaurant na dinaanan nila. Wala pang isang linggo mula nang lumipat siya sa apartment na iyon at medyo naninibago pa siya. Wala na siyang kasabay kumain sa umaga, wala nang nang-iistorbo sa kanya sa mga panahong gusto niyang mag-isa. Hindi na siya napupuyat sa gabi kapag hinihintay niya itong umuwi mula sa mga dates nito. Kumusta nga ba ang buhay nang wala si Justin? Sa totoo lang, malungkot. Parang bigla, siya na lang ang tao sa mundo. Pero kahit gaano kalungkot ang buhay, kailangan niyang masanay dahil alam naman niya na hindi sila p’wede sa ganoong sitwasyon habang-buhay. Nakahinga rin si Amanda nang maluwag nang pumayag si Justin na makalipat siya. Hindi niya alam kung bakit bigla itong pumayag pero ang mahalaga, nakaalis na siya sa unit nito at makakapagsimula na siya ng bagong buhay – nang malayo kay Justin at malayo sa gulo. “At kumusta naman si Justin?” pagkadaka’y tanong ni Phoebe. Sabi ni Justin, nami-miss raw nito ang pagluluto niya at ang mga kulitan nila sa maghapon at magdamag. Sabi nito, gusto raw ni Samantha na lumipat na sa unit at hindi na naman talaga niya ikinagulat iyon at alam naman niya na mangyayari iyon sa oras na makaalis siya. “Bakit nga ba bigla mong naisipang lumipat?” Sinundan siya ng tingin ni Phoebe nang kumuha siya ng dalawang baso ng tubig. “Hindi ba ikaw ang parating kumukumbinsi na lumipat na ako?” “Dahil ba ‘yan kay Arthur?” tanong nito na hindi pinansin ang sinabi niya. “O dahil ‘yan kay Samantha?” Sa totoo lang, ilang beses na rin nilang napag-usapan ni Arthur ang tungkol sa set-up nila ni Justin at naiintindihan naman nito iyon at wala itong problema tungkol doon. Pero kay Samantha, malaki… Laking gulat niya nang tawagan siya ni Samantha isang araw. Nakipagkita ito sa kanya sa parehong araw kung kailan sila nag-inuman ni Justin at nalasing siya kaya hindi na niya alam kung anu-ano pa ang nangyari. Nagkita sila ni Samantha sa isang restaurant sa isang hotel na malapit sa tirahan nito sa Makati. Wala siyang ideya kung bakit siya nito gustong makausap at tungkol saan iyon. Ilang minuto pa siyang naghintay bago dumating si Samantha. Hapon na noon at hindi naman matindi ang sikat ng araw pero nakasuot ito ng malaking sunglasses na halos tumakip na sa maliit nitong mukha. Wala itong kangiti-ngiting lumapit sa kanya at naupo. Tinanggal nito ang suot na salamin at tiningnan siya nitong mabuti. “Amanda, I’ll go straight to the point. Alam ko na matagal na kayong magkaibigan ni Justin and you’ve been living in the same roof for quite some time. I just want to make it clear that what Justin and I have right now is something really serious and I intend to keep it that way as long as possible. I won’t let anything or anybody interfere with our relationship. I would be a hypocrite if I say that I’m fine with you staying in my boyfriend’s house because if there’s one person who has the right to live with him, that would be me, don’t you think?” Walang naitugon si Amanda. Hindi niya inaasahan ang ganoon mula kay Samantha. She seems very nice and understanding when she first met her. “I know you’re smart enough to understand what I mean.” Maliwanag pa ‘yon sa sikat ng araw. Gusto ni Samantha na umalis na siya sa bahay ni Justin. “Ayokong magkaroon kami ng problema ni Justin dahil sa’yo. You are his friend and I can’t do anything about it. Same as you can’t do anything about me being his girlfriend, right? We don’t have much choice but to like each other…” “So, isusuko mo si Papa Justin ng ganun-gano’n lang?” tanong ni Phoebe. Inubos nito ang natitira nitong pagkain at uminom ng tubig. “Ano’ng gusto mong gawin ko, pigilan ang Samantha na ‘yon na tumira kasama ni Justin? Phoebe, kaibigan lang ako at wala akong karapatang pagsabihan si Justin ng dapat at hindi dapat gawin.” Umiling ito. “Kung ako sa iyo, hindi ko hahayaang may ibang tumira sa bahay na ‘yon. Dugo’t-pawis ang pinuhunan mo sa relationship ninyo ni Justin, tapos bigla-bigla maglalaho ‘yon na parang bula dahil lang sa isang Samantha?” Totoo iyon pero wala naman talaga siyang magagawa. “Pabayaan na natin silang lumigaya, Phoebe.” “At paano naman ang kaligayahan mo?” Nginitian lang niya iyon. “Masaya naman ako. Okay na ‘yung ganito, ayoko ng gulo.” “At sino’ng niloko mo? Isang tingin pa lang sa’yo, halata na na nagdurusa ka. Sinasabi mo lang ‘yan ngayon dahil hindi pa nagsi-sink in sa iyo ang mga pangyayari. Pero isang araw, magigising ka na lang na nanghihinayang at mamatay-matay sa selos sa tuwing nakikita ang pinakamamahal mong si Justin sa piling ng Samantha na iyo.n” Talaga namang hindi niya alam kung saan nakukuha ni Phoebe ang napakakulay nitong imahinasyon. Pero natakot din siya sa sinabi nito dahil madalas naman ay tama ang lahat ng opinyon at haka-haka nito tungkol sa mga bagay-bagay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD