“HEY, Amanda, what are you doing here?” tanong ni Justin nang makita si Amanda na abala pa rin sa kusina ng restaurant.
Mag-a-alas-dose na noon ng gabi at hindi naman talaga siya kailangan doon dahil naroon naman si Tony at ang mga assistants nito. Pero patuloy lang siya sa pagtulong kay Tony. Pumasok sa loob ng kusina si Justin nang hindi niya ito pinansin. Tinignan siya nitong mabuti.
“Let’s go home.”
Nilapitan siya nito, hinatak ang kaliwa niyang kamay at pilit siyang inilabas sa maingay na kusina. Alam ni Amanda na nakakahalata na si Justin na may inaalala siya dahil pinapagod na naman niya ang kanyang sarili sa trabaho.
“Tell me, what’s the problem?”
“W-wala, bakit?” natatawa niyang tanong habang nakatingin sa ginagawa ni Justin na pagpupunas sa dalawa niyang kamay.
“Day-off mo, hindi ba? You shouldn’t be here. Umuwi na tayo.”
Kailangan pa siyang pilitin ni Justin para umuwi. Nag-take out sila ng paborito niyang pizza at pagkatapos makapagbihis ay nagtungo na sila sa sala at magkatabing naupo sa sofa. Pinagbukas pa siya ni Justin ng ikatlong bote niya ng beer at iniabot sa kanya.
“Ano ba talaga ang problema mo?”
Uminom siya ng beer at ngumiti. “Wala nga akong problema, mukha ba akong may problema?”
“Pangatlong bote mo na ‘yan at alam ng lahat na hindi ka talaga umiinom, maliban na lang kung may problema ka nga. Si…Arthur ba?” Kinuha nito ang remote control para ilipat ang channel ng telebisyon.
Ngumiti siya at umiling. Mas mabuti pa nga siguro kung si Arthur lang ang problema niya. Sana nga, kay Arthur na lang siya may problema. At least, alam niyang madali lang iyo’ng ma-solusyunan.
Ilang sandali pa ay unti-unti na niyang nararamdaman ang hindi magandang epekto ng beer sa kanya. Nagsisimula nang mamanhid ang kanyang kamay at para na siyang lumulutang. Umiikot na rin ang paningin niya kaya umiling siya nang maraming iling. Nanatili lang siyang nakatingin sa hawak na bote ng beer.
“Justin…kung…lumipat na kaya ako…ng…bahay?”
Umayos ng pagkakaupo si Justin. “What? Bakit?” tanong ni Justin na para bang isang hindi kapani-paniwalang balita ang narinig.
“Kasi…si…Samantha…baka…”
“Amanda, matagal na niyang alam na dito ka nakatira and she’s okay with it.”
“Sh…she’s o…kay with…it?” Tiningnan niya si Justin at natawa.
“Yes. I told you that she’s very openminded and she’s great.”
“She’s…crazy,” mahinang sabi ni Amanda.
Napailing si Justin. Hindi niya alam kung narinig ng kaibigan ang sinabi niya pero sa totoo lang ay wala na siyang pakialam. Sinubukan na niyang tumayo pero hindi na niya kayang i-balanse ang sarili dahil na rin sa dami ng nainom niya. Mabilis siyang nilapitan ni Justin at inalalayan na muling tumayo. Hinawakan siya ni Justin sa baywang at umakbay siya rito. Kahit anong pilit ang gawin niya para tumayo’ng mag-isa ay hindi niya magawa. Inalalayan siya nito sa bawat hakbang, hanggang sa makarating sila sa kuwarto niya.
“Justin…” tawag niya kay Justin nang makaupo na siya sa kanyang kama.
“Yes?”
Pilit na umupo si Amanda pero wala siyang lakas kaya napakapit siya kay Justin. “Sa tingin ko talaga…k-kailangan ko nang…lumipat ng bahay…”
“I think you’re drunk. Matulog ka na, okay?”
Tinanggal ni Amanda ang ipit sa buhok at inilagay iyon sa side table na nahulog rin sa sahig. Umayos siya ng higa at tiningnan ang kaibigan na noon ay nakatayo sa tabi niya at nakatunghay sa kanya. “Hay…bakit ba naman kasi…ang bait-bait mo sa akin?” hindi niya napigilang tanong. “A-ang hirap tuloy na…hindi ma-in love…” Napapikit siya dahil talagang hindi na kaya ng mga mata niyang dumilat pa. “A-and I don’t want to be…one of those foolish people…who falls in love…with their best…friends…because that’s just pathetic. P-pero a-alam mo ba na…na matagal na akong nagseselos kay…Samantha? Tsaka kay…Marianne…tsaka doon sa mga iba pa na…hindi ko na maalala ang…pangalan. T-tapos, naisip ko, b-bakit naman ako….magse-selos e m-magkaibigan lang naman tayo, hindi ba, J-Justin? K-kaibigan lang naman ang…tingin mo sa…akin, hindi ba?”
“Hey, w-what are you talking about?” litong tanong ni Justin na napaupo na rin sa kama.
“Naisip ko…siguro…mahal na kita…kaya gano’n…tapos sabi ko sa…sarili ko…hoy, Amanda…tigilan mo ‘yang…kalokohan mo na ‘yan…walang future ‘yan. Ano ba namang panama mo…kay S-Samantha? Tsaka ano ba…hanggang best friend ka lang ni…Justin…Hanggang…best friends lang ba…talaga…tayo, Justin?” nakapikit na tanong ni Amanda. “Because I think…I really think…I’m in love…with…you.”
Hinawakan ni Justin ang kamay niya. Gusto niyang bawiin iyon pero hindi niya ginawa. Gusto niyang idilat ang mga mata para malaman ang reaksiyon ni Justin pero natakot siya sa maaari niyang makita roon.
~~
NAPAPAILING si Justin habang pinagmamasdan si Amanda na tulog na tulog na nakahiga sa malambot nitong kama. She looked so beautiful and she just told him that she’s in love with him.
Muli siyang napailing at napabuntung-hininga. Katatapos lamang nitong magsuka sa comfort room at wala siyang nagawa kundi samahan ito. Nakaalalay siya rito papunta sa banyo, hinagod-hagod niya ang likod nito at hawakan ang mahaba nitong buhok habang nakayuko into sa lababo at inilalabas ang halos lahat ng kinain nito. Inalalayan rin niya ito’ng mag-toothbrush bago niya ito ibalik sa higaan.
Ah, what has he gotten himself into?
He had no choice but to carry her to her bed. She smelled a mixture of sweet perfume, alcohol and toothpaste, which intoxicated him all the more. She’s unconscious and he could actually do anything with her now – anything that he’s been dreaming about for as long as he could remember.
But she’s his best friend.
Dahan-dahang hinubad ni Justin ang sariling T-shirt dahil sa nabasa iyon noong tinutulungan niya si Amanda na mag-tooth brush. Malamig ang air condition ng kwarto ng kaibigan pero para siyang lalagnatin sa init na nararamdaman. Inilapag niya ang T-shirt sa nightstand at muling napatulala sa nakahiga’ng si Amanda.
Kung tutuusin, madali lang naman ang kailangan niyang gawin – tanggalin ang basa nang kulay asul na satin pajama nito at palitan iyon ng bago. Mabilis siyang tumungo sa cabinet, binuksan iyon at naghanap ng mga damit ni Amanda. Binuksan niya ang drawer na puro underwear ang laman. Napapikit siya. He’s not supposed to be sneaking into her personal drawers and he’s not supposed to be touching those underwear but he couldn’t help it. It’s as if his hands had their own minds and he couldn’t stop himself from imagining Amanda wearing those sexy lingerie.
Nang mahagip ng tingin ang kinalalagyan ng mga pantulog ni Amanda ay agad niyang isinara ang drawer, kinuha ang nasa ibabaw na black satin boxer PJ at mabilis na isinara na rin ang cabinet.
Sinuklay niya ng mga daliri ang mahabang buhok bago dahan-dahang naupo sa tabi ni Amanda. Ganoon rin ang ginawa niya sa mga hibla ng buhok ng dalaga na nakatakip sa mukha nito.
Her lips were half-open and he could feel the warmth coming from her body. Slowly, he reached for the button of her pajama top and let out a soft groan.
Shit, Justin. Get it over and done with.
One button, two, three. Bawat butones na natatanggal niya ay kasabay ng malalim niyang paghinga. Four, five…six. As soon as all the buttons were opened, he instantly caught a glimpse of Amanda’s black silk brassiere which makes her skin seem translucent.
Kita niya ang pagbaba at pagtaas ng dibdib nito at pati na ng tiyan nito. Amanda had the smoothest skin he has ever seen and his hands involuntarily reached out to touch her shoulder.
Just a little, he told himself.
Napalunok siya nang dahan-dahan niyang haplusin ang maputi nitong balikat, pababa hanggang sa braso nito at doon niya napatunayan na hindi lamang iyon makinis, kundi malambot rin sa pakiramdam. Amanda’s body was even more exquisite than what he imagined it to be. Her bosoms were just the right size, just perfect for his large hands while he couldn’t imagine how she maintained her tiny waist, samantalang mas malakas pa yata itong kumain kaysa sa kanya.
Ah, this was the reason why he had second thoughts about her being his best friend. But then again, he wanted this situation in the first place so he just have to deal with it.
He cursed himself. And he cursed himself once more when he had to hold her close to him to be able to change her clothes.
Walang kagalaw-galaw si Amanda habang binibihisan niya ng pang-itaas at nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay maisara na niya ang pinakahuling butones sa damit nito. Pero panibagong kaba na naman ang naramdaman niya nang kailangan na niyang palitan ang pang-ibaba kaibigan.
“Is this some kind of punishment, huh, Amanda?” mahina niyang tanong rito at pagkatapos ay umayos siya ng pagkakaupo dahil ramdam na niya ang epekto ng sitwasyon sa buo niyang pagkatao. He could feel his pants tighten and it makes him uncomfortable and awkward at the same time - not just because he’s not supposed to be feeling this way to his best friend but also because of the fact that he’s always fantasized about this exact scenario the very first time he saw her standing outside the coffee shop, dripping wet.
Tumayo siya, lumakad paroo’t-parito. Kung iwan na lang kaya niya si Amanda nang ganoon? Kumutan na lang kaya niya ito at hayaan na lang niya itong matulog na marumi ang damit? Pero hindi. Hindi p’wede. Paano kapag nagising ito kinabukasan? Baka kung ano pa ang isipin nitong ginawa niya.
Napailing siya at muling naupo sa kama ng kaibigan. Pumikit siya at sinimulan nang tanggalin ang pang-ibaba nito. Dahan-dahan, tinanggal niya iyon habang nakapikit at nananalangin na sana ay hindi ito magising. Mula sa baywang ay maingat niyang ibinaba iyon, na hindi naging madali lalo pa’t medyo may kalakihan ang balakang nito. Kinailangan niya itong i-angat nang kaunti para tuluyan niyang mahubad ang suot nitong boxer shorts.
“Justin…”
Shit. Napadilat siya at muling napapikit. Mula sa pagkakatagilid ay tumihaya si Amanda, na lalo lamang nagpahirap sa mahirap nang sitwasyon ni Justin. Now, he could see everything that he’s not supposed to see. Nakalilis ang pang-itaas ni Amanda na nagpapakita ng maputi at makurba nitong baywang at ang kulay itim nitong low rise bikini panty na halos wala nang natakpan.
After this, he’s damn sure that he won’t be able to see Amanda the same way again.
Oh, Lord, please help me.
His fingers were itching to teasingly touch her stomach and fervently kiss her navel, going down her inner thighs.
Oh s**t.