Chapter 11

1561 Words
“O, ANO’NG problema? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa.” Iyon ang palaging bungad na tanong sa kanya ni Phoebe sa tuwing tinatawagan niya ito para makipagkita. Pinapunta niya ang kaibigan sa paborito nilang tambayan na coffee shop. “Ano na namang problema?” “Hindi maganda ang feeling ko doon sa SamantHa na ‘yon,” panimula ni Amanda. “Alam mo ba’ng sa bahay siya natulog? Siya lang ang kaisa-isang babae na dinala ni Justin at pinatulog sa bahay.” “O, ano’ng problema ro’n? Girlfriend niya ‘yung Samantha, hindi ba? Wala naman sigurong masama ron.” “Meron kaming house rules, Phoebe at ang rule number one, bawal ang magdala ng babae sa bahay. Can you believe that? He broke the most important rule just because of that woman!” Hinalo ni Amanda ang kape matapos lagyan ng gatas. Nang tingnan niya iyon ay nakikita pa rin niya ang mukha ni Samantha na nakangiti sa kanya na para bang nang-aasar. “So, ano ngayon ang problema mo?” natatawa nitong tanong. “Hindi mo ba ako narinig? Kasasabi ko lang na-“ “Na may house rules kayo at lumabag si Justin sa house rule number one na bawal magdala ng babae sa bahay,” ulit ni Phoebe sa sinabi niya. “Akala ko ba, walang magiging problema kapag nangyari ‘yon dahil sabi mo nga, mukhang seryoso naman siya sa babae’ng ‘yon. Bakit ngayon, namomroblema ka?” “Hindi naman iyon ang pino-problema ko.” “Eh ano nga?” Naisipan kasi ni Amanda na dalhin si Arthur sa bahay, isang linggo makalipas ang nakakagulat at nakakagalit na insidente’ng iyon – bilang ganti. Hindi naman siya makapapayag na ito lamang ang may karapatang bumali ng house rules. Dapat, pantay-pantay…  “Amanda, ano’ng ginagawa n’yo rito?” nagtatakang tanong ni Justin pagkakita sa kanila ni Arthur, na magkahawak pa ang kamay. Kagagaling lamang nila noon mula sa panonood ng sine at doon na niya pinag-dinner si Arthur sa condo.  “D-dito nag-dinner si Arthur, pauwi na rin siya.” Hinalikan niya ang binata sa pisngi at saka nagpaalam. Tinapik pa nito sa balikat si Justin bago umalis. Nakangiti’ng kinawayan iyon ni Amanda. “A-ano ‘yon?” takang tanong ni Justin nang tuluyan nang nakaalis si Arthur. “Ang alin?” balik niyang tanong. Binuksan niya ang pinto at sumunod sa kanya papasok ang kaibigan. Sumunod ito sa kanya hanggang sa dining area. Naroon pa sa lalabo ang pinagkainan nila ni Arthur at sinimulan na niya itong ayusin. “Dito nag-dinner si…ang tao’ng ‘yon? You actually let that man inside the house? Amanda, hindi ka dapat nagpapapasok dito basta-basta.” “Si Samantha, p’wedeng papasukin, si Arthur, hindi? Unfair naman yata ‘yon,” simpleng sabi ni Amanda na abala na sa paghuhugas ng pinggan. “Lalaki ako, walang mawawala sa akin.” Patuloy lang sa paghuhugas ng pinggan si Amanda habang nakatunghay si Justin. “Wala naman sa house rules na bawal magdala ng lalaki sa bahay, hindi ba? As far as I can remember, babae ang bawal dalhin dito, na mukhang nakalimutan mo na.” Napailing lang si Justin. “Amanda, you have to be careful. Kahit pa sa Arthur na ‘yon. Mahirap na, baka-“ Siya naman ang napailing. “Justin, iba si Arthur.” Natapos na niyang hugasan ang lahat ng pinggan at hinarap na niya ang kausap habang nagpupunas ng kamay sa itim na apron. “Lalaki pa rin si Arthur.” “Hindi lahat ng lalaki katulad mo, Justin.” Kumunot ang noo nito. “W-what does that supposed to mean?” Umiling-iling si Amanda nang maalala ang tagpo’ng iyon kagabi. Muli siyang humigop ng kape at muling hinalo iyon. Hindi niya nasagot ang tanong ni Justin dahil hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. “Eh, ano nga ba ang ibig mong sabihin do’n?” tanong ni Phoebe nang matapos niyang ikuwento ang nangyari. “H-hindi ko rin alam. Ngayon, buong araw niya akong hindi kinausap, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.” Hindi maganda sa pakiramdam ‘yung ganoon na hindi siya nito pinapansin. Wala naman talaga siyang ibig sabihin sa sinabi niya at hindi niya sinasadya na masabi niya iyon. “Bakit hindi mo siya kausapin?” “At ano naman ang sasabihin ko?” Bumuntung-hininga ang kaibigan. “Sabihin mo na pasensiya na, hindi mo sinasadya, nadala ka lang ng emosyon mo…na nagseselos ka kay Samantha kaya mo nagawang dalhin sa unit ninyo si Arthur at mahal na mahal mo siya at nahihirapan ka na sa sitwasyon ninyo. Hay Amanda, kailangan ko pa bang ituro ‘yon lahat sa iyo?” Nanatiling tahimik si Amanda at seryosong tiningnan si Phoebe. Ilang minuto na tahimik lang siyang nag-iisip. “Paano si Arthur?” tanong niya sa sarili. “Oh ngayon, si Arthur naman ang pinoproblema mo?” Tumingin si Phoebe sa mga tao na nagdaraan sa labas ng coffee shop bago muling tumingin sa kanya. Hinahalo pa rin nito ang kape na halos paubos na. Sa ika-apat na pagkakataon ay wala sa sariling nilagyan ni Amanda ng asukal ang kanyang kape, na nakakuha ng tawa mula sa kaibigan. “Mahal mo na talaga, ano?” “Sino?” Naudlot ang paghigop niya ng kape. “Si Arthur! Bakit, may kino-consider ka pa bang iba?” natatawa nitong tanong. “W-wala.” “So, mahal mo na nga?”  “S-si Arthur? H-hindi,” aniya sabay iling. “H-hindi pa.” “Eh, si Justin?” Habang patuloy sa paghahalo ng kape ay napatingin siya sa labas. She’s got to admit that she was totally attracted to Justin from the very first time she laid her eyes on him, and probably, she still was. But she never dared to even think about falling in love with him. She knew she’d be in big trouble if she ever let herself be fooled by his deadly charm. Justin was just a good friend, who happened to be a very good looking womanizer. They were just friends, and that’s all they’d ever be. And now, she knew that she’s in trouble. Aminin man niya o hindi, parang sa ganoon na nga rin papunta ang sitwasyon. ~~ “JUSTIN.” Kasalukuyan siyang nasa bar, mag-isang umiinom ng whiskey na matagal na niyang hindi ginagawa. Ka-kuwentuhan niya ang bartender habang nagliligpit ito ng mga gamit doon. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at muli iyong tinalikuran. Magsasara na ang restaurant at pauwi na rin talaga siya ng bahay pero naisip niyang manatili muna roon at uminom. “Justin,” muling tawag ni Amanda. Lumapit ito sa kanya at umupo sa bar stool sa tabi niya. “Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Kung galit ka, sabihin mo. Huwag naman ‘yung ganyan na hindi mo ako pinapansin.” Tahimik lang na inubos ni Justin ang whiskey at um-order ng isa pa. Pinilit niyang hindi lingunin ang kaibigan at kung p’wede lang na hindi huminga ay gagawin niya para hindi malanghap ang pabango nito. “S-sorry na. I know I offended you and I’m sorry.” Justin had to admit that he was more than hurt. Of all people, he expected Amanda to understand him. Akala niya ay kilala na siya nito at hindi niya inaasahan ang ganoong kumento tungkol sa kanya. Nang dumating ang bagong baso ng whiskey ay ininom niya iyon at nagsalita nang hindi tumitingin kay Amanda. “I know I’ve been with a lot of women. I know I’ve hurt some of them and believe it or not, I was sorry. I’ve made so many mistakes and I’m trying to learn from them. I’m far from perfect, you know that ever since we met. But I’m trying to change.” “Justin-“ “Hindi ko alam na hanggang ngayon, playboy pa rin ang tingin mo sa akin.” “H-hindi naman sa gano’n, Justin. I’m sorry I was just upset about…” “About what?” Bigla siyang napatingin rito. “I-I was upset about…Samantha.” “Bakit?” taka niyang tanong. Umiling ito at nagkibit-balikat. “H-hindi ko alam…siguro masyado lang akong na-disappoint nang dalhin mo siya sa bahay. Alam kong mali pero…basta, I’m sorry.” Hindi niya mapigilang matawa. “W-why were you disappointed? Nagseselos ka ba kay Samantha?” Inihanda na ni Justin ang sarili sa pagtataray nito pero tahimik lang into. He looked at her intensely and tried to read what’s on her mind. “Amanda, I’m asking you…are you jealous of Sam?” Yumuko ito at iniwasan ang mga mata niya. “M-maybe I just feel like I’m losing you as my best friend. Don’t you feel the same way?” He did feel the same way and maybe, even worse than that. He felt as if he had already lost Amanda a very long time ago.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD