“KUNG meron sigurong contest ng paramihan ng girlfriends at pinakamagaling magtago ng relationship, I’m sure, gold medalist na si Justin. Alam mo ba na minsan, nagkaroon siya ng tatlong girlfriends all at the same time? At hanggang ngayon, wala pa ring idea ‘yung mga babae na pinagsabay-sabay sila ni Justin. Ang galing, diba? Hindi ko alam kung pa’no nagagawa ni Justin na maalala lahat ng pangalan ng mga babae’ng ‘yon. Siguro meron siya’ng little black book na listahan ng mga babae niya.”
Ppauwi na sila noon ni Arthur mula sa mall kung saan naganap ang exhibit ng binata. Nakaakbay ito sa kanya habang naglalakad papunta sa unit nila.
“Sometimes I feel sorry for them but then, naisip ko, kasalanan din naman nila ‘yon. They shouldn’t have trusted someone like Justin too much.Pero hindi ko rin naman sila masisi ang mga babae’ng lumalapit kay Justin. He’s actually one of the nicest men I’ve known and he’s definitely a very likable person.”
Nakaalalay pa rin sa kanya si Arthur hanggang sa marating nila sa harap ng pinto. Mula sa exhibit hanggang sa unit nila ni Justin ay wala siyang narinig na anuman mula kay Arthur.
“Hey, are you okay? Kanina ka pa walang kibo diyan.”
Tumango lang si Arthur at hinawakan ang kamay niya.
“Sigurado ka? Kasi si Justin kapag ganyang walang imik, siguradong may-“
And suddenly, Arthur silenced her by kissing her full on the lips. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Naroon sila sa harap ng unit at anumang oras ay maaring may dumaan at makakita sa kanila. But God, she hasn’t been kissed this way for a long time and she felt like a giddy highschooler being kissed for the first time. Sa totoo lang, muntik na niyang makalimutan kung paano ang pakiramdam no’n, ‘yung halos marinig na niya ang kabog ng dibdib at habulin ang hininga dahil sa sobrang kaba.
She wanted to stop him but he might get the wrong idea. And so she slid her arms to his chest and kissed him back. Naramdaman niya ang malalim nitong paghinga at lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Arthur has never kissed her that way and she’s never been this responsive to him. Kung totoo nga na malalaman mo kung mahal ka ng isang tao sa pamamagitan ng halik, walang duda, mahal siya ng binata. It took him a long while before he could come back to his sense and ended the kiss.
“Amanda, I love you. I don’t care about Justin or anybody else. I love you and I won’t let anybody get in our way.”
She just looked at him looking at her. He loves her – he actually loves her. Ah, she has never been this confused her entire life.
~~
“A-AMANDA?”
Mabilis na napalingon si Amanda sa malakas tawag na iyon ni Justin. Naka-bathrobe lang si Justin at wala nang iba pa. Magulo ang mahaba nitong buhok mula sa pagkakatulog at halatang gulat na gulat into sa pagkakita sa kanya.
“W-what are you doing here? A-akala ko kay Phoebe ka matutulog?”
“Change of plans,” nakangiti niyang sabi. Mabilis muli siyang tumalikod at kinuha ang niluto niyang fried rice. “Breakfast is ready.”
Sa tinagal-tagal nilang magkasama sa bahay, sanay na dapat siyang nakikita si Justin sa ganoong ayos kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi pa rin niya ito matingnan nang deretso sa tuwing naka-bathrobe o boxer shorts lamang ito.
“Come on, eat. Ano pa’ng itinatayo mo diyan?”
Nanatili lang na nakatayo roon si Justin na kakaiba pa rin ang tingin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila sobrang gulat na gulat ito sa pagkakita sa kanya. Itatanong na sana niya kung may problema ang kaibigan nang may lumabas na babae mula sa kuwarto nito.
“Hey honey, have you seen my earrings? I can’t remember where I put them last night,” malambing na sabi ni Samantha habang palapit sa kanila sa dining area. “Oh, Amanda, you’re here! Hi!”
Pinilit niyang ngumiti. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ngayon si Samantha sa harap niya pero hindi siya nagpahalata. Kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na makikita ang babae’ng iyon, o kahit na sinong babae sa loob ng unit nila.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Manipis ang suot nitong red silk night gown na hanggang hita lamang ang haba. Spaghetti strap iyon at mababa ang neckline. It was like one of those gowns she sees on Victoria’s Secrets catalog. In fact, Samantha was one of those models there. Nakalugay ang may kulay nitong buhok na halatang hindi pa sinusuklay. At ang nakakairita para kay Amanda –ang paraan ng pagkakangiti nito sa kanya, na para bang nang-iinis.
“Amanda, what are you doing here anyway?” Mahigpit ang pagkakayakap nito kay Justin na para bang walang ibang tao sa lugar na ‘yon.
“I happen to live in this house,” nakangiti ngunit matigas niyang sabi. “Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?”
Tiningnan muna nito si Justin bago nagsalita. “Well, Justin invited me to sleep over,” tugon nito na mas hinigpitan pa ang yakap sa binata. “Hey honey, my earrings, I can’t find them.”
“Ah…baka nasa nightstand…I think I put them there,” mahinang sagot ni Justin na kay Amanda nakatingin.
Bago pa umalis si Samantha ay binigyan muna nito ng malalim na halik si Justin. Sigurado siya na sinadya nito na makita niya iyon dahil wala namang babae na nasa matinong kaisipan ang gagawa ng ganoon. Hindi na niya tiningnan pa ito na lumayo. Kinunutan niya ng noo si Justin at kung nakakasugat lamang ang titig, kanina pa nagdurugo ang buong katawan ng kaibigan.
“Amanda, sorry…akala ko hindi ka dito matutulog…hindi ko alam na-“
“So, ganito ang ginagawa mo kapag wala ako?” galit niyang tanong. Hinarap niya si Justin. Pinilit niyang hindi tumingin sa malapad nitong dibdib.
“Ngayon lang nangyari ito, Amanda. I-I’m sorry…this won’t happen again, I promise,” nagmamakaawang sabi ni Justin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagdala ito ng babae sa bahay at sa malas pa na nakita iyon ni Amanda.
Nang maupo si Justin ay siya namang tayo niya. Galit na galit siya at hindi na niya matatagalan pa na manatili sa lugar na iyon kasama ang kaibigan at ang nobya nito. At lalung-lalo na ang mag-almusal kasalo ang babae’ng iyon.
“Hey, Amanda, saan ka pupunta?”
“Pang-dalawang tao lang ang niluto ko for breakfast. Sa labas na lang ako kakain.”
Hindi na nakuha pang pigilan siya ni Justin dahil lumabas na mula sa kuwarto si Samantha. Nagkasalubong pa sila nito at nginitian pa siya nitong muli bago siya tuluyang makaalis.