Chapter 9

1411 Words
NABANGGIT ni Amanda kay Phoebe ang tungkol sa bagong girlfriend ni Justin, na parang seryoso na sa pagkakatao’ng iyon. Na iba si Samantha sa lahat ng babae’ng ipinakilala sa kanya ni Justin. Hindi pa niya nakita ang kaibigan na sobrang attentive sa isang babae. Ang mga babae ang parating nag-aasikaso rito pero kay Samantha, kabaligtaran. Simula nang ipakilala sa kanya ni Justin si Samantha, wala na itong ibang babae’ng bukambibig kundi Samantha, Samantha, Samantha. At sa tingin niya ay wala na rin itong ibang dini-date ngayon. “Sa tingin ko, nagbago na nga siya.” “Okay lang sa’yo na may bagong girlfriend si Justin?” Tiningnan lang siya ni Phoebe bago tuluyang pumasok sa kanilang unit. Inimbitahan niya ito para tikman ang bago niyang banana cake recipe. “Bakit naman hindi magiging okay?” Sinundan niya ang kaibigan papasok, hanggang sa dining area. Wala si Justin, kasama ang bago nitong girlfriend at siguradong umaga na naman ang uwi no’n. “Hindi ka nagseselos?” “Phoebe, hanggang ngayon ba naman?” Natatawa niyang tanong. Inilabas niya ang cake mula sa refrigerator at inilapag sa mesa, na agad na sinimulang kainin ni Phoebe. “Sige nga, paano kung talagang seryoso na si Justin this time? Eh di aalis ka na sa magandang condo unit na ito?” “Actually, gusto ko na ring kausapin si Justin tungkol do’n.” Matagal na rin naman niyang pinag-iisipan iyon at wala namang problema sa kanya ‘yon. Sa tingin niya, panahon na rin para magkanya-kanya na sila ni Justin. Kung si Samanta na nga ang magpapabago kay Justin, eh di mahusay, dapat itong parangalan ng Nobel Prize. “Mabuti naman.” Tumayo si Phoebe at kumuha ng dalawang bote ng tubig sa ref at agad ring umupo. “Akala ko habang-buhay ka nang mabubulok dito kasama ng babaero na ‘yon. Ang tanong, papayag kaya ‘yon na umalis ka?” “Bakit naman hindi?” Tiningnan niya si Phoebe na para bang siya ang pinaka-tanga’ng tao sa buong mundo. “Amanda, obvious naman na wala sa mga plano niya sa buhay ang mawalay sa piling mo.” Umiling-iling into habang seryosong nakatingin sa kanya. “Kasalanan mo ‘yan. Masyado ka kasing manhid. Ayan, naghanap tuloy ng iba.” Maraming beses na iyong nasabi sa kanya ni Phoebe. Na kaya raw paiba-iba ng babae si Justin ay dahil sa kanya, at malamang ay pinagseselos lamang siya nito at manhid raw siya at walang pakialam at ngayong nakatagpo na si Justin ng katulad ni Samantha, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. “Amanda, ‘yung totoo, wala ka ba talagang pagnanasa kay Justin? Kasi, naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon. Matagal na kayong magkasama sa iisang bahay at imposible naman na kahit katiting ay wala kang pagnanasa sa kanya. Kahit sino kasi ang tanungin mo, hindi maniniwala na wala kayong feelings sa isa’t-isa at hindi rin ako maniniwala kapag sinabi ni Justin na wala siyang gusto sa’yo,” tuluy-tuloy na sabi ni Phoebe habang kumakain. “Kaibigan lang ang tingin no’n sa akin.” Ngumiti ito. “Pero ikaw, kaibigan lang ba ang tingin mo sa kanya? Hay naku Amanda, kung mahal mo si Justin, sabihin mo na ngayon bago mahuli ang lahat.” Sa tingin niya, talagang huli na ang lahat, kung mayroon man siyang nararamdaman para sa kanya. At siyempre, dapat siyang matuwa para kay Justin dahil sa tinagal-tagal ng panahon sa wakas, he has found his true love – kung true love nga iyo’ng matatawag. At mula sa pagiging certified playboy ay naging ideal boyfriend si Justin. Maybe it was something that would last a long time. Nakakatawa pero totoo at naisip niya na mas okay na nga na lumipat na siya ng ibang condo o kaya’y apartment. Para kay Justin, para sa kanyang sarili, para sa lahat. ~~ “SAAN ka pupunta?” “Date,” maiksing tugon ni Justin. “Date? Ano’ng date?” Sinundan ni Amanda ng tingin si Justin habang isinasara ang butones ng itim nitong polo. Masama ang tingin niya rito pero nginitian lang siya nito at nakiinom pa sa kanyang bagong timplang kape. “May dinner kami ni Samanta. Romantic dinner,” nakangiti pa nitong sabi. “Nakalimutan mo ba kung ano’ng araw ngayon?” Ibinaba ni Amanda ang paa mula sa pagkaka-indian seat sa sofa. “Sabado ngayon, Justin. Ngayon lang naman ang meeting mo with Mr. Magno para sa magazine interview tungkol sa restaurant. Kaya i-cancel mo na ‘yang romantic dinner n’yo na ‘yan.” Umiling si Justin at umupo sa tabi niya. “I can’t. It’s Sam’s birthday today,” sabi nito sabay tingin sa suot na wristwatch. “Ano’ng oras ba ang meeting?” “Six.” “Can we just reschedule?” Umiling siya. “Dalawang beses ka nang nagpapa-reschedule ng meeting sa kanila dahil sa date-date mo na ‘yan. Hindi na tayo p’wedeng magpa-reschedule.” “Kaya mo na ‘yon, ikaw na lang ang makipag-meet,” nakangiti nitong sabi. “Please?” Lumapit pa si Justin sa kanya nang mas malapit at napaurong siya dahil doon. “Nagbibiro ka ba?” nakangiti rin niyang tugon. Pero isa iyong kuwaring ngiti. Tumayo si Amanda at ibinigay sa kaibigan ang hawak na mug ng kape. “Please lang Justin, huwag mong hintayin na mainis na naman ako. Ilang beses mo nang ginagawa ito? Parati nalang ako ang inihaharap mo sa mga meetings at mga interviews dahil lang sa mga date mo na ‘yan. Mas importante pa ba ang babae’ng ‘yon kaysa sa restaurant? Lahat na lang ng oras mo nakatuon kay Samantha, wala ka nang panahon sa restaurant. Kahit ‘yung mga araw na dapat tayo ang magkasama, nakakalimutan mo na. May iba kang buhay bukod kay Samantha, Justin. Hindi lang siya ang tao sa mundo.” Saglit na hindi nakaimik si Justin at pagkadaka’y natawa. “Sinasabi ko na nga ba, nagseselos ka kay Samantha, ano?” Sinundan siya nito hanggang sa kuwarto. “Utang na loob, Justin.” “Bakit kasi ang init ng ulo mo kapag si Sam ang pinag-uusapan?” “Sa iyo mainit ang ulo ko, hindi sa kanya. Palagi ka na lang kasing ganyan.“ Mula sa paghahanap ng damit sa closet ay tiningnan niya ang kaibigan. “Okay na, tama na. Huwag nang mainit ang ulo,” sabi ni Justin at hinaplos nito ang dalawa niyang pisngi. “Makikipag-meeting na tayo kay Mr. Magno, okay?” Kinailangan niyang huminga ng malalim at pigilan ang sarili na kiligin. “A-ano’ng tayo? Mag-isa kang makikipag-meeting sa kanya.” Tumalikod na siya at ipinagpatuloy ang paghahanap ng damit. “H-ha? Eh, saan ka pupunta?” taka nitong tanong. “Dinner date with Arthur. Romantic dinner,” may pang-iinis niyang tugon, gaya ng ginawa nito kanina. “Ah, gano’n? Ipapa-cancel mo ang date namin ni Sam, tapos ikaw, aalis kasama ng Arthur na ‘yon?” “Justin, hindi ako ang may appointment, ikaw.” Inilabas ni Amanda ang napili niyang itim na palda at pink na blouse, na regalo sa kanya ni Justin noong nakaraan niyang kaarawan. “Amanda, sasama ka sa akin sa meeting.” “Matagal na naming nai-set ni Arthur ang dinner na ‘to. And besides, ikaw lang naman ang kailangang interview-hin para sa magazine.” Inilapag niya ang damit sa kama at humarap sa kaibigan. “Hindi ka aalis,” matigas na sabi ni Justin. Kinuha nito ang damit niya sa ibabaw ng kama, na ikinagulat ng dalaga. “It’s either sasama ka sa akin o hindi ka aalis.” Napangiti siya. “Nagseselos ka kay Arthur, ano?” “Oo, nagseselos ako,” seryoso nitong sagot. Hawak pa rin nito ang damit niya sa paraang hindi niya maaagaw. “N-nagseselos ka kay Arthur?” ulit niyang tanong. Hinintay ni Amanda na sasabihin ni Justin na nagbibiro lang ito pero wala. Nagseselos si Justin, iyon lang. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Muling inilapag ni Justin ang damit niya sa kama. She could see frustration in his beautiful eyes. “Just make sure na maaga kang uuwi. Call me when you get home.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD