Chapter 8

1803 Words
ALAS-otso na ng umaga, naghahanda na si Amanda para umalis nang makarinig siya ng malakas na katok sa pinto. Alas-otso ang usapan nilang magkikita ni Phoebe at halos kalahating oras pa ang kailangan niyang bunuin bago makarating sa meeting place nila. Kasi naman ito’ng si Justin, naisipan pang lumabas kagabi at alas dos na sila ng umaga nakauwi. Inayos muna niya ang mga gamit sa bag bago tumungo sa pinto. “Sandali lang!” Wala siyang inaasahang bisita nang umagang iyon at nagtataka siya kung sino ang napakalakas maka-katok, kay-aga-aga. Maliit itong babae, payat, maitim. Naka-spaghetti strap itong kulay pula at napaka-iksing masikip na itim na palda. Nagulat ito nang makita siya, hindi niya alam kung bakit. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa at hindi niya iyon nagustuhan. “Unit ba ito ni Justin? Kilala mo ba siya?” “Si Justin? Oo,” sagot niya. “Ito nga ang unit niya.” Malamang, isa na naman iyon sa mga babae ni Justin. “Nandiyan ba siya?” Muli, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “N-natutulog pa, alam ba niya na darating ka?” Siguro hindi, dahil hindi ito sumagot. “Ahm, miss, pasok ka muna, gigisingin ko lang siya.” Iniwan ni Amanda na bukas ang pinto para sa bisita. “Maupo ka muna, tatawagin ko lang si Justin,” muli niyang sabi nang hindi into umalis sa pagkakatayo. Pero bago marating ni Amanda ang kuwarto ng kaibigan ay nakita na niya itong lumabas mula roon. Naghihikab pa itong lumapit sa kanya at nagulat nang makitang may ibang tao sa loob ng condo unit. “J-Jane! Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Justin na biglang nawala ang antok. “Justin! Iniiwasan mo ba ako? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit?” Napailing si Amanda. Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong klaseng eksena. Maraming beses nang nangyari ang ganitong tagpo simula nang makilala niya ang kaibigan pero ngayon lamang may sumugod doon sa bahay kaya pareho silang nagulat. Tahimik lang si Amanda habang ipinagpatuloy ang pag-aayos ng ilang gamit na naiwan niya sa sala. Nagmamadali na siya dahil ayaw niyang ma-traffic at ma-late na naman. After breakfast with friends, she’ll be meeting a new client and she wanted to make the best impression possible. “W-wait, paano mo nalaman itong unit?” kunut-noong tanong ni Justin. Inayos nito ang pagkakabuhol ng bathrobe bago lumapit sa bisita. “Hindi na mahalaga ‘yon! Justin, pinagtataguan mo ba ako?” malakas na sigaw ni Jane. Sa liit nitong babae, nakamamangha kung saan nanggagaling ang malakas nitong boses. “Jane, please, huwag kang sumigaw. Sinabi ko na sa’yo, diba? We’re over.” “Gano’n lang ‘yon? Pagkatapos kong ibigay sa iyo lahat, ganoon lang ‘yon? Bakit, ha? Dahil ba sa babae na ‘yan?” Tumayo na uli si Amanda at tiningnan si Justin at Jane. Ayaw na niyang madamay sa giyerang iyon pero hindi niya alam kung paano siya makakaraan sa pagitan ng dalawa. “Ano ang ginagawa ng babae’ng ‘yan dito?” nakapamewang na tanong ni Jane. Mabilis na kinuha ni Amanda ang bag niya. “Ah, e-excuse me, but I really have to go.” Pero agad na humarang si Jane sa daraan niya. “Hindi ka makakaalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang ginagawa mo sa unit ng boyfriend ko!” “Jane, huwag mo siyang idamay dito!” Napanganga siya sa sobrang pagkabigla nang lumapit si Justin sa kanilang dalawa para protektahan siya at pigilan ang pagsugod ni Jane. “At ipinagtatanggol mo pa ‘yang babae na ‘yan? Siya ba ang ipinalit mo sa akin, ha?” Galit na galit si Jane at sa tingin ni Amanda ay handa itong umatake anumang oras. Habang naglilitanya si Jane ay bumulong siya kay Justin. “Ano na naman ba ‘to, Justin? May meeting pa ako, kailangan ko nang umalis, ngayon na.” “Justin!” ani Jane. “Naghihintay ako ng paliwanag! Bakit narito ang babae na ‘yan?” At bumaling ito kay Amanda. “Hoy, ikaw? Ang kapal naman ng mukha mo na matulog sa unit ni Justin ko! Mang-aagaw!” “Jane, p’wede ba, umalis ka na? Let’s talk about this some other time,” mahinahong sabi ni Justin, pero halata sa mukha nito ang sobrang galit at kahihiyan. “Hindi ako papayag na basta palitan mo ‘ko ng kung sino lang! Ano ba? Lahat naman ibinibigay ko sa’yo, lahat ginagawa ko para sa ‘yo! Bakit, Justin?” Malapit nang umiyak si Jane at hindi alam ni Amanda kung maawa rito o matatawa. Para siyang nasa eksena ng isang telenobela. Halata namang talagang mahal na mahal nito si Justin, at sa tingin niya ay katangahan iyon. She should not trust someone like him and invest her feelings to this man too much. “Please, Jane, umalis ka na, let’s talk about this some other time, okay?” Pero todo ang iling ng babae. “Hindi! Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang babae’ng ‘yan at ano ang ginagawa niya rito!” “S-she’s Amanda, okay? She’s my-“ “G-girlfriend. I’m his new girlfriend,” mabilis niyang dugtong. Dahil sa tingin niya ay wala talagang balak na umalis si Jane at naisip niyang mas mabuti pa ngang marinig na nito ang gusto nitong marinig. Kapwa nanlaki ang mga mata ni Jane at Justin sa narinig. “And I live here with Justin.” “Hindi totoo ‘yan!” sigaw ni Jane at tuluyan nang napaiyak. “I’m sorry, pero iyon ang totoo. Kaya please, umalis ka na.” Maraming iling ang naging tugon nito. Malakas ang hagulgol ng babae at kumalat na ang itim na mascara at ang makapal na make up nito sa mukha. “J-Justin, sabihin mo sa ‘kin na hindi totoo ‘yon! Sabihin mo sa babae na ‘yan na ako ang mahal mo at hindi siya! Justin, mamili ka sa aming dalawa ngayon, siya o ako?” Huminga ng malalim si Justin, tiningnan si Amanda at pagkatapos ay si Jane. “Jane, matagal ko nang sinabi sa’yo na wala na tayo. I’m in love Amanda, I’m sorry. Napatingin si Amanda sa kaibigan. ‘I’m in love with Amanda’. Why did she feel as if he meant every word he said? Umiling-iling siya para gisingin ang sarili sa kahibangang iyon. Patuloy lang sa pag-iyak si Jane at ilang sandali pa itong nanatiling nakatayo at umiiyak bago pa tuluyang umalis. Masama ang loob nito, masama ang mukha at padabog na isinara ang pinto. Parehong naiwan sina Amanda at Justin na nakatingin sa saradong pinto. “A-amanda, s-sorry about that.” “Oh well, what’s new?” nakangiti niyang sabi. “Sanay na ‘ko. Pero kapag ako nakatanggap ng death threat, humanda ka sa’kin.” “Hay, bakit ba parang tinatakbuhan mo na ang mga girlfriends mo bigla-bigla?” “I’ve changed, Amanda,” nakangiti nitong tugon na may himig pagmamalaki. Doon siya natawa. Talaga nga kaya? Sana nga, totoo na iyon. ~~ GOOD news ‘yon para kay Amanda, kung totoo ngang nagbago na si Justin. Wala nang Marianne at wala nang Jane sa buhay nito. Magpapamisa na sana si Amanda pero wala pang isang buwan ay may ipinakilala na naman into sa kanya. Si Samantha. Tinawagan siya ni Justin habang nasa restaurant siya at i-meet raw niya into sa paborito nilang coffee shop. Tinanong niya kung bakit, dahil busy siya nang mga oras na iyon, pero wala itong anupamang nasabi kundi sobrang importante raw. Kaya naman wala na siyang nagawa, iniwan niya lahat ng responsibilidad nang araw na iyon at nakipagkita rito. Nadatnan niya si Justin doon na naghihintay. Kinawayan siya nito at tumayo para salubungin siya. Maganda ang ngiti nito, kung bakit ay hindi niya alam. “Akala ko, hindi ka na darating,” sabi nito matapos hilahin ang upuan para sa kanya. “Marami akong ginagawa sa restaurant. So, ano ba itong importanteng bagay na ito?” Naupo siya at um-order si Justin ng iced tea para sa kanya. “Ano na naman ang problema?” “Wala,” nakangiti nitong tugon. Agad na rin itong naupo sa harap niya. “So, bakit mo ako pinapunta rito?” Sa halip na sumagot ay muling tumayo si Justin, na ikinagulat niya. Mas gumanda ang ngiti nito at nang sundan niya ang direksiyon ng tingin nito, natanaw niya ang isang babae na nanggaling mula sa kung saan. Matangkad ito, maganda – ‘yung tipo ng ganda na sa unang tingin pa lang, masasabi mo na’ng maganda - walang medyo, walang kaunti. Basta, maganda ito. Sinalubong iyon ni Justin ng isang malalim na halik sa labi. Ah, ito pala ang sinasabi nitong ‘importante’. “Oh my, I am really sorry, I’m so late! Traffic everywhere!” may-accent nitong sabi. Nakasuot ito ng sa tingin ni Amanda ay sinusuot lamang sa mga pormal na okasyon. She’s all made up. Little red dress, black high heels, nice jewelry. Nakamasid lang siya sa eksenang iyon. Hinatak ni Justin ang isa pang upuan para sa magandang babae’ng bagong dating. “Amanda, I’d like you to meet Samantha.” Nakipagkamay siya at pilit itinago ang sobrang pagkabigla. Wala siyang anumang sinabi dahil hindi talaga niya alam ang sasabihin. “Honey, this is Amanda.” Sabay na naupo sina Justin at Samantha, at ganoon pa rin ang mukha ni Amanda – tulala. Honey. He called her honey. Hindi niya alam pero parang ang sakit sa tenga no’n. Tiningnan niya ang babae’ng nakaupo sa harap niya ngayon, na may magandang ngiti. Mestisa ito, matangos ang ilong. At nasabi na ba niyang matangkad ito? Tantiya niya ay hanggang balikat lamang siya ng babae na ‘yon. Actually, Justin and Samantha look good together and Amanda didn’t feel good about it. “Ah, finally, I meet the famous Amanda in person. Justin talks about you a lot.” Ano ang ibig nitong sabihin doon? Tiningnan niya si Justin at nginitian pero kinindatan lamang siya nito. Idinaan na lang ni Amanda ang lahat sa pag-inom ng iced tea. Wala yata siyang maipipintas sa dalaga. Bukod sa sinabi nitong upcoming model ito at nag-iisang anak ng isang business tycoon na nakalimutan na niya ang pangalan, wala na siyang iba pang alam tungkol dito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD