Chapter 7

1436 Words
IT was one of those wild nights with Marianne. Pagkatapos manood ng walang kuwenta’ng pelikula ay dumeretso sila sa isang hotel. When it was over, Marianne was still kissing him with all her passion. But Justin’s mind was far from it. Naroon siya, kasama si Marianne pero iniisip niya si Amanda, na may date ngayong gabi kasama si Arthur. At iniiisip niya kung ano ang ginagawa ng mga ito nang mga sandaling iyon. Were they spending the night in a place like this? Was Amanda kissing that man the way Marianne was kissing him now? Tiningnan ni Justin ang wristwatch na ipinatong niya sa nightstand – alas diyes na ng gabi. He had the itch to call Amanda but his mind was against it. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na bahagyang lumayo si Marianne para tingnan siya. “Honey, ano’ng problema?” Hindi siya sumagot, sa halip ay bumangon na siya at nagsuot ng bathrobe. “A-aalis ka na? Ano na naman ba ang problema, Justin?” takang tanong ni Marianne, na obvious na naman ang sagot. Naupo ito at itinakip nito ang kumot sa hubad nitong katawan. “Wala.” Isang buwan na mula nang huli silang magkita ni Marianne at ngayon na lamang niya ito tinawagan. Alam niyang pinipilit na lamang nito na intindihin siya dahil sa tuwing gusto nitong makipagkita ay parati na lang siyang may dahilan para tumanggi. Nang huli silang magkasama ni Marianne, nakatanggap siya ng tawag mula kay Amanda at wala pang limang minuto ay umalis na siya. At ngayon, inaasahan nito na hanggang umaga sila doon. “So, bakit kailangan mo nang umalis?” pagkadaka’y tanong nito. “Kailangan ako sa restaurant,” simple niyang tugon. Matagal bago muling nagsalita si Marianne. “T-tapatin mo nga ako Justin, m-magkaibigan lang ba talaga kayo ni Amanda?” “Marianne, ilang beses na ba nating napag-usapan ‘yan?” Sinundan siya ng tingin ni Marianne hanggang sa banyo at natatawa na lamang siyang isinara ang pinto. Napapailing siya habang naliligo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nilang napagtalunan ni Marianne ang tungkol kay Amanda. Bakit ba tila lahat ng tao ay ayaw maniwala na talagang magkaibigan lamang sila ni Amanda? Pumikit siya habang dumadaloy sa kanyang katawan ang malamig na tubig mula sa dutsa at naisip niya, bakit nga ba hanggang ngayon ay magkaibigan lang sila ni Amanda? ~~ ALAS onse na ng gabi nang makarating si Justin sa restaurant at nagulat pa siya nang mapansing marami pa ring tao roon. Tumuloy siya na siya hanggang sa kusina at nakita na naroon pa si Amanda na abala sa pag-aasikaso ng lahat. “Amanda, ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ba, may date ka ngayon?” tanong ni Justin. Nagkakagulo sa loob at kinailangan pang lakasan niya ang boses para marinig siya ni Amanda. “May biglaang nagpa-reserve for dinner. Tinawagan ako ni Tony kanina, buti na lang, nasa bahay pa ‘ko.” “B-bakit hindi mo ako tinawagan?” Ibig sabihin, hindi natuloy ang dinner date nito kasama si Arthur? Bahagya siyang napangiti at lumapit sa kaibigan. “Alam ko namang kasama mo si Marianne,” sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya. “Kahit pa, dapat tinawagan mo ‘ko. Nasaan ba si Tony?” si Tony ang assistant chef ni Amanda. Di hamak na mas matanda ito sa kanila pero ayaw nitong magpapatawag ng ‘Mang’ o ‘Tito’, at ayaw rin nito ng i-‘po’ at ‘opo’. “Pinauwi ko na, masama ang pakiramdam e, kawawa naman.” Surprise farewell dinner raw iyon ng isang empleyado sa opisina na malapit sa restaurant nila. Kakilala nila ni Amanda ang nagpa-reserve kaya wala na rin silang nagawa. Tiningnan ni Justin si Amanda na hindi na halos malaman kung ano ang uunahing gawin. Pawis na pawis na ito hindi lamang dahil sa suot na puti’ng chef’s uniform kundi dahil na rin sa init ng buong kusina at alam niyang pagod na pagod na ito pero nakukuha pa rin nitong ngumiti. Gusto tuloy niya itong mas lapitan pa at yakapin. At halikan. Mali, gusto lang niya itong lapitan. Period. ~~ “SO, what do you think about him?” tanong ni Amanda sa kanya nang sa wakas ay makauwi na sila mula sa restaurant. Sinundan siya nito sa kuwarto niya at nauna pa itong humiga sa kanyang kama. “Sino?” wala sa loob niyang tanong. “Si Arthur.” “Wala.” Halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng dinner nila kasama ni Arthur at wala pa siyang nababanggit na anuman tungkol doon. “No, really, what do you think about him?” muli nitong tanong. “Okay lang,” walang emosyon niyang sagot sabay higa sa tabi nito. “Mukha naman siyang okay, hindi ba?” “So, you like him?” “O-of course not. I’m not interested,” natatawa niyang tugon. “Ang ibig kong sabihin, sa tingin mo ba, okay siya para sa akin?” Bahagya niyang tiningnan ang kaibigan na nakapikit na. “Hindi naman ako ang girlfriend, ikaw.” Linya iyon ni Amanda sa tuwing tinatanong niya ang opinyon nito tungkol sa mga girlfriends niya. Hinintay niya itong salungatin ang sinabi niya pero wala siyang narinig mula rito.  “In-invite niya ‘ko sa Vigan next weekend.” “Hindi ako p’wede, marami akong gagawin,” mabilis niyang sagot. At kahit wala siyang gagawin ay wala siyang balak na sumama roon. “Hindi ka naman kasama, ako lang.” “Huwag mong sabihin na kayong dalawa lang ang pupunta do’n?” Sa lahat ng mga lakad ni Amanda ay palagi siya nitong kasama pero bakit hindi sa lakad na iyon? Tumango ito. “Oo.” Humarap siya rito at sumeryoso ang kanyang mukha. “At sasama ka naman?” “Iniisip ko pa. Papayagan mo naman akong mag-leave, hindi ba? Weekend lang naman ‘yon.”  “Marami tayong gagawin sa restaurant next week.” “Ang sungit mo naman nito, minsan nga lang ako mag-leave.” “Hindi p’wede,” matigas niyang tugon. “Gusto mo ba kasama ka?” “Ayoko, marami nga akong gagawin.” “Sus, nagseselos ka lang yata e.” Napangiti ito, muling umayos ng higa at pumikit. “At bakit ako magseselos do’n e hamak naman na mas cute ako ro’n,” natatawa niyang sabi. “E bakit ayaw mo akong payagan?” “Ano naman ang gagawin ninyo sa Vigan? Painting?” “Oo. Para ‘yon sa exhibit nila.” “At naniwala ka naman na painting lang ang gagawin n’yo ro’n.” Bigla ang naging pagbangon ni Justin kaya nayugyog ang kama. Pero nanatili lamang na nakapikit ang kaibigan. “Amanda, sa tingin mo ba, painting lang ang nasa utak ng lalaki’ng ‘yon when he invited you for that out-of-town trip?” Hindi ito kumibo dahil wala na itong kakayahang makipagdiskusyon dahil sa sobrang pagod. “When he invited you there, he’s not thinking about painting, Amanda. His mind is into something else.” Napaisip tuloy si Justin na malaki ang posibilidad na seryoso na nga si Amanda sa lalaki’ng iyon. Ayaw man niyang maging selfish pero hindi niya maiwasang isipin na kapag nangyari ang ganoon, ibig sabihin ay mas lalong mababawasan ang oras na magkakasama sila ni Amanda dahil mababaling na ang buong atensiyon nito sa Arthur na iyon. He suddenly remembered seeing how the guy kissed her that night they had dinner. And he didn’t like every bit of it. “Amanda, I’m telling you, he’s mind is into something else.” Tiningnan niya ang kaibigan na mahimbing na yatang natutulog. “Amanda?” Walang tugon. Tumagilid lang si Amanda, humarap sa kanya nang nakapikit pa rin. Sinimulan na niya itong kalabitin. “Amanda, don’t you dare sleep here.” Yes, he has to admit that eversince meeting her, he wanted Amanda to sleep in his bed. He wanted her to sleep in his bed, with him. He wanted her here, but God knows he didn’t want her asleep. Napailing siya habang pinagmamasdan si Amanda. Baka tamaan siya ng kidlat sa mga kalokohang iniisip niya tungkol dito. “Pasalamat ka, kaibigan kita.” Because if she’s any other girl, he wouldn’t waste a single second just staring at her.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD