NANG umagang iyon, nagising si Amanda nang wala si Justin. Nag-almusal siya nang wala into at nagpunta siya sa Mandy’s nang wala ito. Tinanong niya kay Manang Gloria, ang nakakatuwa nilang tagapaglaba ang tungkol kay Justin at ang sabi nito ay maaga raw umalis ang binata at hindi na raw kumain ng almusal. Kung ano ang problema nito, wala siyang ideya. Sampung beses na niya itong tinawagan nang araw na iyon pero hindi ito sumasagot. Inisip na lang niya na masyado itong busy, dahil ayaw naman niyang isipin na iniiwasan siya nitong kausapin.
“Pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.” Sa sobrang pag-aalala ni Amanda ay kinailangan niyang puntahan at kausapin si Phoebe. Sinundo niya ang kaibigan sa opisina nito at kumain sila sa malapit na restaurant. “Hindi siya nagpaalam sa akin, hindi man lang sinabi kung saan pupunta. Hindi man lang nag-breakfast. Dati naman, tumatawag siya or nagti-text.”
“Amanda, cool ka lang. Baka naman walang load. O kaya, lowbat.”
Hindi ganoon ang tipo ni Justin. “Ano kaya ang nangyari sa tao’ng ‘yon?”
“E bakit ka ba nag-o-overreact? Hindi mo lang nakasabay sa breakfast, nagkakaganyan ka na. Tapos, sasabihin mo sa akin na friends lang kayo? Utang na loob, Amanda,” natatawang tugon ni Phoebe.
“Baka kung ano na nga ang nangyari ro’n, ano sa tingin mo?”
“Alam mo kung ano sa tingin ko? Sa tingin ko, nag-gu-good time lang ‘yon kasama ng mga girlfriends niya. Amanda, matanda na ‘yung kaibigan mo. Kaya na niya ang sarili niya. Pinapaalala ko sa’yo, kaibigan ka lang, mare. Sa kinikilos mo, daig mo pa ang asawa.”
~~
“ANG tagal nating hindi nagkita, pagkatapos, ganyan ang isasalubong mo sa akin? Para kang namatayan,” sabi ng matalik na kaibigan niyang si Paul. Galing ito ng L.A. at siya ang sumundo rito at ngayon ay naroon sila sa coffee shop na madalas nilang puntahan noon. Kasingtangkad niya ito, kasing puti. Madalas sila noong mapagkamalang magkapatid dahil magkahawig rin sila nito. Siguro, dahil na rin sa bata pa lamang ay kasa-kasama na niya ito.
“Pagod lang ako,” tugon niya.
Nagkibit-balikat si Paul. “So, kumusta? Kayo pa rin ba ni Amanda?” Maganda ang pagkakangiti ng kaibigan dahil alam nito ang buong kuwento tungkol kay Amanda. “So, how is she?” makahulugan nitong tanong.
“She’s okay, she’s nice.”
“I know, the whole world knows that she’s very nice. I mean, how is she in bed?”
“Hey, Paul. That’s out of the question,” seryosong tugon ni Justin.
“Fine, fine. So, ano bang problema’t ganyan ang itsura mo?”
Hindi puwedeng sabihin ni Justin sa kaibigan na kaya siya nagkakaganoon ay dahil sa nakalimutan ni Amanda ang isang napakaliit na bagay dahil alam niyang hindi iyon maiintindihan ni Paul.
Marami na siyang tawag mula kay Amanda na hindi niya sinasagot, at mas maraming text messages, tinatanong kung ano ang ginagawa niya, kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag nito, kung ano ba ang problema niya at kung ano ang nangyari sa kanya.
Concern nga ba ito sa kanya? Ah, hindi niya alam. Sa totoo lang, hindi naman nagkakaganoon si Justin dahil sa hindi natuloy ang panonood nila ng pelikula nang gabi’ng iyon. Parte lang iyon ng dahilan.
Wala na silang oras sa isa’t-isa nitong mga naraang linggo. Abala siya sa restaurant at ganoon rin si Amanda. Minsan na lang rin sila magkatagpo sa Mandy’s at madalas pa nga, kasama nito si Arthur. Parati na lamang nitong kasama ang lalaking iyon. Oo nga, at magkasama sila sa iisang bahay pero parang hindi rin.
He missed her, a lot. At gusto na niyang maibalik ang mga panahon na wala pang Arthur sa buhay ni Amanda.
~~
NANG pumasok si Justin sa condo ay nagulat pa siya nang makita si Amanda na tulog na tulog doon sa sofa. Hawak nito ang isang libro at halatang nakatulugan na nito ang pagbabasa.
“Amanda, Amanda,” mahina niyang sabi. Nilapitan niya ito at ginising.
“A-ano’ng oras na?” Pilit binuksan ni Amanda ang mga mata. Nang makita nito si Justin ay dahan-dahan itong umayos ng pagkakaupo.
Tumingin si Justin sa relo. “Two o’clock in the morning. Bakit dito ka natulog?”
“Bakit ngayon ka lang?” balik nitong tanong. Inilagay nito ang binabasang libro sa mesa at muling ipinikit ang mga mata. “Saan ka ba galing?”
“Paul arrived from L.A. I picked him up from the airport.” Naupo si Justin sa pang-isahang upuan, nagtataka pa rin kung bakit doon natulog ang kaibigan. Amanda was wearing her pink pajamas, which he thought was the sexiest pajamas he has ever seen. Iniiwas niya ang tingin dito at tiningnan na lamang ang librong inilapag nito sa mesa.
“Bakit hindi ka man lang tumawag? Buong araw kitang tinatawagan, hindi ko alam kung nasaan ka na o kung ano nang nangyari sa iyo.”
Natawa siya.
“At ano ang nakakatawa? Nakakainis ka, alam mo ba ‘yon?”
“Bakit?” Tumayo si Justin nang tumayo si Amanda at sinundan niya ito hanggang sa kusina.
“Bakit? At nagtanong ka pa kung bakit? Hindi mo man lamang naisip na mag-text at sabihin sa akin na – ‘Oh, I’ll be late, I’m with Marianne’.”
“Amanda, I was with Paul,” pagtatama ni Justin sa sinabi ni Amanda pagkatapos nitong uminom ng tubig.
“Para ano pang may mamahaling cellphone ka? Hindi mo man lang naisip na mayro’ng nag-aalala sa’yo dito sa bahay.”
“Nag-aalala ka sa akin?” Tiningnan ni Justin si Amanda na noon ay nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kanya. Muli siyang napangiti.
“Hay naku, ewan ko sa’yo.” Tumalikod si Amanda at muling nagpunta sa sala para kunin ang librong binabasa kanina.
“No, seriously, nag-aalala ka sa akin?”
“Bakit nga ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” sa halip ay tanong nito.
“Eh, ikaw kasi,” bulong niya. Mahina iyon pero sapat na para marinig ni Amanda.
“Ha? At bakit ako?”
“H-ha? M-may sinabi ba ako?” patay-malisya niyang sabi sabay lapit sa kinatatayuan nito. “Matulog ka na, okay?”
Sinamahan niya ang kaibigan hanggang sa pinto ng kuwarto nito at nanatili lang silang nakatayo malapit sa isa’t-isa.
“P’wede ba, sa susunod-“
“Sorry po, hindi na mauulit.” Tumangu-tango si Justin kahit hindi pa tapos magsalita si Amanda.
“Dapat lang.”
Napangiti siya. “Sige na, good night.” Bigla, nawala ang lahat ng sama ng loob niya. Masaya siyang muling makita nang ganoon si Amanda, masaya siyang muli itong makasama nang ganoon.
“Good morning na,” seryoso nitong sagot. Tumingin pa muna sa wristwatch si Amanda bago buksan ang pinto.
Nang isasara na nito ang pinto ay muli itong tinawag ni Justin. Nasa loob na ito ng kuwarto, hawak ang pinto, at nasa labas si Justin.
“O, bakit?”
“Thank you,” mahina niyang tugon.
“Thank you saan?”
“Sa pag-aalala.”
Ngiti lamang ang nakuhang sagot ni Justin at isinara na nang tuluyan ni Amanda ang pinto. Justin just stayed there in front of her door for a while, feeling happy and light, something he hasn’t felt for a long time.
~~
“SHE’S even more beautiful, huh,” sabi ni Paul kay Justin nang bumisita ito sa Mandy’s isang gabi. Ilang beses na ring nakita ni Paul si Amanda roon, noong nagsisimula pa lamang ang pagkakaibigan nila. Nakaupo sila doon sa bar, umiinom ng beer.
Paul has considered Amanda as a s*x object eversince and Justin didn’t like it. Ang alam ni Paul, he’s just playing around with her, like what he has always known him.
“How long have you been together?”
Gaano na nga ba sila katagal magkasama sa condo ni Amanda? “Ah, almost a year.” Nag-isip pa muna si Justin at nagbilang sa utak bago nakatugon.
“Wow, that’s something! You’ve never been with the same woman in a month, man,” sabi nito, at iba na naman ang ngiti sa labi. “She’s really that great, huh?”
Great in bed, that’s what Paul meant. And he always hated it every time Paul talked about Amanda that way. “Paul, kaibigan ko si Amanda. Magkaibigan lang kami. And I haven’t gotten her to bed or anything like that, Paul,” paglilinaw niya. He hasn’t even kissed her hand, for Christ’s sake.
Tiningnan siya ni Paul, tingin na hindi makapaniwala. “W-what? But why? Sabi mo-“
“Alam ko ang sinabi ko, okay?”
“So, what happened? Ano ‘yun, biglang ayaw mo na sa kanya kaya magkaibigan na lang kayo ngayon?”
Hindi sumagot si Justin. Talagang malaki lang ang respeto niya kay Amanda. Ilang libong beses na rin niyang pinag-isipan ang tungkol do’n pero hindi yata niya talaga kaya.
“Hey, Justin, we had a deal, remember?”
“Don’t even think about it, Paul.” Tiningnan niya ng masama ang kausap. Sa totoo lang, nakalimutan na niya ang tungkol sa deal nilang iyon – na kapag hindi niya naging girlfriend si Amanda, si Paul ang manliligaw rito. At sa pagkakakilala niya rito sa loob ng napakaraming taon, alam niyang tototohanin nito ang usapan nila.
“Ano ba’ng problema mo?” natatawang tanong ni Paul sa kanya. “Kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa kanya? Hindi ako naniniwala, Justin.”
“It’s better that way,” aniya matapos uminom ng beer.
“Pero may usapan tayo.”
Muling tiningnan ni Justin ang kaibigan tulad ng tingin na ibinigay niya rito kanina, att natawa si Paul dahil doon.
“Okay, sige, sige. I’ll stay away from her. Pero bro, hindi lang ikaw at ako ang lalaki sa mundo. If you won’t make her your girlfriend as soon as possible, somebody else surely will. I am telling you, you’ve got to do something. Now.”
Siguro nga, hindi na niya maikakaila kahit pa sa kaibigan ang totoo niyang nararamdaman para kay Amanda. Hindi kapani-paniwala pero totoo. As Paul has always put it, if he didn’t like her so much, hindi siya mag-aaksaya ng panahon dito nang walang kapalit. He’s always been the type who has always played fair game. He’s willing to do everything as long as there’s something good in store for him.
“Wait, bro…don’t tell me you’re in love wih her?”
“W-what? Of course, not!”
Natawa si Paul. “So, why are you acting like you are? Alam mo ba na ang laki ng ipinagbago mo mula nang makilala mo si Amanda? You don’t treat her the way you treat your other girls. They all run after you, man. But now as I see it, you are the one who’s chasing her.”
Tahimik lang si Justin. Siguro nga, malaki ang pinagbago niya pero hindi iyon dahil kay Amanda. Nagbago siya dahil gusto niya, hindi dahil rito.
“I think you’re in love with her.”
“Paul, kaibigan ko si Amanda.”
“’Yun na nga, kaibigan mo siya. Hindi ba mas madali ‘yon? Mas komportble na kayo sa isa’t-isa.”
Inisip ni Justin ang sinabi ni Paul. Siguro nga, may punto ito. Iniisip lang naman niya ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Amanda kung sakali. If ever they take their relationship a step further, she might get too involved, emotionally. She might ask for commitment and he just couldn’t give her that. And she would most likely end up being hurt.
And yeah, probably, there were a lot of men who desire Amanda. She’s single, and very much available. Attractive, very charming, smart, funny, and a very brilliant chef. She could easily charm any man – single, married or even divorced. Some of them may be willing to take his place as her best friend and her housemate.
And there he was, contented with her friendship, seeing her with other men.