Chapter 5

1865 Words
SA totoo lang ay nagdadalawang-isip pa rin si Amanda na ipakilala si Arthur kay Justin. Dahil sa tuwing may ipinapakilala siya rito kahit nga kaibigan lang, parati itong may komento. Marami itong pintas na alam at sigurado siya na hindi nito palalampasin si Arthur at hahanap at hahanap iyon ng mali sa binata. Pero dahil sa pagpupumilit nitong makilala nang personal si Arthur, wala na rin siyang nagawa. Tutal, doon rin naman hahantong ang lahat, lalo pa’t habang tumatagal ay napapalapit na ang loob niya rito. Tahimik lang ang naging dinner at hindi alam ni Amanda kung sino ang hindi komportable sa dalaawa - si Justin o si Arthur. Wala naman siyang maisip na paksa na maaring pag-usapan dahil magkaiba’ng-magkaiba ng personalidad ang mga ito kaya tahimik lang sila sa buong dinner, maliban na lamang sa ilang komento tungkol sa pagkain. Simple’ng little black dress ang napiling isuot ni Amanda, na tinernohan naman ni Arthur ng itim na polo at kulay krema’ng slacks. Guhit-guhit na itim at puti’ng sweatshirt at faded jeans naman ang kay Justin, na paborito nitong suotin sa tuwing lumalabas sila. “I’m a virtual artist,” sagot ni Arthur sa tanong ni Justin na ‘what do you do’. “Is that a temporary thing?” muling tanong ni Justin nang hindi tumitingin sa kausap. “Do you have another career besides that?” Tiningnan siya ni Amanda, at pagkatapos ay si Arthur. “Justin-“ “I paint and that’s what I do.” Ngumiti lang si Arthur kay Amanda para ipaalam na okay lang ang pagtatanong niya. Hindi napigilan ni Justin ang matawa. He sees painting as a hobby, something that shouldn’t be taken as a serious career. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain matapos niyang makita ang nakakunot na noo ni Amanda. “By the way, Amanda has told me a lot about you,” ani Arthur nang natahimik ang lahat.  Arthur was trying to make a conversation but by the looks of Justin, he didn’t want to. Tumangu-tango lang siya at matapos maubos ang laman ng isang baso ng tubig ay tinawag niya ang waiter at muling humingi ng isa pa. “I’m having an exhibit by the end of the year. If you’re interested, you could come with Amanda.” By the end of the year. Naisip ni Justin kung bakit parang sigurado ang tao na iyon na bahagi pa rin ito ng buhay ni Amanda makaraan ang isang taon. Nagpatuloy lang siya sa pagkain na para bang walang narinig. “How long have you known Amanda?” bigla niyang tanong. It was very obvious that he was just making an effort to make themselves comfortable with each other, and that was just because Amanda asked him to. “Almost two months.” “Are you dating anybody else?” “Justin, ano ka ba?” mahinang pigil ni Amanda sa mga tanong niya. Naningkit ang mga mata nitong tumingin sa kanya. Umiling naman si Arthur. “I’m not dating anybody else.” “Gaano naman katagal ang mga previous relationships mo?” “Justin, stop it!” muling bulong ni Amanda sabay sipa sa kanyang paa sa ilalim ng mesa. Napangiwi siya dahil doon. “Ahm, three years…and five years,” mahinahong sagot ni Arthur. Hinawakan nito ang isang kamay ni Amanda na hindi nakaligtas sa kanyang paningin. “And I intend to keep this relationship the longest.” Parehong napatingin sina Justin at Amanda kay Arthur. Alam niyang nagulat rin ang kaibigan sa narinig. Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ni Amanda at bago pa ito tumayo at tuluyang umalis ay binigyan siya nito ng klase ng tingin na madalas niyang matanggap sa tuwing malaki ang kasalanang nagagawa niya. “Seryoso ka ba talaga kay Amanda?” diretso niyang tanong kay Arthur nang malayo na ang kaibigan. Tumango ito. “I love her.” “Nasabi mo na ba ‘yan sa kanya?” Tinawanan iyon ni Justin. He just met her, how could he possibly say that he already loves her? Umiling si Arthur. “I think I don’t have to. It’s pretty obvious, don’t you think?” Napangiti siya. Tinginan niya ang kinaroroonan ni Amanda at nakitang abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa telepono. Medyo lumapit siya nang kaunti sa kausap bago magsalita. “Let me go straight to the point. Amanda is not the typical woman you think she is. Amanda is very friendly that most men usually get the wrong idea about her being nice and caring. And it’s clear that you also got the wrong impression,” diretso niyang sabi. “Have you asked her about her feelings?” Bahagyang umiling si Arthur, naguguluhan. “I think we have mutual feelings for each other.” “Well, that’s what you think,” natatawa niyang sabi, na nagpakunot ng noo ng kaharap. Uminom siya ng tubig at saka nagpatuloy. “If ever you never hear from her again one day, isa lang ang ibig sabihin no’n - tapos na ang kung ano man ang meron kayo at ayaw ka na niyang makita kahit kailan. Huwag kang aasa na kakausapin ka niya para makipag-break o magpaliwanag dahil hindi mangyayari ‘yon. She’s not good at closures and she has the tendency to run away and never come back. You have been warned.” ~~ “WHAT was that?” “What was what?” balik na tanong ni Justin. Seryoso lamang ito sa pagmamaneho na para bang napakabait na tupa. “Daig mo pa ang imbestigador kung tanungin si Arthur. Kulang na lang, ipa-lie detector test mo ‘yung tao.” Tiningnan niya ang kaibigan habang nakatingin lamang into sa daan. “Ano ba’ng problema mo?” “Wala.” Alam ni Amanda na nagsisinungaling si Justin. He obviously didn’t like Arthur and he doesn’t really need to say it out loud. “Justin, this is the first time that I asked you to meet someone special to me. You should have at least pretended that you like him.” Tiningnan siya nito. “Someone special? So, he’s someone special to you now?” Sa halip na tumugon ay tumingin lamang siya sa labas na bintana. “Mahal mo na ba?” Ilang sandali pa muna bago siya sumagot. “So what if I do?” Eksaktong naroon na sila sa parking area at mabilis na bumaba si Amanda. Mabilis namang sumunod si Justin sa kanya. “Oh well, good luck talaga sa kanya.” Nasa harap sila ng elevator at naghihintay. Nakatingin lang si Justin sa harapan habang nakatingin lamang siya rito. Nang tumunog at bumukas ang pinto ng elevator ay sabay silang pumasok roon. “Kapag ‘yon, hindi na ako kinausap uli, kasalanan mo, humanda ka sa akin.” “Ayaw mo no’n, hindi ka na mahihirapan na makipag-break at pagtaguan ‘yung tao.” The way Justin acted that evening was really weird and Amanda didn’t know what was wrong with him. ~~ “JUSTIN, tumuloy ka muna,” ani Marianne pagkahintong-pagkahinto ng kotse niya sa tapat ng apartment na inuupahan nito. Katatapos lamang nilang mag-dinner, alas nuebe pa lamang ng gabi. “Hindi na, kailangan ko na ring umuwi.” Hindi lang tatlong beses nangyari ang ganito sa kanilang dalawa ni Marianne. Madalang na rin silang lumabas ngayon dahil masyado siyang maraming inaasikaso sa restaurant. Pero sa totoo lang, masyado lang siyang maraming alam na excuse. “Sige na, hon, kahit coffee lang.” “Next time na lang, Marianne. May tatapusin pa akong trabaho.” Hindi kumibo si Marianne. Nanatili lang itong nakaupo sa tabi niya at alam niyang nagtatampo na naman ito. “Hey, please understand, busy talaga ako,” aniya. Because he knew that Marianne is offering coffee, and a lot more. “Busy ka saan? Sa mga iba mong babae?” Napailing si Justin at natawa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang nagtalo tungkol sa bagay na ‘yon. “H-hindi mo na siguro talaga ako mahal, ano?” malungkot ngunit matigas nitong tanong. And who said anything about love? He has told her that what they have was not meant to last forever. And love is definitely out of the question. “Sabi ko na nga ba, may iba ka na namang kinalolokohan, ano?” “P’wede ba, Marianne, tigilan mo na ako sa mga pagseselos mo. I really need to go now.” He leaned over to open the door for her. “Sige na, bumaba ka na, tatawagan na lang kita.” Wala nang inaksayang oras si Justin at pagkababang-pagkababa ni Marianne ay mabilis na niyang pinaharurot ang kotse. Wala siyang anupamang tatapusing trabaho, basta kailangan lang niyang makauwi agad. Because he’d rather stay at home and enjoy some sensible conversation with Amanda than be with Marianne and have a cup of coffee and whatever she could offer him. Dumaan muna siya sa paboritong pizza parlor ni Amanda at nag-take out ng paborito nitong pizza bago tuluyang umuwi. Simula nang magkaroon ng Arthur sa buhay nito ay bihira na lamang nilang nagagawa ang ganoon, ang manood ng DVDs hanggang umaga kaya naman kahit pa marami nga siyang gagawin ay ipagpapaliban niyang lahat iyon para lamang makasama si Amanda ngayon. “Am I late?” malakas niyang tawag nang makapasok siya ng unit. Tuluy-tuloy siya sa kusina para kumuha ng dalawang soda in cans. “Amanda! I’ve got your favorite pizza!” muli niyang sigaw mula sa kusina. Nang walang tumugon ay tumuloy na siya sa kuwarto nito at sumilip sa loob niyon. Pero wala si Amanda. Muli siyang bumalik sa sala at inilapag ang dalang pizza sa center table. Hindi naman siya maaaring magkamali. Kaninang umaga, bago sila maghiwalay ay napagkasunduan nilang manood ng DVD ngayong gabi. At naisip niya na baka may binili lamang ito sandali at pabalik na rin. But Justin tried calling her after an hour pero ring lang nang ring ang cellphone nito. Tumingin siya sa relo niya, 11:30 na ng gabi. Nanonood siya ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan. Naroon pa rin sa mesa ang lumalamig nang family-size pizza at dalawang nawala na ang lamig na soda in can. Nang nainip ay tumayo siya at sumilip sa labas ng pinto kung saan tanaw niya ang elevator. At mula roon ay nakita niyang lumabas mula roon sina Amanda at Justin, magkahawak-kamay. Saglit pang nagtagal ang mga ito sa harap ng elevator, saglit na nag-usap. Pero ang halik na iginawad ng binata kay Amanda ay malayo sa salitang ‘saglit’. Iyon pala ang dahilan kung bakit wala si Amanda sa bahay. Si Arthur pala ang dahilan kung bakit nakalimutan ni Amanda ang lahat. Tumanggi pa naman siyang sumama kay Marianne, para lang pala sa wala. And there was Amanda, having the time of her life.  ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD