PAGKATAPOS ng trabaho sa Mandy’s ay tumuloy na siya sa restaurant kung saan sila magkikita ni Phoebe. Maraming nangyari sa nakalipas na linggo. Salamat sa Diyos at parang natauhan na rin si David dahil isang linggo na ring hindi nakakatanggap ng tawag si Amanda mula rito. Wala na ring mga bulaklak. Naramdaman na rin siguro nito na hindi talaga siya interesadong magpakasal. Sabi ni Justin, kausapin raw niya si David kahit paano, just to be fair. Sabi naman niya, sige, pag-iisipan niya pero hanggang pag-iisip lang ang nagawa niya. She knew it’s unfair and it’s wrong to always run away, pero hindi talaga niya kaya. She’s just not good at closures.
Matagal na rin silang hindi nagkikita ni Phoebe, halos isang buwan na rin yata, kaya naisipan niya itong i-meet. Dahil busy ito sa bagong boyfriend at busy rin naman siya sa lahat – sa restaurant…sa crash course sa culinary school…
“At sa pagbe-babysit mo diyan sa best friend mo na ‘yan na hindi ko alam kung best friend mo nga lang talaga,” taas-kilay nitong sabi. Tulad niya ito na hindi biniyayaan ng taas. Mas kayumanggi ito, mas payat. Mahaba ang pilik ng mabilog nitong mga mata at matangos ang ilong.
Sinasabi na nga ba niya, hindi na dapat niya inanyayahan si Phoebe para sa dinner na iyon. As usual, ii-insist na naman nito na in love siya kay Justin at kung anu-ano pang kalokohan. “Phoebe, ngayon na nga lang tayo nagkita, mang-aasar ka pa.”
“Dahil nga doon sa Papa Justin mo kaya ngayon lang tayo nagkita. Mabuti naman ngayon at natakasan mo si Justin at nakaalis kang mag-isa. Araw-gabi na kayong magkasama, mula sa bahay hanggang sa restaurant. Tapos, magkasama pa rin kayo sa mga gimmick-an. Hindi ba kayo nagsasawa sa isa’t-isa?”
Dumating na sa wakas ang order nilang pizza, at hinintay muna ni Amanda na makaalis ang waiter bago niya ito sinagot ng maraming iling.
“At sasabihin mo sa akin na magkaibigan lang kayo? Hay naku, Amanda.”
“Hay, na-miss ko ito, ah!” todo-ngiti niyang saib habang kumukuha ng isang slice ng pizza. Hindi na niya kailangan pang marinig ang sinasabi ni Phoebe dahil narinig na niya iyon ng napakaraming beses.
“Tingnan mo, pati itong paborito mo, hindi mo na natitikman dahil ano? Ayaw ni Papa Justin ng pizza, hindi ba?”
“Hindi mo talaga ako titigilan, ano?”
Umiling si Phoebe. “Hindi. Hangga’t hindi ka umaamin na love mo talaga ‘yang si Papa Justin.”
“Kaibigan ko si Justin. He’s like a big brother to me.”
Malakas ang tawa na itinugon ng kaibigan. “Yeah, right, big brother.”
Alam ni Amanda na kahit na anong paliwanag ang gawin niya ay paniniwalaan ni Phoebe ang gusto nitong paniwalaan kaya ngumiti na lamang siya.
“Eh kayo na lang yatang dalawa sa buong mundo ang hindi nakakaalam na may relasyon kayo. Bakit nga ba hindi n’yo pa totohanin? Technically naman, nagli-live in na kayo.”
“O-of course not!” todo-tanggi niya. “Housemates kami, hindi kami nagli-live in!”
“Okay, fine, housemate na kung housemate. Pero paano ka magkaka-lovelife n’yan, eh ang alam ng lahat na magkasama kayong dalawa sa condo? Walang lalaki ang makakaintindi ng sitwasyon ninyo ni Justin, Amanda, kahit ano pa ang gawin mo.”
Saglit na natahimik si Amanda. She doesn’t really care…yet. Wala pa naman kasi sa isip niya ang magkaroon ng commitment, as of the moment. Pero paano nga kaya kung dumating na ang panahong handa na siyang makipag-relasyon? Paano niya iyon maipapaliwanag?
Maiintindihan kaya iyon ni Arthur? Siguro naman, naisip niya. Dahil sa maikling panahon ng pagkakakilala niya rito, alam niyang openminded si Arthur at hindi naman siguro magiging problema rito ang sitwasyon nila ni Justin.
Ah, si Arthur. He’s someone she met at an art exhibit a couple of weeks ago. He’s nice, a very good conversationalist. Inimbitahan siya nitong mag-kape pagkatapos ng exhibit, na nasundan ng dinner the following night.
Arthur happens to be a very talented, adorable and a good looking artist. Maganda ang chinito nitong mga mata at alaga rin ang katawan sa regular na paggi-gym. Tuloy, hindi niya maiwasang pag-isipan ang sinabi ni Phoebe.
Ilang gabi rin na naging laman iyon ng isip niya bago matulog. Kailangan na ba niyang magsimulang humanap ng bagong malilipatan? Dahil kung iisipin, mahihirapan talaga siyang magkaroon ng lovelife sa ganoong klaseng sitwasyon. Kahit pa sabihin na maiintindihan ni Arthur ang set-up nila ni Justin bilang housemates.
Because honestly, she’s starting to like Arthur. He’s into painting, he loves pizza, just like she does. Mayroon itong art gallery at nakatatlong exhibits na ito in and out of the country. They have a lot of things in common. Arthur knows about politics, economics and he’s also into movies. Hindi katulad ni Justin na puro computer ang inaatupag, at parating magkasalungat sila sa taste pagdating sa mga pelikula. Ang maganda rito, ayaw niya at ang maganda sa kanya, ayaw nito.
Amanda and Justin really didn’t have anything in common and she hates him every time he introduces his girlfriends and tells her about his adventures with them.
Si Arthur, bread winner ng pamilya. Responsable, seryoso sa buhay. Hindi katulad ni Justin na happy-go-lucky.
~~
IT was a Saturday when Amanda got a surprising call from Phoebe that one of their friends, Cathy got into a car accident. Halos isang taon na rin silang hindi nagkikita-kita dahil na rin sa mga sari-sarili nilang buhay.
When they visited her to the hospital, parang reunion. Balitaan, kuwentuhan. Wala rin itong pagbabago – sa height na parang estudyante, maiksi pa rin ang kulot nitong buhok, at payat pa rin ito. Ah, liban na lamang sa pagkakaroon nito ng crush sa isa sa mga kasama nito sa bangko. Oo, crush, parang high school.
“Hay naku, kung hindi pa ako na-ospital, hindi pa tayo magkikita-kita,” sabi ni Cathy na naka-benda ang kaliwang kamay at paa. Nabangga ang sinasakyan nitong taxi noong nakaraang gabi at kailangan nitong manatili sa ospital nang ilan pang araw para sa gagawing tests dito.
“Free naman ako anytime, ito lang si Amanda ang masyadong busy,” sabi naman ni Phoebe habang kumakain ng grapes na dala nila.
“Siya nga pala pala, Amanda, balita ko, magkasama na kayo ni Justin sa bahay?” nakangiting tanong ni Cathy sa kanya.
Siyempre pa, sigurado si Amanda na kay Phoebe galing ang balita’ng iyon. Nakaupo sila sa hospital bed ni Cathy at nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan.
“Huwag madumi ang utak, Cathy.”
“O my God! Akala ko nagbibiro lang si Phoebe nang ibalita n’ya sa’kin ‘yon! So, ano nga, nagli-live in na kayo?” gulat nitong tanong.
“We’re just housemates,” paglilinaw niya sa issue.
“They’re housemates,” segunda ni Phoebe, na alam ni Amanda na nang-iinis lang. “Malaki nga naman ang pagkakaiba ng housemates sa live in, Cathy.”
Napangiti rin si Cathy. “Seryoso nga, Amanda, magkasama kayo ni Justin sa iisang bahay?” muli nitong tanong, na hindi pa rin makapaniwala. Sa kanilang tatlo kasi, into ang pinaka-conservative at akala nga nila noon ay may balak itong pumasok sa kumbento.
Tumango si Amanda. I don’t see anything wrong about it.”
“So, ibig mong sabihin, kayo na?” tanong ni Cathy.
“Magkaibigan lang kami.”
“Magkaibigan ‘lang’ sila, “ani Phoebe. “Justin is like a brother to her. Huwag mong bigyan ng malisya, Cathy.”
Tiningnan ni Amanda si Cathy, at sa itsura nitong kunot ang noo ay malinaw na hindi into naniniwala. Minsan, napapaisip na lang siya kung talaga bang kaibigan niya ang mga into. “Teka, may batas na ba na nagsasabi’ng bawal sa mag-kaibigan na tumira sa iisang bahay?”
Ngumiti lang ang mga kaibigan ni Amanda at nagkatinginan. “So, kumusta namang housemate si Justin?” interesadong tanong ni Cathy.
Tumayo siya at kumuha ng isang orange. “He’s okay,” simple niyang tugon. Ayaw na niyang palawigin ang usapan.
“Amanda, bakit hindi mo sabihin kay Cathy na Justin is literally giving you everything you need like a generous boyfriend?” nakangiting sabi ni Phoebe habang abala pa rin sa pagkain ng grapes. “And how sexy he looks with his bathrobe and boxers!”
Pinanlakihan ni Amanda ng mga mata si Phoebe. Oh well, Justin really looks sexy with his bathrobe and boxers.
Malakas na hiyawan at tuksuhan ang sumunod. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ni Amanda at may dahilan siya para makaiwas sa panunukso ng mga kaibigan. Bahagya siyang lumayo sa mga ito para marinig ang kausap.
“Hello?”
“Amanda, nasaan ka na?” narinig niyang tanong ni Justin sa kabilang linya.
“Sa ospital…hindi ba, sinabi ko sa’yo na may dadalawin akong kaibigan?”
“Ano’ng oras ka ba uuwi?”
“Teka, nasaan ka ba? May problema ba?”
“Wala, wala. Sa bahay lang ako.”
Napangiti si Amanda. Kahit hindi nakikita ay alam niyang nakahiga ito sofa habang palipat-lipat ng channel ng TV. Sabado noon ng hapon at alam niyang wala na naman itong magawa.
“Ano’ng oras ka ba uuwi?” muli nitong tanong. “Sa labas na lang tayo mag-dinner.”
“Bakit?”
“Wala lang, gusto ko lang lumabas.”
Ano na naman kaya ang problema ni Justin at naisipang magyayang kumain sa labas? Nakipag-break na naman ba into sa isa sa mga girlfriends nito? “Okay, baka nandiyan na ako by 7:30.”
“Susunduin na lang kita, saan ba ‘yan?”
Wala nang oras si Amanda para makipagdiskusyon at magtanong kung bakit kailangan pa nitong sunduin siya kaya sinabi na lang niya ang address ng ospital, pati ang room number ng kaibigan.
Iniisip pa rin niya kung ano ang problema ni Justin nang magsimula na namang manukso si Phoebe.
“Si Papa Justin na naman ‘yon, ano? Chini-check na naman ang whereabouts mo.”
“Ang sweet naman! Kelan ko ba mami-meet ‘yang si Justin?” nakangiting tanong ni Cathy.
Ngumiti rin si Amanda. “Don’t worry, pupunta siya rito maya-maya lang.”
At pagkaraan nga ng dalawang oras ay parang huminto ang mundo ng mga kaibigan niya nang pumasok sa kuwarto si Justin.
“Good evening, ladies!” masayang bati ni Justin.
Tumayo si Amanda at sinalubong ang kaibigan. “Ang aga mo, ah,” sabi niya. Lumapit into sa kanya at binigyan siya ng isang halik sa pisngi. It was too late to even react to it. It was automatic, as if they’ve been doing it eversince. Alam ni Amanda na nagulat ang mga kaibigan sa nakita dahil kahit siya ay sobrang nagulat rin.
She didn’t know what happened, she didn’t know if Justin just got carried away, or what was he thinking for doing that. But she shouldn’t make a big deal out of Justin’s simple kiss – because she should be more interested with Arthur now.
~~
“GOOD luck na lang sa kanya.”
Iyon ang komento ni Justin nang minsang mabanggit ni Amanda ang tungkol kay Arthur. Pakiramdam tuloy niya ay napakasama niyang tao, lalo na nang sabihin nito na maawa naman raw siya at linawin niya kay Arthur ang mga bagay-bagay hangga’t maaga. Because she may want friendship from men but naturally, they wanted more.
“Kasalanan ko ba? They are assuming too much,” sabi niya.
“Because you’re giving them mixed signals.”
“I’m just being friendly.”
“Exactly,” ani Justin. “You are being too friendly, you are misleading.”
“E, ano’ng gagawin ko?”
“Sabihin mo sa kanila kung ano talaga ang gusto mo sa kanila.”
“Paano kung hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko?”
Malaking problema raw iyon, sabi ni Justin. He has never been in that kind of situation at sabi nito, sa simula pa lang, alam na nito ang gusto nito sa mga babae. So right then and there, he’d tell them what it was and get through with it. Ganoon ka-simple.
Pero siyempre, lalaki si Justin at madali lang iyon para rito. Basta ang alam ni Amamnda, masayang kasama si Arthur, ganoon lang.
“So, you like him. The question is, do you intend to have a commitment with him?”
Nagkibit-balikat siya. “Ewan, siguro.” Dahil masyado pang maaga para magsalita nang tapos tungkol doon.
“Amanda, bago ka gumawa ng desisyon, ipakilala mo muna sa akin ‘yong Arthur na ‘yon, p’wede ba? Baka mamaya, lokohin ka lang no’n.”
Natawa siya. Palibhasa, gawain nito ang manloko at magpaiyak ng mga babae kaya ang alam nito ay katulad nito ang lahat ng lalaki. Pero sa totoo lang, sa mga ganoong pagkakataon lamang niya napapatunayang mas matanda at mas mature nga ang kaibigan niya kaysa sa kanya.
Pero nagdadalawang-isip pa rin si Amanda na ipakilala si Arthur kay Justin. Dahil sa tuwing may ipinapakilala siya rito, kahit nga kaibigan lang, parati itong may komento. Marami itong pintas na alam at sigurado siya na hindi nito palalampasin si Arthur, at hahanap at hahanap iyon ng mali kay Arthur.
Kung sa bagay, nakakatulong rin naman kahit paano ang mga komento ni Justin. Lagi naman itong tama pagdating sa mga ganoong bagay, tulad na lamang halimbawa kay David. Sabi ni Justin, David seemed to be a quiet man who’s too old to play around. And he’s damn right. David wasn’t looking for someone to take to dinner on weekends. For Christ’s sake, he’s looking for a wife.
Kaya napagdesisyunan ni Amanda na ipakilala na si Arthur si Justin, tutal, doon rin naman hahantong ang lahat, lalo pa’t habang tumatagal ay napapalapit na ang loob niya rito.
~~