MULA sa laptop, nagtaas ng tingin si Justin para tingnan si Amanda. Dapat ay nasa bahay na ito ngayon, nagpapahinga or somewhere else, doing her thing. But she’s with him now. Isinara ni Justin ang laptop at nagsimula nang magligpit. He knew he’s been bothering her all week. Actually, he thinks he’s been a bother to her eversince they met.
“O, ano’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Amanda nang umpisahan nang magligpit ni Justin ng mga gamit.
“Come on,” sabi niya sabay tayo.
“Bakit?” tiningnan lang siya ni Amanda.
“You need a break.”
Natawa si Amanda. “Ako?”
At nang hindi pa rin ito kumilos ay siya na mismo ang nagligpit ng mga gamit nito. Kinuha niya ang bag nito at hinila ito para tumayo.
“T-teka, saan tayo pupunta?”
“Uuwi na tayo.”
Hatak-hatak pa rin ni Justin ang kamay ni Amanda at pinagtitinginan na sila ng mga tao roon, hanggang sa makalabas sila ng coffee shop.
Kumain muna sila sa paborito nilang Café Margarita bago tuluyang umuwi. Matagal-tagal na rin nilang hindi nagagawa ang ganoon. Simula nang magbukas ang restaurant ay naging abala na siya sa maraming bagay.
Pagpasok pa lamang, marami nang mata ang nakasunod sa direksiyon nila. Kung sa tingin ni Amanda ay ang mga tingin na nakukuha nila ay dahil sa kanya, kabaligtaran iyon ng palagay ni Justin. Hindi nakakaligtas sa pansin niya ang mga lalaking humahabol ng tingin sa kaibigan. It’s not really a surprise – Amanda has an angelic face and long wavy har. She is a stunner, without realizing it. Iyon ang hindi maintindihan ni Justin kay Amanda. Isn’t she aware of the effect she’s giving to those men everytime she smiles at them and talks to them and looks at them intensely? Dalawang bagay lang ‘yon- nagpapanggap ito’ng walang alam o wala talaga itong pakiramdam. Kaya siguro mas lalo itong nagiging attractive sa paningin ng mga lalaki.
Sabay silang naupo sa sulok ng fastfood. He caught her smiling. “What’s so funny?”
“There’s a pretty lady staring at you right now, over there,” bulong ni Amanda sa kanya.
“I don’t care. I’m not interested.” Hindi iyon tiningnan ni Justin at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng in-order nilang pizza.
Natawa si Amanda nang malakas. “At kailan ka pa hindi naging interesado sa isang magandang babae?”
“I’m with you, wala akong pakialam sa ibang babae.”
Tumango na lang si Amanda dahil sigurado siyang biro na naman ang tingin nito sa sinabi niya. “You don’t have to push yourself too hard just to forget, you know.”
“Forget? About what?”
Hindi na ito tumugon, na ikinahinga niya nang maluwag. “So, how’s date with David?” pagkadaka’y tanong niya nang maalala ang naging date ng kaibigan noong nakaraang linggo. Halatang hindi inaasahan ni Amanda ang tanong niyang iyon dahil muntik na itong mabilaukan sa iniinom na soda.
“A-ayoko’ng pag-usapan, please.”
“Bakit, ano’ng nangyari?” Tiningnan ni Justin si Amanda at sa paraan ng pagtingin nito ay alam niyang mayroon itong hindi sinasabi sa kanya. “Ano’ng problema?”
Uminom muna ng iced tea si Amanda bago nagsalita. “M-may nangyari’ng hindi inaasahan.”
Sabay sa pag-inom ni Justin ng soda ang pagtugon ni Amanda kaya nasamid siya. “What?” He couldn’t believe it, he didn’t want to believe it. He has known Amanda long enough that he couldn’t believe what he has heard. Something happened between his best friend and some guy whom he didn’t know. And she just met him three months ago. “But you just met him!” pagalit pa niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil marahil sa pagkabigla. “E-exactly my point! K-kaya nga-“
“You didn’t even tell me that he’s already your boyfriend!”
“Because he’s not my boyfriend. And he’ll never be my boyfriend.”
Lalo siyang nagulat sa narinig. “What do you mean he’ll never be your boyfriend? Bakit?”
“Dahil ayoko.”
Isa na naman ba iyon sa mga impulsiveness issues ni Amanda? Ganoon naman parati ang kaibigan na kapag napagdesisyunan na ayaw na nito sa isang lalaki, walang sabi-sabi, iiwas na lamang ito. Mas mabuti pa pala siya kung ikukumpara kay Amanda, naisip niya. Dahil siya, may lakas ng loob na sabihin sa babae kung ayaw na niya kahit pa gaano iyon kasakit.
Pero si Amanda, mawawala na lang nang parang bula. She couldn’t handle closures well, she once told him. Napailing na lamang si Justin. She’s even worse than him, he thought.
“D-did you at least take some necessary precautions?” mahinang tanong ni Justin, nakayuko, nakatingin sa kinakain. Hindi siya komportable na pag-usapan nila ang tungkol doon, pero sa tingin niya ay kailangan.
“A-ano’ng necessary precautions?” natatawang tanong ni Amanda.
Kumunot ang noo niya at tumingin sa kausap. Wala siyang makitang dahilan kung bakit tumatawa nang ganoon ang kaibigan. “Amanda, kailangan mo pa ba talagang itanong sa akin ‘yan?”
Mas malakas ang naging tawa ni Amanda. “Justin, walang gano’ng nangyari sa’min, okay?”
Medyo nakahinga siya nang maluwag nang malamang hindi ang iniisip niya ang talagang nangyari. Not as if he cared. “E ano ba talaga ang nangyari?”
Muling natahimik si Amanda at ilang sandal pa bago nakasagot. “H-he proposed to me.”
“What?” mas lalo pa yata siyang nagulat sa balitang iyon. “B-bakit?”
Nagkibit-balikat into. “Ewan ko, hindi ko rin alam.”
“Well, he must really love you,” natatawang sabi niya.
“He must be crazy.”
Si Justin naman ngayon ang tumawa nang malakas tulad ng ginawang pagtawa kanina ni Amanda. “But I thought you really like him?”
“Oo nga,” tugon nito sabay tango. “Pero wala naman akong plano’ng magpakasal sa kanya.”
“He’s kind, intelligent, handsome and a gentleman, as you always say. So ano’ng problema, bakit hindi mo tinanggap ang proposal?”
“Well, I don’t love him enough.” Her answer was quick and well, acceptable.
“But I thought you don’t believe in love anymore?” tanong niya rito. Dahil ito na rin ang maysabi sa kanya noon na dahil sa mga masasalimuot na kuwento ng pag-ibig na alam nito ay hindi na nito magawang maniwala na totoo nga ang ‘love’.
Ngumiti lamang si Amanda at alam niyang wala siyang makukuhang sagot mula rito. Tiningan ni Justin ang kaibigan at napailing. Hindi niya maiwasang maawa kay David. He couldn’t blame him to propose to her. And he thought, he was very lucky to be Amanda’s friend – just friend. Kung iba nga lang siguro ang sitwasyon, malamang na matagal na rin niya itong niyayang magpakasal, kahit pa nga alam niyang wala siyang pag-asa dito.
Because Amanda knew him too well. She literally knew everything about him, lalo na ang tungkol sa marami niyang mga babae. At minsan ay pinagsisisihan niya na sinabi niya rito ang lahat, pati ang mga kalokohan niya. Ngayon, dahil sa pagkakamaling iyon ay dapat na lamang siyang makuntento sa kung ano lang ang kayang ibigay nito. And it would be crazy to take their relationship one step further, especially now.
It’s too complicated. Amanda was just too good for him and he’s got all the reasons to forget about the absurd idea altogether. She deserved someone who could really be good to her, someone who could treat her as a lady. Someone faithful who could truly love her, someone who could give her everything, especially the affection and the commitment she needed. Someone who’s willing to marry her and spend the rest of his life with her, faithfully. And he couldn’t possibly give her that. A good lady like Amanda deserved a good man and everybody knew he’s not all those things.
And if Amanda was like any other woman, he wouldn’t think twice, he’d drag her to his bed or hers, or anywhere and make love to her any minute.