Simula
This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events, locales, and incidents are either the products of fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead,
Distributing or copying of this story without the author's permission is strictly prohibited.
ayieshien
Papasok ako ng kuwarto niya. Bungad ang maganda niyang mukha. Nandirito pa kami sa hospital. Malinaw sa akin na nawalan ito ng ala-ala at tanging ako lamang ang makakatulong upang manumbalik ang lahat. Ngunit may agam-agam akong hindi ko pa gaano mapag-isipan.
"Kagigising mo lang ba?" Kalmadong usisa ko rito hawak ang sarili niyang ulo.
"Sino ba talaga ako? Bakit hanggang ngayon hindi ko maalala ang mga taong kilala ko?" Nanatili itong nakayuko.
"Sinabi ko na sayo nandirito tayo ngayon sa guam para mag-bakasyon...at ako, ako ang boyfriend mo. Ang mapapangasawa mo." Tinanaw ako gamit ang malamlam nitong mga mata.
"Pero hindi kita maalala. Ni hindi ko nga maramdaman na nagkagusto ako sayo."
Lumapit ako, "Dahil nagka-amnesia ka. Hindi ba at sinabi na sa atin ito ng doctor?"
"Ewan, nalilito talaga ako. Gusto ko nang bumalik sa dating ako. Ang dating ala-ala ko. Pakiramdam ko kulang na kulang ang buo kong pagkatao."
"Beb," hinawakan ko ang kamay, "Huwag mo pilitin alalahanin ang lahat. May tamang oras para riyan. Ang dapat gawin ay magpagaling ka ng husto para makauwi na tayo sa Pilipinas."
She paused for a while. She smiled. Mahirap makipagtitigan sa kanya lalo ngayon hindi ito sigurado sa nararamdaman.
"Sigurado ka ba na naging boyfriend kita?" Lumunok ako ng makailang ulit, "Tulad mo ba ang tipo ko?"
"Ewan, kasi ang totoo hindi ko alam."
"Bakit hindi mo alam? Hindi ba boyfriend kita, kaya sa palagay ko sinabi ko sayo dati ang dahilan kung bakit kita nagustuhan."
Naiyuko ang ulo saglit saka siya tiningnan na may halong ngiti.
"Palagi mo sinasabi sa akin na wala kang dahilan. Isa pa, first love natin ang isa't-isa."
"Talaga?" I nodded. "Gaano na ba tayo katagal?"
"Sa relasyon? Hmmm...more than five years."
"Iyong sakto?"
"I forgot,"
"Ako ba talaga nagka-amnesia o ikaw?"
"Ha?"
"Dahil hindi ka sigurado kung kailan naging tayo. O baka naman...sinasabi mo lang na boyfriend kita."
"No way!"
"Pero bakit hindi ka sigurado sa sagot mo?"
"Dahil...basta, maguguluhan ka lang. Sa isang relasyon hindi maiiwasan ang hiwalayan at balikan."
"You mean, ganoon palagi ang nangyayari sa atin? Hiwalayan at balikan kaya ba hindi mo matandaan??"
"Parang ganoon na nga." Kagat labi niya akong tinitigan na naman. Ayoko sa lahat 'yong ganito siya. Dati-rati sa tuwing hindi ako nagsasabi ng totoo sa kanya babasahin muna nito ang mukha ko bago malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo. Siguro kung hindi siya nagka-amnesia iisipin kong nagpapanggap lang itong nawalan ng ala-ala.
Hindi naman siguro ito katulad sa isang teleserye na nagpapanggap na nakalimot para lang hulihin sa akto.
"Kung ganoon kailan ako makalalabas ng hospital?"
"Bukas na bukas."
"Saan tayo tutuloy?" Hindi ko na sinagot dahil may tumatawag mula sa cellphone ko.
Si Cedric...
"Hello,"
"Hey, kumusta? Tatlong linggo mo na nirereject mga tawag ko, ah?"
"Pasensya na medyo okay naman kami ni Bebsie."
"Kailan labas niya? Kailan kayo uuwi rito?"
"Bukas siya lalabas pero kailangan muna kahit isang buwan makapagpahinga si Bebsie sabi ng doctor dahil sa kalagayan niya."
"Kalagayan? What happened? Akala ko ba okay na siya?"
I sigh, "Sorry hindi ko man lang sinabi sa inyo ang totoo." Tumanaw muna ako kay Bebsie habang tulala sa bintana, "Nagka-amnesia siya."
"Hindi nga?"
"Iyon ang totoo. Sa ngayon nasa stage kami na kailangan niya nang gabay mula sa akin."
"Hmm...anong plano mo?"
"One month? Siguro isang buwan babalik ala-ala niya. Dadahan-dahanin ko muna para maalala niya ako."
"Hindi mo yata kakayanin 'yon baka mahirapan ka. Kung okay sa iyo pupunta ako riyan para---"
"Hindi na! Huwag na. Kayang-kaya ko na ito. Isa pa, kailangan ka ng mga anak mo."
"Sigurado ka ba na hindi mo na kailangan??"
"Kaya ko na ito."
"Basta tawagan mo kami kung kailangan mo ng tulong. After one month dapat nakauwi na kayo."
"Okay. Ibababa ko na itong tawag. Kailangan ko nang pakainin si Bebsie." Pagkaraan ng ilan pa nitong paalala saka kami nagpaalaman sa isa't-isa.
"Sino tumawag sayo?"
"Si Cedric."
"Sino si Cedric?"
"Ah, kaibigan natin. Ang leader ng lucifer kingdom. At kung tatanungin mo kung ano 'yong lucifer kingdom, isa 'yon samahan ng mga gangster."
"Gangster? I-ibig sabihin...pumatol ako sa isang gangster na katulad mo?!"
"Eh ano? Isa pa, gangster kami tama pero matagal na 'yon. Nagbago na kaming lahat simula ng makilala namin ang mga babae sa buhay namin."
"You mean?"
"Simula ng maging tayo."
"Mukhang kailangan ko pa nga magtanong-tanong sayo tungkol sa buhay natin." Malungkot nitong wika.
"Huwag ka muna mag-isip. Kumain ka para may lakas sa mga susunod na araw." Inayos ko kakainin nito ng magtanong muli.
"Ako, isa ba akong gangster? Kasi sabi mo isa kang gangster. Imposible naman na magkagusto ka sa isang ordinaryong babae na katulad ko."
"Tama ka," natigilan ito, "Isa ka rin gangster pero hindi katulad nila Roselle na matagal sa Viper Berus."
"Sino si Roselle??"
"Ang leader ng Viper Berus. Noong una si Marnelie ang nangunguna sa grupo nila pero may mga nangyari sa college days natin kaya pumalit si Reign sa kanya until si Roselle na nga ang bagong pinuno noon until ngayon."
"Sino si Reign at Roselle?"
"Si Reign, asawa na ngayon ni Cedric. Si Roselle, asawa naman ni Zayn nasa London sila ngayon. Tulad ng sabi ko gangster ka pero hindi ka gaano active dahil abala ka sa mga bagay-bagay." Paliwanag ko ng susubuan ko siya ng pagkain.
Noong una hindi ito kumbinsido kung magpapasubo pero dahil gutom na rin ngumanga na ito.
"Sa mga susunod na araw na lang natin pag-usapan ang mga kaibigan natin kapag...nasa harap mo na sila. Malilito ka kung ngayon ko ikukuwento."
"Ikaw ang bahala." Patuloy nito sa pagkain. Binigyan ko ito ng tubig.
"Salamat nga pala."
"Para saan?"
"Inaalagaan mo ako."
"Natural...girlfriend kita, at boyfriend mo ako." Tumanggi na ito sa pagkain pagkaraan ay inayos ko ang mga gamit, "Bukas na bukas babalik na tayo sa apartment natin."
"APARTMENT ba talaga natin ito?" Nilibot ng kanyang mga mata ang kabuuan ng isang bahay.
"Oo, ikaw ang pumili nito ng makarating tayo." Ang totoo nauna ka nagpunta rito at sumunod lang ako ng malaman kong may iba kang lalaki.
"Bakit, bakit apartment? Hindi ba ako kumuha ng magandang condo?"
Ngumiti ako, "Isa sa dahilan kung bakit ginusto kita dahil simple ka lang. Tulad nitong apartment kaysa mag-condo ay sa simpling bahay lang unupahan mo." Paliwanag ko.
"Ganoon ba? Ibig sabihin ba nito nagsasama na tayo? Sabi mo noon malapit na tayong ikasal. Ibig ba sabihin nito may...may nangyari na sa atin? nag-kiss na tayo??" Napaka inosente niya kung titingnan.
Pinagmasdan nito ang mga kamay na tila may hinahanap.
"Kung ikakasal na tayo. Nasaan ang engagement ring ko?" Kumalabog ang dibdib ko sa kaba.
"Ah, ano. Nawala noong araw na naaksidente ka."
"Hindi na nakita?"
"Hindi na."
"Sayang naman. Paano 'yan?"
"Makakabili pa naman ako ng panibago. Mayaman kami at lahat ng gusto mo kaya kong ibigay."
Lumapit sa akin na may pagdududa, "Mayaman ka?" Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "Ibig sabihin pinatulan kita kahit mayaman ka? Parang hindi ako makapaniwala 'ron."
"W-walang pinipili ang pag-ibig. Kung mayaman man ako at mahirap ka naging hadlang ba 'yon para hindi kita ibigin o hindi mo ko mahalin?"
"Kung sa bagay, pero...nag-kiss na ba tayo? may...nangyari na ba sa atin?" Napalunok ako sa kaba.
"Kiss. Kiss lang ang nagawa natin." Depensa ko.
"Sigurado ka?" Pinagmasdan mukha ko.
"Oo naman. Actually, ikaw nga itong umaayaw sa gusto ko. Pero syempre nirerespeto ko kung ano desisyon mo. Pangarap mo bago ikasal dapat...birhen kapa."
Nag-isip saka tumalikod upang siyasatin ang kabuuan ng kuwarto. Parang may malaking speaker sa dibdib ko habang nagpapatugtog nang malakas na tunog. Sinundan ko siya.
"Ibig sabihin magkatabi tayo matulog??"
"H-hindi." Napakuyom ang kamao ko sa gilid. Naiisip ko pa lang kung paano sila nagsasama ng lalaki niya!
Ito ang totoo. Ito ang katotohanan kung bakit madalian akong nagpunta rito sa guam. Nabalitaan kong may iba siyang lalaki na kinakasama. Sa galit ko, nakuha kong sundan kung saan man ito nagtatago kasama ng lalaki niya. At ito na nga ang apartment na tinitirhan nila ay bahay ng lalaki niya. Nakakasama ng loob dahil sa mahigit limang taon namin relasyon hindi ko lubos akalain na darating kami sa puntong magsasawaan...ah, hindi siya lang pala itong nagsawa sa relasyong meron kami.
At ang desisyon ko kung bakit hanggang ngayon nagpapaka-martir ako dahil mahal ko siya. Hindi ko kakayanin na iwan niya ako nang ganoon lang kadali. Malaki ang sinakripisyo namin sa isa't-isa. Tapos kukunin lang siya ng isang lalaki na hindi ko man lang nakilala buong buhay ko?
"Sana huwag na bumalik ang ala-ala mo para masaya pa rin tayo."