Kabanata 1

2529 Words
Pumasyal kami. Kahit nag-yeyelo ang buong paligid ay ayos lang ang mahalaga kasama ko siya. Naki-usap sa akin na pumasyal muna kami habang hindi pa umuuwi ng Pilipinas. So pinagbigyan ko na. Baka sakaling maaliw at maging close pa kami lalo. "First time ko lang ba na punta sa ganitong lugar?" Tanong nito ng maupo kami sa upuan upang magpahinga. "Kung dito sa Guam, Oo first time lang. Pero sa ibang lugar nakapunta kana like Jordan." "Iba kasi feeling ko sa lugar na ito. Parang masaya ako pero may konting lungkot may kulang kasi hindi ko alam kung ano." Napalunok ako bago kumain ng Ice cream. Iba rin trip niya. Biruin mo nagyeyelo na nga rito tapos ice cream na piling kainin. Kakaiba pa rin siya kahit may amnesia. "Baka dahil pinipilit mong may maalala ka," kunot noo tumingin sa akin, "Huwag ka mag-alala ang Pilipinas ang makakatulong sayo." "You mean wala man lang sentimental ang lugar na 'to para sa akin?" "Ganoon na nga. Para kailan lang naman tayo na punta rito. Isa pa, walang special ang lugar na 'to lalong-lalo sayo." "Ganoon? Eh, bakit nga ba tayo nandito kung hindi special?" "Pinilit mo lang ako," "Hindi nga?" "Oo," "Bakit gusto kong magpunta rito?" "Kasi...kasi gusto mo lang. Ugali mo kapag naisipan umalis gusto mo kaagad-agad." "Napaka demanding ko pala. Pero i-kuwento mo sa akin kung paano ako na aksidente? Sino kasama ko, ikaw ba?" "Car accident." "Car accident? Teka, ibig sabihin medyo matagal-tagal na nangyari 'yon dahil nag-yeyelo ngayon sa guam right?" "Oo matagal na rin ngayon ka lang nagising." "Paano ba ako na aksidente sa kotse? Sino kasama ko?" "Ha? Hmmm, may pupuntahan ka sana noon kaya lang hindi sinasadyang may masasagasaan kang tao pero umiwas ka at iyon din ang dahilan kung bakit bumangga kayo sa malaking puno." "Kami? Sino kasama ko?" Magsinungaling ka Erdem para maniwala siya. "Wala 'yon isang driver na inakupahan mo that time." "So kumusta siya? Buhay ba at nakaligtas ba siya??" "Sa pagkakaalam ko okay naman ang taong 'yon." "Pwew, mabuti naman. Sayang hindi ko siya nakilala." "Mabuting huwag mo na lang alamin at kilalanin." "At bakit naman?" "Dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira tingin ko malayo sa lugar na 'to." "Ganoon ba? Sayang talaga. Baka kasi sakali kung makita ko ang taong 'yon maalala ko ang ibang nangyari before ang aksidente." Nakayuko nitong tanaw sa paligid. "Huwag kana nga malungkot. Isipin mo na lang pareho kayong ligtas sa kapahamakan." "Isasama ko na lang siya sa panalangin ko." Kalokohan. Isasama mo ang lalaking dahilan ng kataksilan mo sa akin. Kung hindi lang kita mahal Bebsie baka pinabayaan na lang kita at umuwi ako sa Pilipinas na mag-isa. "Nasaan ang cellphone mo?" "Bakit?" Sabay kapa ko sa bulsa ng makapal kong jacket. "Titingnan ko. Baka naman hindi talaga kita boyfriend at nagpapanggap ka lang. Mabuti na 'yong nakakasigurado hindi ba?" Wala akong nagawa kung hindi ibigay ang cellphone. Pinagmasdan niya ito at pagkaraan tiningnan ang gallery. "Oo nga naniniwala na akong boyfriend kita." Nakangiti niyang tanaw sa akin bago tingnan muli ang gallery. "Oh, saan ito? Mukhang school ito, ah?" Pinakita ang selfie namin dalawa sa harap ng University. "Iyan ang Kingdom University." "Dito ka ba nag-aral?" "Tayong dalawa." "Mukhang pang-mayaman naman ang school na ito. Saka sabi mo sa akin mahirap lang kami." "Scholar ka kasi." "Ganoon ba?" Kagat labi, "Gusto kong puntahan ito pagkauwi natin." "Walang problema." "Baka sakali maalala kita." Muling may tiningnan na picture saka ako tumingin sa paligid. Medyo hindi ko na kinakaya ang ginaw. "Umuwi na tayo para makapagpainit." tumayo ito na tutok pa rin sa cellphone. Sinundan ko siya. "Oh, ang ganda ng ngiti ko rito, ah? Kailan ito at saan? Saka sinu-sino itong mga katabi ko?" Sinilip ko ang cellphone. "Malapit lang 'yan sa university. Madalas tayo kumain diyan nila Reign, Shien, at Nicole." "Kung hindi ako nagkakamali ito si Reign, Shien, at Nicole?" Pinagtuturo. "Hindi. Ito si Reign na katabi mo, tapos si Nicole, at Shien." "Ah, maganda silang lahat." "Tama ka." "Pero itong Shien hindi siya kasama sa Viper Berus?" "Hindi." "Sino siya? Bakit kasama namin siya?" "Matalik na kaibigan 'yan ni Reign pati na rin si Nicole." "Ganoon, ako lang ang hindi niya matalik na kaibigan?" "Mali ka. Simula nang magkakilala kayo lagi ka niyang kasama. Lalo noong lumipat si Nicole sa ibang University." "Sabi mo sa akin kasama ako sa Viper berus, bakit nga ba ako sumama sa gangster?" "That time kasi inalis ni Cedric ang scholarship program sa KU kaya itong si Nicole lumipat sa iba samantalang ikaw pinili mo na lang sumama sa Viper since tutulungan ka nilang makapag-aral pa rin kahit hindi kana scholar sa KU." "Totoo ba mga sinabi mo?" "Bakit mukha ba akong sinungaling?" "Hindi naman. Kaya lang masyadong madetalye." "Ano ba paniniwala mo sa katotohanan at hindi?" Sarkastiko kong tanong. "Wala akong paniniwala saka nagka-amnesia nga ako 'di ba? Wala akong maalala kahit na kaonti. Sana ikaw na talaga makatulong sa akin." "Gagawin ko ang lahat." Napapikit ako sa inis. Gagawin ko ang lahat huwag lang bumalik ang ala-ala mo sa lalaking pinagpalit mo sa akin. "Bumalik na nga tayo giniginaw na ako. Ahh, Erdem." "Bakit?" "Puwede ba tayo bumalik sa pinas kahit wala pa isang buwan?" "Bakit?" "Gusto ko maalala ang lahat-lahat. Mula sa simula hanggang noong maaksidente ako." "Bakit kasi, oh, sige,sige ako nang bahala." Malungkot kong pinagmasdan ang kamay niya. Gusto kong hawakan ito ngunit sa tuwing naaalala ko ang kataksilan niya parang gusto ko siyang saktan sa paraan kung paano niya nasaktan ang damdamin ko. Wala,eh. Mahal ko talaga siya. Hindi ko magawang iwan ang babaeng minsan na kong minahal at naging mundo niya. Bakit kasi kami pa, bakit siya pa naging taksil sa pagsasama namin. Ganito na ba ko kainutil na hindi ko man lang nalaman ang ginawa niyang kataksilan? "Anong iniisip mo?" "Ha, ah wala." "Giniginaw na ko." "Hindi tayo giginawin ng todo kung walang ice cream na umiikot sa tiyan natin." Waring tawa ko. "Ewan ko ba rito sa ice cream para kasi may something. Mahilig ba tayo kumain ng ice?" Shit,Bebsie. Bakit ang mga ala-ala natin dalawa hindi mo maramdaman? Bakit sa lalaking 'yon may something kapa nalalaman? Hindi mo na ba talaga ako mahal kaya nakuha mo sumama sa lalaking 'yon! "Bilisan na lang natin para makapagpainit tayo." *** "Lalabas lang ako saglit para bumili ng pagkain," "Sama." "Huwag na, hindi mo kakayanin ang lakas ng snow." "Mas lalo ka baka mapano ka sa labas." "Kayang-kaya ko na 'to. Huwag ka mag-alala saglit lang ako at pagkatapos sabay natin ayusin ang mga gamit para sa susunod na araw natin pag-uwi." "Matutuloy pa ba tayo kung ganyan kalakas ang snow?" "May ibang araw naman." Inayos ko ang makapal na jacket, "Diyan ka lang huwag na huwag ka lalabas." "Okay." Lingid sa nalalaman ni Bebsie hindi lang pagbili ng pagkain ang nais kong gawin dito sa labas. Plano ko na ito bago pa kami umalis dito sa Guam. Pumasok ako sa isang kuwarto. "He already had consciousness," seryosong sabi ng Doctor. Nakatingin sa akin si Rust, ang bagong kasintahan ni Bebsie. "Thanks Doc, I take care of him." He nodded until lumabas ng kuwarto. Naupo ako sa tabing kama ni Rust. "Nasaan siya. Bakit ayaw mo ipakita sa akin si Bebsie! Ano ba akala mo sa akin ha bilanggo?!" Napapikit ako sa inis. "Hayaan mo na kami magsama. Mahal namin ang isa't-isa." "Pero hindi na ngayon, Rust. Iuuwi ko na siya sa Pinas at sisiguraduhin kong hindi na kayo magkikita." Tiklop ng kamao. "Hahanapin niya ko, alam kong hahanapin niya ko." "Kung hahanapin ka. Hindi mo pa nga pala alam na nawalan siya ng ala-ala. Sa ngayon, nasa proseso kami kung paano ko ipaalala sa kanya ang relasyon namin na minsan mo nang sinira." "Bastard!" Nanlilisik ang mata nito, "Ako na ang mahal niya. Ako na ang nararapat sa kanya dahil bago pa man mangyari ang aksidente hiniwalayan kana niya!" "Wala akong pakialam. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Rust. Pero akin na muli si Bebsie. Hinding-hindi mo na siya makukuha pa sa akin." "Aaaaahhhhhh!!!! Ahhhhhhh!!!!" Bago pa niya maihagis sa akin ang mga gamit sa table ay nakaiwas na ako. Nagsipasukan ang nurse at doctor. "In my opinion, he needs a thorough treatment. What he says hurts his situation. I'm sorry, Doctor. I may not be able to watch over his just to care for him." "I understand, Mr. We take care of his well-being." Tanaw ng Doctor sa kanya. "Erdem, makalabas lang ako ng hospital hahanapin ko kayo ni Bebsie at pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa amin!! Pagbabayaran mo!!" I nodded to Doctor at umalis ng tuluyan sa Hospital na 'yon. Puno man ng takot ang dibdib ko na baka totohanin niya ang pananakot ay nanatili akong kampante. Kung sakali man makalabas siya at umuwi ng Pilipinas ay nakalayo na kami ni Bebsie. Sisiguraduhin kong wala na siyang aabutan pa. "Erdem, may nakausap ako sa phone mo." May kumalabit na kung ano sa dibdib ko ng makauwi sa apartment. Naalala kong naiwan ang phone na naka-charge. "Sino raw?" "Si Peps?" "Anong sabi?" "Hinahanap ka pero kaagad din nagpaalam ng sabihin kong wala ka." "Sige, tatawagan ko siya." Hiningi ko ang phone at kaagad lumayo sa puwesto nito. "Si Erdem na ba 'to?" Bungad niya ng sagutin ang tawag ko. "Yes, ano balita?" "Okay na 'yong hotel." "Sige, maybe on the next day nasa Pinas na kami." "Pero...sigurado kana ba?" "Oo,at hindi na ako magdadalawang isip lumayo." "Paano kung maghabol si Rust? Kumusta nga pala siya?" "Kadadalaw ko lang sa hospital pero binantaan niya kong susundan kami kahit saan." "Sinasabi ko na nga ba. Alam mo problema 'yang pinasok mo. Bakit kasi hindi mo na lang hayaan si Bebsie?" "Ano ito, ako na lang magsusuffer? Samantala siya masaya makakasama ang lalaking 'yon? No way, Peps. Gagawin ko ang lahat para ako ang maalala niya at hindi si Rust." "Nauunawaan ko ang sitwasyon mo kaya lang alam na ba ni Cedric ang tungkol dito?" "Hanggat maaari ayokong ipaalam." "Baka kasi makatulong siya." "Makakatulong kung sa makakatulong pero...goddammit ayokong mawala sa akin si Bebsie habang mahal na mahal ko pa siya." "Hay, pagkatapos kay Zayn sayo naman. Huwag mo sabihin after mo buhay ko naman ang proproblemahin niyo?" "Why not." Ngisi ko sa kabilang linya. "Please lang, okay na sa akin tagapayo sa problema niyo." "Hindi mo maiiwasan, Peps. Alam natin lahat na mas malala ang sitwasyon mo." "Talaga ba? Well, malalaman natin. Pero maiba tayo, susunduin ko kayo sa airport pero diretso tayo sa resort nila Cedric." "Walang problema." "Tawagan na lang kita, may gagawin lang ako." "Alright." Sabay patay ko sa kabilang linya. "Beb, beb." Tawag ko. "Bakit?" "Kumain na tayo at pagkaraan magpahinga." "Hindi pa ko nagugutom. Ang gusto ko lang gawin ay mahiga." Matamlay nitong pasok sa kuwarto. Nakuha ko siyang sundan bigla akong kinutuban na baka mamaya iwan na naman niya ko. "Ano ba iniisip mo?" Nakahiga na ito pero nakatagilid. "Wala." "Inaalala mo na naman ba ang nakaraan mo? Bebsie, kung gusto mo matulungan ang sarili puwede kumalma ka lang? Hindi makatutulong kung magiging ganyan ka." Tinabihan ko sa higaan pero nakaupo lang ako kaagad siyang bumangon at diretsong nakipagtitigan. "Nalulungkot ako, Erdem. Nalulungkot ako nang sobra." Nangingilid ang luha nito, nakuha ko siyang yakapin. "Huwag ka muna mag-isip ng kung anu-ano." "Maaari mo ba akong tabihan sa pagkakatulog?" Nandiyan na naman. May kumalabit muli sa dibdib ko naging dahilan para kabahan. "Walang problema," sabay kami nahiga at magkaharap. Miss ko na siya. Miss ko na ang maingay na Bebsi'ng nakilala ko. "Gusto ko maglakad sa beach." "Pero walang beach ngayon." Natatawa kong tugon. "Sa Pilipinas, sira." Ngiti niyang irap. "Ah, oo nga tama ka. Sakto, pagbalik natin sa Pinas on the way tayo sa resort ni Cedric." "Good," na pagmasdan ko ang mukha nito ng pumikit. Paano nga kung mawala siyang tuluyan sa buhay ko. Paano na ako. Paano na ako ngayong ikinukulong ko ang sarili sa kanyang buhay. "Mahal kita," bulong ko na ikinadilat ng mata nito. Lumapad ang labi nito sabay sabi na... "Mahal din kita." Ang sarap sa pakiramdam sabihin niyang muli sa akin ang madalas nitong tugon. Noong panahon na hindi pa siya nagsasawa. Noong panahon na wala pang sagabal sa buhay namin. "Anong nakagugulat sa sinabi ko?" Muli nitong sabi na may halong pagtataka. "I miss your voice every time you tell me you love me." Umismid ito saka tumihaya. "I love you," kukurap-kurap mga mata ko at hindi makapaniwala. "A-anong sabi mo??" "Ang sabi ko, Mahal kita." Muling tingin sa akin at lumapit ng husto sa puwesto ko. "Namiss ko ang isang tulad mo, Erdem. Sa palagay ko kahit wala kana sa ala-ala ko may maganda pa rin tayong ala-ala." "Tama ka," hinawakan ang pisngi ko. "Nag-kiss na tayo hindi ba?" Nakailang ulit akong lumunok, "Kinakabahan ka ba?" "Hindi at bakit ko mararamdaman 'yon?" "Ewan, ewan ko sayo." Marahan niyang pinagdampi ang labi namin. Unang kumilos ang labi nito ngunit sa pangalawang pagkakataon ay ako na mismo ang gumawa ng way para lalo maglapat ang labi namin. I missed her lip. Every sensation I feel every time I claim her soft lips. Hopefully at least in a simple kiss she'll remember me again. Hopefully with the simple kiss she feels back for me. "I got it." Kagat labi niyang wika matapos niyang halikan ng paulit-ulit ang labi ko. "Got it what?" "May parte sa labi mong naaalala ko. Sweet and smooth." Sige, umuwis ka pa ng tingin, Bebsie. Lalo mo kong ihulog sa sarili mong bitag. Alam na alam mo kung paano ako makulong sa iyong pagkatao. "Sana buong pagkatao ko rin ay maaalala mo." Pakiusap ko. "Pero sana pagkatao ko muna ang maaalala ko." Katwiran nito. "Darating din tayo riyan, Bebsie." Bumalikwas ako at dinaganan siya. Ang mga mata niyang nalilito kung bakit ko ginagawa ito. Her remains were waiting for what would happen next. "A-anong gagawin mo?" "Kapag may nangyari sa atin papayag kana ba ituloy ang kasal?" "Erdem..." "Ang tagal kitang hinintay." "Mahirap ba para sayong pinaghintay kita ng matagal?" "Oo," "Pero maaari ba hintayin mo munang makasal tayo o kaya bumalik ang----" naupo ako sa gilid ng kama. "Erdem." "Matulog kana." Lumabas ako ng kuwartong masama ang loob. Hanggang ngayon ba naman tatanggihan niya ko. **** "Welcome back, Bebsie and Erdem." Yakap ni Reign sa kaibigan bago ako yakapin sa braso. "Salamat," alangan wika ni Beb. "Ah, sorry. Naiilang ka ba?" "Hindi naman. Isa pa, na sabi sa akin ni Erdem magkaibigan daw tayo." Sabay lingon ng dalawa sa akin. "Mabuti at tinutulungan ka niyang makaalala kung hindi papaluin ko siya." Masamang titig ni Reign kaya natawa akong bahagya. "Gagawi ko ang lahat sa abot ng aking makakaya." Matapos kong sabihin lumapit sa amin si Peps habang pinaglalaruan ang susi. "Kumain muna tayo bago dumiretso sa resort." "Gutom na ako," hawak ni Bebsie sa tiyan. "Good, mahaba rin byahe namin ni Ulan kaya bago umalis magpakabusog muna." SA PLANO kakain muna pagkaraan ay babyahe na kami patungong resort nila Cedric. "Buong Lucifer, at Viper excited makita kayo." Bulaslas ni Peps na nagmamaneho, katabi niya si Reign. "Baka si Bebsie lang," biro ko. "Pareho kayo. Huwag kana magdamdam, Erdem." Bulaslas ni Reign habang nakatingin sa kaibigan, "Bebsie, ano pakiramdam na nawalan ng ala-ala?" Curious na usisa nito. "Ahm, mahirap, akala mo parang may kulang sa buhay ganoon." "I feel you pero nandito ang buong barkada para tulungan ka. Hindi ba, Erdem?" "Oo," "Erdem," lingon ko rito, "Sasamahan mo ko hanggang dulo, 'di ba?" Malambing nitong yakap sa mga bisig ko. "Until the end." Pangako ko habang nakatitig sa mga mata nito. "What if ituloy niyo na lang ang kasal?" Maling suggests 'yan, Reign. "Why not? Kahit paano si Erdem ang bahala sayo hanggat binabalik mo ang ala-ala." Dugtong ni Peps. "Hayaan na muna natin matapos ang lahat makakapaghintay ang kasal." Malungkot kong wika. Tumingin sa rear mirror si Peps, habang si Ulan ay bintana ng kotse. "Kung walang problema sa relasyon ninyo walang dahilan para hindi ituloy kahit nawalan ng ala-ala si Bebsie. Ito siguro ang panahon para samahan ka niya hanggang sa maalala mo ang lahat." Ang lalim man ng sinabi ni Reign alam kong nag-aalala ito sa kalagayan namin dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD