FROM A DISTANT coast I could see the woman of my life. If only it could have cheated the weather. If I could just say that it would be easy then everything would be fine and I could marry her. Pero...madaya ang panahon, madaya ang pagkakataon. Kapag nagmahal ka akala mo ganoon lang kadaling i-love back ka. Akala siguro ng iba kapag ginawa mo na ang lahat madali lang, madali lang mapasakamay mo ang lahat...pero hindi talaga. Kailangan mo pa magsakripisyo alang-alang sa taong minamahal mo.
"Erdem, bakit nandito ka?" Ikiniskis ko ang talampakan sa buhangin habang nakaupo.
"Nilalanghap ang simoy ng hangin," tugon ko kay Thania.
"Ah, si Bebsie?" Gamit ang nguso ay tinuro ko sa hindi kalayuan.
"Kaya naman pala nandito ka lang dahil binabantayan mo ang mahal na Prinsesang nawalan ng ala-ala," tumabi sa akin, "Parang nagbabasa lang ako ng romantic love story dahil sa sitwasyon niyo."
"Story lang walang romatic love." Itinulak ako dahilan para mahiga sa maputing buhangin.
"Balang-araw masasabi mo rin na romantic love story ang sa inyo ni Bebsie." Buntong hininga niya na parang may pinapalaya itong pain sa dibdib.
"Kung ang balang-araw na 'yon ay darating puwede ba ngayon na lang?"
"Ang pagsisisi laging nasa huli kaya ang balang-araw ay kahanay din ng pagsisisi."
"Hmm, Thania."
"Bakit?"
"Kumusta kayo ng boyfriend mo?"
"Hay, wala na kami." Napabalikwas ako.
"Bakit?"
"Wala yata akong destiny na lalaki baka babae ang nakalaan sa akin." Malakas niyang tawa na naging dahilan ng pagngiti ko.
"Sira, nandiyan lang 'yon."
"Kung nandito lang bakit hindi ko makita-kita? Bakit pinahihirapan pa ko maghanap?"
"Huwag mo kasi hanapin kung nandiyan lang sa tabi-tabi. Kung minsan akala natin bulag tayo dahil mata ang ginagamit para mahanap ang pag-ibig pero ang totoo dapat puso ang pairalin. Hearts feel good. The heart will give the right path to the right person to love."
"Puso ba kamo ang nararapat? Eh bakit wala man lang ako maramdaman na iba maliban sa nakaraan kong pakiramdam? Bakit ang puso minsan madaya hindi man lang pinapaalam ang totoo."
"Hinahayaan niya tayong kusang makiramdam. Sus, gumising ka nga Thania huwag puro dreaming of you ang pakikinggan mong kanta."
Nakabusangot nitong tingin sa kalawakan ng sea. Maya-maya bumuntong hininga na naman. Kung nalalaman ko lang kung ano nasa isip niya baka puwede damayan siya.
"Naniniwala ka ba, Erdem?"
"Saan?"
"Sa panaginip."
"You mean, dream ganoon?"
"Oo, kung minsan ba nananaginip ka tapos nagkatotoo?"
"Uhm, parang wala pa." Kamot ko sa sintido.
"Kasi ako maraming beses na."
"Ano mga 'yon?"
"Sikretong malupet,"
"Ang daya mo,"
"Basta maraming beses ng nangyari ang panaginip basta hindi ko ipagsasabi."
"Kalokohan," tawa kong sabi, "Paano kung may namatay sa panaginip mo eh di hahayaan mo lang mangyari 'yon?"
Napatulala ito sa sinabi ko saka umiwas ng tingin nang simulan kong lapitan.
"Umamin ka, may namatay na ba sa panaginip mo?"
"Akala ko ba kalokohan lang para sayo ang isang panaginip?"
"Naniniguro lang,"
"Wala, wala pa naman ganoon senaryo sa panaginip ko."
Mabuti na lang kung hindi baka makonsensya pa ako. Bakit ko nga ba sinasabi ito saka hindi totoo ang sinasabi niyang magkakatotoo ang panaginip. At kung mangyari man, marahil nagkataon lang.
TABING DAGAT kami naghapunan pero dahil nakararamdam ng pananakit sa ulo si Bebsie ay maaga kami pumasok sa kuwarto. Isang kuwarto lang ang kinuha nila para sa amin, incase raw may mangyaring hindi maganda sa kalagayan ni Bebsie.
"Dalawa itong kama kung inaalala mo." Kanina ko pa kasi napapansin hindi mapakali sa higaan.
"Hindi naman 'yon, eh." Sus, Bebsie. Kahit may amnesia ka alam kong nandiyan pa rin ugali mo. Masyado kang conscious kapag pinag-uusapan ang virginity.
"Matutulog na ko," tabing bintana ako. Tanaw dito ang puwesto nila Cedric pero isinara ko para magkaroon ako ng peace of mind. Baka isipin nila may kung ano kami gagawin dito.
Pasado alas diyes ng gabi bumango ako para magpahangin. Hindi ako madapuan ng antok. Isa pa, iniisip ko ang mga susunod kong plano lalo ngayon ay may chance makauwi si Rust dahil okay na kalagayan ito ng iwan ko sa hospital.
Sumalampak ako sa buhanginan at nagmuni-muni. Napakasarap sa tainga ang ingay ng karagatan na tila nagbibigay sa akin ng kaginhawaan. Peace of mind.
"Si Bebsie na saan? Bakit gising kapa?" REIGN.
"Natutulog na siya. Hindi pa kasi ako makatulog. Ikaw bakit gising pa?
"Pinatulog ko muna mga bata ang kukulit, eh. May problema ka ba?"
"Naguguluhan lang,"
"Saan?" Sumalampak din sa pagkakaupo.
"Hindi ko na alam gagawin ko, Reign." Malungkot kong sumbong.
"Tell me, ano ba bumabagabag sa puso mo at nagpapagulo sa isipan mo?"
"Nagsinungaling ako, sinabi kong-- may relasyon kami kahit ang totoo, nakipagbreak siya nung araw na 'yon." Nayuko sa kahihiyan. Pagdating kasi kay Reign ang hirap magsabi sa kanya lalo kung galing sa kasinungaling ang sasabihin mo.
"Ibig sabihin...wala na kayo, bakit?"
"Iyong lalaking kasama niya sa car accident, ang lalaking pinagpalit niya sa akin,"
"Sigurado ka ba? Matagal na kami magkaibigan ni Bebsie pero wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa---"
"Ayaw niyang magalit ka sa kanya, at iyon ang totoo,"
"Iyong lalaking nag-aagaw buhay sa Hospital ang lalaking...hindi, imposible 'yan."
"He's fine. Maayos na kalagayan niya at ito rin ang dahilan kung bakit nakakatakot kapag bumalik siya sa buhay ni Beb,"
"Nagsinungaling ka sa kanya dahil sa pagmamahal mo. Ano pa ba ang hindi namin nalalaman sa inyong dalawa??"
"Iniwan na niya ko. Pinagpalit niya ako sa ibang lalaki at dahil sa pagmamahal ko ginawa kong magsinungaling sa kanya pinaniwala kong may relasyon pa kami kahit wala na." Hindi ko na pigilan maiyak.
"Pag ibig ang tawag diyan, Erdem. Nagmahal ka ng babaeng hindi ka pinaglaban hanggang huli. Wala akong nalalaman pagdating sa kuwentong pag-ibig niyo pero sana hindi naging masama ang dahilan ng bawat desisyon mo. How long will you keep the truth? What if she suddenly realized that you were not the man he wanted to be with in life? How about that, she'll just leave it without saying goodbye because it's bad for you. You need to think about the plan before you act."
"Wala na kasi pumapasok sa utak ko kundi ang bumalik siya. Masama na ba ako, Reign? Masama na ba umasang may babalik pang- Bebsie sa buhay ko?" Umaagos ang luha ko.
"Ano ba dapat gawin para matapos na 'tong problema mo? Do you want to marry her until she remembers the past so that she will have nothing in your life? In the end, sarili mo lang na paligaya mo dahil iba na ang nasa puso niya."
"Ang gusto lang...bumalik ang dating nararamdaman niya para sa akin." Mukmok ko.
"Kaibigan mo ko, Erdem. Hindi kita kukunsintihin sa kamalian mo. Ayoko lang sa huli ikaw din ang talo. Gusto mo bumalik ang dati niyang nararamdaman for you pero may na isip ka ba? Kung ikaw nga nahihirapan kalimutan ang pinagsamahan niyo, siya pa na ipipilit mong kalimutan ang bagong minamahal niya. You always look at the situation around you, not always on your own. Magiging masaya ka pero may nasasaktan naman ibang tao. Always look around, Erdem."
Always look around...
Always look around...
Tama, tama si Reign. Ano pa magiging silbi ng sariling kaligayahan kung may ibang nasasaktan. Mabuti pa yata ako ang mismong masaktan at least makakaya ko ang sakit.
"Reign, Erdem, ano pa ginagawa niyo riyan?" Si Cedric.
"Huwag mo muna banggitin sa kanya." Simpleng bulong ko rito. She nodded bago lapitan ang asawa.
"Matulog kana, Erdem." Huling sabi ni Reign ng paunahin siya ni Cedric sa kanilang kuwarto.
"Gusto mo pampatulog?" Inihagis sa akin ang can ng beer. Naupo ng malapit saka binuksan ang hawak nitong beer. "Ano ba pinag-uusapan ninyong dalawa?"
"Tungkol lang sa bakasyon na ginawa sa Guam."
"Mukhang masaya naman hindi ba? Ay, sorry. I forgot, na aksidente nga pala si Bebsie. Ano ba sinabi ng doctor niya babalik pa raw ba ang ala-ala ng girlfriend mo?"
"Temporary amnesia lang, wala dapat ipag-alala."
"Sa hitsura mo mukhang habang buhay kayo magpapaalalahanan ng nakaraan," matapos magseryoso biglang tumawa na may halong ngisi, "Kayang-kaya mo 'yan, Erdem. Alalahanin mo ikaw ang pinaka matalino sa lucifer."
"Hindi rin, ang taong matalino nagiging mangmang sa pag-ibig."
"Pero wala naman problema hindi ba?" Nasamid ako matapos uminom ng beer, "Oh dahan-dahan. Siguro pinagbabawalan ka niyang uminom kapag magkasama kayo, ano?"
Todo iling kong pinanuod itong uminom ng beer, "Ngayong may amnesia siya walang pakialam ang isang Bebsie sa nangyayari." Sabay kami tumawa.
"Eh di masaya, haha. Isipin mo na lang single ka ngayon tapos magagawa mo lahat ng gusto mo." Single talaga ako, Cedric. At sa totoo lang, malaya kong gawin ang lahat pero itong puso ko ayaw makipagcooperate.
"Master, what if ikaw nasa kalagayan ko."
"Kalagayan magkaroon ng amnesia si Reign?" Tumawa bago uminom ng beer, "Haha, magiging malaya ako." Napatulala ako sa inasta niya, "Baliw, seneryoso mo naman." Batok nito sa ulo ko.
"Ipapaalala mo ba sa kanya ang nakalimutan niya o hahayaan na lang makasama siya para kusang bumalik ang lahat?"
Seryoso niya kong tinitigan.
"Para saan pa gagawin kong ipaalala ang lahat? Kasama na niya ko, may anak na rin kami. Siguro naman hindi siya mag-iisip na manloloko akong tao para magpanggap na asawa niya."
"Kung sa bagay, may pinanghahawakan ka kasing patunay."
"Ang tangi mo mapapatunayan sa sitwasyon ngayon ay ang totoong saloobin mo. Makalimot man ang isip, nandito pa rin ang puso para makaalala at sundan ang tamang daan." Turo nito sa dibdib.
Pero iba na kasi nasa puso niya at hindi na ako.
"May iba ka pa bang problema bukod sa pagkawala ng ala-ala niya?"
"Wala na."
Tumayo ito at tinapik balikat ko, "Matulog kana. Hindi mo ma-e-enjoy ang dagat, swimming pool kung puyat ka." Tuluyan na kong iniwan mag-isa. Maya-maya pumasok na ko dahil lumalakas ang hangin.
Binuksan ko ang ilaw para ibalik sa bag ang jacket.
"Erdem,"
"Nagising ka ba?"
"Kanina pa ako gising. Saan ka ba galing?"
"Sa labas. Matulog kapa." Nahiga ako sa kama. Pinanuod ko itong maglakad patungong Cr hanggang sa makabalik ng higaan.
"Gabi pa lang ba?" Nakabalot ito sa kumot.
"Oo, kaya nga pinatutulog pa kita."
"Hindi na ako madapuan ng antok,"
"Patayin ko ulit ang ilaw," matapos kong patayin nahiga muli ako at humarap sa bintana. Mababa lang kasi ang bintana ng kuwarto kaya tanaw dito ang kadiliman ng dagat at tanging liwanag ay ang puno ng niyog punong-puno ng ilaw.
"Magkuwento ka nga,"
"Tungkol sa buhay natin dalawa?" Usisa ko.
"Fairy tale story."
"Sige pero hindi kompleto," dinig ko ang pag-ungol nito.
"Sa isang malayong lugar, may isang Prinsipe nag-iisa sa isang tore." Pagsisimula ko.
"Rapunzel 'yan tama?"
"Oo,"
"Bakit Prinsipe?"
"Lalaki kasi nagkukuwento." Katwiran ko. "Matagal na siyang naninirahan sa toreng 'yon hanggang isang araw may dumayong babae at----"
"Ayoko ng rapunzel."
"Iyon lang kasi alam kong kuwento."
"Hay, huwag na. Matutulog na ako."
"Ikaw ang bahala." Pumikit ako nagbabakasakaling makatulog.
"Bugtong-bugtungan tayo." Dinig kong bumalikwas ito.
"Kaya mo ba?" Bangon ko sa higaan.
"Nagka-amnesia man matalino pa rin ito." Tinuro-turo ang utak.
"Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna," nag-isip saka pinidik ang daliri.
"Niyog."
"Nagkataon lang alam mo."
"Kung tawagin nila ay santo pero hindi naman milagroso," hamon sa akin.
"Hindi ako pamilya pero alam ko santol 'yan." Maangas kong tugon.
"Nagkataon lang na alam mo."
Lumapit ako upang lalo kami magkaunawaan.
"Maliit na bahay, puno ng mga patay,"
"Meron ba 'nun??"
"Oo naman!" Sigaw ko.
"Hmmm...."
"Ano hanggang dito kana lang?"
"Alam ko 'yan,"
"Kung alam mo bakit hindi mo sabihin?"
"POSPORO 'YAN EH." sinuntok braso ko.
"Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig," ismid ko. I'm sure hindi na niya masasagot 'yan.
"Teka, hindi pa nga ako nakakapagtanong." Malakas niyang sabi.
"Pero kapag hindi mo na ito na sagot ako pa rin ang magtatanong." Hindi mawala ang ngisi ko.
"Anong kadayaan 'yan ha, Erdem?"
"Laro-laro lang, Bebsie."
"Buwisit, ano kamo ulit tanong?"
"Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig,"
"Uhm, alam ko 'yan. Teka, iisipin ko." Ginulo-gulo ang higaan pagkatapos hinampas mukha ko ng unan.
"Ano pass kana ba at may gagawin ako sayo."
"Gagawin? Wala akong sinabi na kapag---"
"Thats my policy since wala kana maisagot."
"Fine," irap nito. "PASS..."
"May gagawin muna ako bago magtanong," hinawakan ko ang kamay nito saka tinitigan ang mata.
"Ano?" Irap nito.
"Dalawang batong itim, malayo ang nararating," inirapan na naman ako.
"PASS." Umismid ako saka hinalikan ang mata nito. "Anong----"
"Mata. Mata ang tamang sagot,Bebsie."
"Fine," mukhang naiinis na siya.
"Bahay ni Kaka, hindi matingala,"
"Ang dali naman syempre gunting!"
"Sigurado ka?"
"Bahay ni Kaka, hindi mati---" saka lang rumehistro sa isipan nitong iba ang tanong.
"Fine, sige na gawin mo na kung ano gusto mong gawin," irap na naman.
Hinalikan ko sa noo, "Noo ang tamang sagot."
"Paano naging noo?!"
"Hindi matingala, sige subukan mo tingalain ang noo makikita mo ba??"
"s**t, gawa-gawa mo lang yata 'yan eh!"
"Magaling kasi ako mag-search ng mga bugtong." Kindat ko rito. Nakailang ulit na ito sa kakairap.
"Dami mo talagang alam,"
"Baka nakakalimutan mo, ay...nagka-amnesia ka nga pala. Ako ang pinaka matalino sa----"
"Oo na, oo na. Next question." Walang gana nitong pakikinig.
"Dalawang libing, laging may hangin,"
"Damn, s**t. Mayroon ba 'nun?"
"Yeah,"
"Uhm, I don't know! Ang hihirap ng tanong mo!"
"So, pass na ba?"
"Siguraduhin mo hindi kana hahalik kung hindi---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin kaagad ko itong hinalikan sa ilong.
"Kasasabi ko lang---"
"Ilong ang tamang sagot. Tingnan mo ilong mo, Beb panay pakawala ng hangin dahil napipikon kana." Halakhak ko.
"Nang iinis ka ba?" Nag-taray na.
"Hindi po, next question na nga eh sabi ko nga. Galingan mo kasi sumagot para makabawi ka."
"Dami mo talagang alam,"
"Isang balong malalim puno ng patalim,"
"Itak," crossed arm niya.
"Mali,"
"Pana,"
"Mali,"
"Eh ano?!" Hinatak ko kaagad ang mukha nito at hinalikan sa labi. Saglit lang ito ngunit nagbigay ito ng init sa aking katawan.
"Chansing na 'yan ha!!" Pinagtutulak ako.
"Bibig kasi tamang sagot, bibig." Nanlalaki mata ko kahit deep inside gustong-gusto ko muling angkinin ang labi nito.
"Ayoko na maglaro." Nahiga pero pinilit kong bumangon.
"Last two question."
"Pagkatapos matutulog na ako ha." Dinuro-duro ako ng daliri.
"Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita,"
"What the heck?! Hugot na yata 'yang sinasabi mo. Oh, siya, para matapos na ito, anong sagot??"
Lumunok ako ng isang beses bago halikan ang tenga nito at binulong ang..."Mahal kita,Bebsie."
"Ano ba?!" Hahampasin sana dibdib ko pero nahawakan ko ang kamay.
"Tenga, Bebsie. Tulad ng sabi ko mahal kita." Hindi ito makatingin ng diretso na tila ba may iniisip.
"Alam ko," uminit ang kamay niya at braso sa pakiramdam ko.
"Mayroon akong gatang, hindi ko matingnan."
Bumuntong hininga muna ,"Ano?" Marahan kong hinalik-halikan ang leeg nito hanggang sa magtama ang mga mata namin.
"Leeg, mahal." Mapusok kong hinagkan ang malambot nitong labi at tuluyang mabuwal sa malambot na kama.
We continued kissing until I took off my shirt. Again I grabbed the lip while my hands clenched in agony on his arm, thigh, and chest. We are drowning in the warm feeling that at any moment we will fall into a violent moment. I stripped off her dress and slowly kissed each corner of her chest. I heard her moan at the little account I was giving until we lost her sanity and something happened.
P.S
Bugtong-bugtong, hindi mabitawan kahit may kasalanan.
Sagot: Pag-ibig