"Erdem, ganda yata ng gising mo ah? Ano, may nangyari na ba?" Panunukso ni Cedric ng lumabas ako ng kuwarto para mag-almusal. Maaga pa lang hindi ko na nadatnan si Bebsie sa higaan.
"Kung nakikita mo naman pala maganda mood ko huwag kang magulo,"
"Aba, aba, binata na nga talaga ang---"
"Matagal na. Kaya ko na ngang makabuo ng bata."
"Talaga naman, oh! Iba talaga kapag nakakatikim ano?"
"Master, nakakainis ka. Lalo ka pa yata lumala."
"Ganoon nga siguro kapag masigla sa ano--- hahaha."
"Ewan ko sayo."
"Kumain kana, nasa dalampasigan lang sila para manguha ng kabibe." Iiling-iling niya kong iniwan sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.
"Erdem, si Zayn." Abot sa akin ni Peps ang cellphone. Kaagad kong kinuha para makausap ito.
"Kumusta?"
"Maayos naman, napatawag ka yata?"
"Inaalala ko lang ang bunso ng Lucifer Kingdom baka kasi stress na stress."
"Hindi maiiwasang mastress kung ikaw kakausap sa akin," dinig ko ang malakas nitong tawa sa biro ko.
"Ah, basta nandito lang ang mga Kuya mo para alalayan ka. Kahit wala ang pinaka guwapo na kuya handa kita bigyan ng magandang karanasan."
"Okay na sana kaso sinabi mo pinaka guwapo mukhang hindi makakapayag si Peps doon." Alam ko kanina pa nakikinig sa usapan namin ni Zayn.
"Okay na kung si Peps makarinig kaysa kay Cedric wala akong laban doon. Matindi kapit ang korona sa ulo kaya hindi maagaw."
Sabay kami humalakhak ni Peps. Oh di ba tamang kinig lang sa usapan namin. Wari pa 'to may pagka-chismoso rin taglay. Nagpaalam kaagad ako kay Zayn matapos niya magkuwento ukol sa buhay nila ni Roselle. So far, maayos at masaya. Kung hindi ba naman kasi nalayo sa akin si Bebsie baka kasal na kami at magkakaanak na.
"Erdem." Natigilan ako sa pagmumuni ng tawagin ako ni Bebsie.
It wears a thin white dress. Wearing a necklace made of shells add a colorful flower to her head. She is like a bride.
"Bagay ba sa kasintahan mo, Erdem?" Pagbabalik sa katinuan ni Reign. Marahil pansin nitong nawala ako sa sarili habang pinagmamasdan ang babaeng minamahal ko.
"She is like a bride." Nanginginig kong sabi.
"Talaga?" Nahihiyang usisa ni Beb.
"Oo, magandang bride na nakilala ko."
"Ops, maiwan muna namin kayo. Solo niyo ang buong beach doon muna kami sa swimming pool." Excited hinatak ni Reign ang dalawang kaibigan ko papalayo sa amin. Dinig ko pang nakikipagtalo si Cedric pero ano ba magagawa niya sa asawa nitong mas matapang pa rito.
"Nakapag-almusal kana ba?" Ano ka ba Erdem bakit nararamdaman mo mahiya sa babaeng mahal mo? Umayos ka nga.
"Kanina pa, sumabay ako kina Ate Ulan."
"Sige, mamaya na ko kakain. Maglakad-lakad muna tayo sa tabing-dagat."
"Walang problema."
Hindi pa mainit ang buhangin kaya nakukuha pa namin magtapak kahit kalagitnaan pa ng kabuhanginan. Medyo malakas ang alon sa karagatan kaya itong suot niyang dress ay basa ang laylayan. Panay ito pakawala ng ngiti tapos titingin sa mukha ko.
"Nasabi sa akin ni Ate Ulan ngayong taon daw sana tayo ikakasal."
"Oo,"
"Siguro kung hindi ako na aksidente at nawalan ng ala-ala baka abala tayo sa pag-aasikaso ng kasal."
"Everything has been fixed. Ceremony is just missing," pagtutuwid ko rito.
"Kung ganoon ako nga talaga ang may problema." Malungkot niyang hinawi ang buhok na kanina pa tinatangay ng hangin.
"Sana magbalik na ang lahat para matuloy na kasal natin."
"Tanong ko lang, importante pa ba sayo ang nakaraan mo? Hindi ba puwede makontento kana lang sa amin, o sa akin. Huwag sasama loob mo ah pero opinyon ko lang 'yon."
"Pinag-isipan ko rin ito kagabi. Wala naman siguro ako dapat alalanin kung kayo talaga ang nakaraan ko," sabay kami huminto, "Magpakasal na tayo, Erdem sa lalong madaling panahon."
"T-totoo?"
"Oo, tama si Ate Ulan hindi dapat naka-focus sa iisang ala-ala dapat isipin din kung ano itinitibok ng puso."
"Payag kana?"
"Oo, payag na akong matuloy ang kasal natin sa lalo madaling panahon." Nakuha ko siyang buhatin at paikutin.
Itong dream wedding namin papalapit na nang papalapit. Tila umaayon pa rin sa akin ang panahon. Salamat, salamat dahil nanatili pa rin kami hanggang sa huli.
GAYA ng nais nito dinala ko siya sa Kingdom University. Napag-usapan na rin namin sa katapusan ng buwan gaganapin ang kasal. Isang simpleng kasalan lang at handaan gaya na nais ni Bebsie.
"Maganda nga talaga itong Kingdom University, hindi ako nagtataka kung bakit hook na hook ako mag-aral dito dati."
"Tama ka, sa University na ito marami tayong ala-ala."
"Pero gusto ko gumawa tayo ng panibagong memories." Malambing niyang yakap.
"Iyon lang pala. Wait may tatawagan lang ako." After kong tawagan ang mga taong sangkot ay binalikan ko siya sa puwesto namin kanina.
"Siguro palagi pa rin kayo nagpupunta rito ng Lucifer Kingdom ano?"
"Madalas, lalo kung walang trabahong inaasikaso o kaya sa tuwing nagkakaroon ng meeting ang mga may-ari."
"Ang yayaman niyo talaga,"
"Balewala ang yaman basta nandiyan kayo. Ang tunay na pag-ibig hindi nabibili ng salapi."
"Motto in life??" Natatawa niyang usisa.
"Puwede naman," inakbayan ko at maya-maya may isa-isa naglapitan kay Bebsie ng tao para ibigay ang sun flower. If I am not mistaken, at least 50 sun flowers will be given to her.
"Ikaw ba may gawa nito?" Lumuluha niyang harap sa akin na halos singhutin ang mga bulaklak.
"Mahal," I took a small box out of my pocket and knelt down in front of her. How many times have I done this before her? Probably only the second time since she never mentioned me.
"Mahal, ano 'to?" Naguguluhan nitong usisa.
"Next few days you will suddenly disappear and leave me. It hurts to lose a loved one, but it is even more painful to prevent a marriage from being interrupted," kinuha ko ang ring, "Will you marry me, Bebsie?"
Next she gave a nod before presenting the hand in front of me. I put her finger on the evidence that she was mine.
Wala na yatang mapaglagyan ng saya ang puso ko. Kung puwede lang mamatay pero dahil ikakasal pa ako huwag na muna. Baka mabalo kaagad ang magiging asawa kung sakali.
"CONGRATS, Erderm and Bebsie. Tuloy na tuloy na 'yan ha? Wala nang aatras." Nandito kami ngayon sa Cafeteria kung saan madalas namin tambayan.
Wala pa rin pinagbago rito. Wala pa rin naglalakas loob umakyat sa territory namin na lofted ang style. Kasama namin si Reign, at Cedric na ngayon ay abala sa sariling laptop. Ang mga anak nila nandoon ngayon sa bahay ng kanilang magulang.
"Magpapasukat na ulit ako ng gown. Medyo nadagdagan ng timbang, eh." Muling sabi ni Reign.
"Kain kasi ng kain," pang-aasar ng asawa.
"Pakain ka naman ng pakain,"
"Syempre, takot ko lang sayo kapag hindi ko ibigay gusto mo,"
"Hehe, buti alam mo."
"Ganyan talaga sila ka-sweet sa isa't-isa?" Mahinang sabi ng magiging asawa ko.
"Naku, kung hindi mo na maitatanong, away-bati ang dalawang 'yan. Walang araw na hindi sila nag-aaway kaya nga sila nagkatuluyan, eh."
"Tayo ba? Nag-aaway din ba tayo noon?"
"Bihira,"
"May pinagselosan na ba ako?"
"Mayroon pero saglit lang,"
"Sino?"
"Si Thania," palihim kong sulyap dito.
"Pero magkaibigan pa rin kayo kahit pinagselosan mo siya."
"Mukha naman siyang mabait,"
"Tama ka, medyo pasaway lang minsan."
"I see,"
"Gusto mo kumain?"
"Mamaya na lang busog pa ko. Baka ikaw nagugutom ikukuha kita ng makakain sa ibaba."
"Ako na kukuha," awat ko pero nakatayo na ito, "Baka hindi mo kabisado ang----"
"Nagka-amnesia ako hindi naging inutil." Ngisi niya na may halong inis.
"O-okay, wala naman akong ibig sabihin doon. Go ahead." Ngumiti ito pagkaraan ay bumaba na.
"Psst," sitsit ni Ulan.
"Oh?"
"Wala ka ba trabaho?"
"Mayroon pero importante si Bebsie,"
"Magtrabaho kana dahil sa mga susunod na araw hindi mo na yan maaasikaso." Bulaslas ni Cedric.
"Gabi pa ipapasa sa email ni Kuya tolits ang mga files." Katwiran ko.
"Eh di habang naghihintay ka gawin mo ang ilang gagawin niya. Alam mo ba wala pa rin pahinga 'yong tao mula ng magpunta ka ng Guam?"
"Tama. Minsan nagkita kami halos walang tulog. Palagay ko, may problema na naman sa kompanya niyo." Sabat ni Ulan.
"Hindi nga? Bakit wala man lang sinasabi sa akin si Kuya?"
Sabay sumenyas ang mag-asawa na wala silang alam. Tumayo ako pero saktong dumarating si Bebsie.
"Saan ka pupunta?"
"Kay Kuya, dito ka muna." Dire-diretso kong lakad pababa patungong faculty room.
"Kuya," tawag ko. Mukhang tambak sa gawain dahil sa lamesang puno ng test paper.
"Erdem, pasok." Hindi na nga ako nakuhang tingnan matapos sumilip sa pintuan.
"Ang dami niyan, ah. Gusto mo tulungan na kita?" Naupo ako sa tapat ng lamesa nito.
"Sige, ikaw ang bahala. Alam mo naman mga tamang sagot." Bagot niyang kamot sa ulo. Wala pa yatang ligo at tulog sa ayos niya. Hindi na siya tulad ng dating maayos ang pananamit at maaliwalas ang mukha.
"Kuya, kailan ka ba mag-aasawa?"
"Asawa?" Ngumisi matapos tumingin, "Wala pa akong girlfriend kaya bakit ako mag-aasawa?"
"Iyon na nga, bakit wala ka pang girlfriend?"
"It was stressful for me to think about the students tapos makukuha ko pa maghanap ng aasawahin. I'm happy with these setups," nahiya ako sa sinabi nito, "Kumusta si Bebsie? Balita ko end of the month kasal niyo."
"Yes, don't miss out on my wedding." Abala kong chinecheck ang mga papel.
"Hindi mawawala si Kuya kapag na tapos ko lahat ng ito."
"Eh di tutulungan kita," ngumiti sa akin, "Kahit sa kompanya natin handa kitang tulungan." Kunot-noo nitong titig.
"Ayokong mastress ka bago 'yang kasal mo."
"Pero ayoko naman mukha kang stress habang umaattend ng kasal ko." Pareho kami natawa maya-maya lang may pumapasok na guro.
Sa palagay ko, halos ka age lang ito ni Kuya pero halatang bagong salta.
"Tolits, kumain kana ba?" Ibinaba nito ang lesson plan.
"Mamaya na lang madami pa kong tinatapos."
"Haggard kana," tumingin sa akin. "Kapatid mo?"
"Yes, Erdem pangalan niya naging estudyante rin dito sa KU."
"He look so familiar." Hinawakan baba nito at nag-iisip.
"Baka 'yong mga nakapaskil sa bulletin board natin." Pagpapaalala ni Kuya.
"Ah, oo nga. Siya nga 'yon. Ang topnotcher ng batch nila."
"Teka, hindi pa rin inaalis picture ko roon?" Angal ko.
"Proud lang sayo." Depensa ni Kuya.
"Kahit na, baka isipin ng mga nagdaan na topnotcher may favorite kayo."
"Ayos lang 'yon, Erdem. Deserve mo ipagmalaki sa ibang estudyante. Base kasi sa info isa ka raw gangster. Humanga ako sayo dahil bihira lang ako makakita ng gangster pero hindi napabayaan ang pag-aaral. Ikaw madalas ko ibigay na halimbawa sa mga students ko."
Nakakahiya.
"Salamat po kung ganoon. Ah, Kuya magkita na lang tayo sa bahay mamaya dadalaw ako."
"Asahan kita." Tuluyan na kong nagpaalam sa dalawa at bumalik sa Cafeteria.
"Beb, nasaan sila?
"May kinuha sa kotse si Ate Ulan. Si Cedric pumuntang banyo."
"Mamaya sumama ka sa akin dadalaw tayo kina Mommy."
"Sa bahay niyo?" I nodded.
"Close ba kami?"
"Oo, close na close kayo. Minsan nga ikaw pa kinampihan nung nag-away tayo dahil kay Thania."
"Talaga?"
"Oo, kaya huwag mo alalahanin si Mommy dahil gustong-gusto ka niya for me."
"Ang dad mo?"
Malungkot kong isinandal ang likod sa pader ng maliit na kuwarto.
"He died three years ago."
"Sorry, h-hindi ko alam. I mean, nakalimutan ko."
"Ayos lang. Ang importante kasama kita sa mga araw na sobrang lungkot ng buhay ko. Hindi mo ko iniwan nung kailangan ko ng masasandalan." Lumuluha kong banggit sa kanya ang mga ala-alang nagbibigay sa akin ng sakit.
Masakit. Oo, masakit sabihin sa kanya ang mga araw na 'yon pagkatapos ay hindi niya maaalala. Lalo pa ikinasakit dahil sa isang iglap iniwan niya ko dahil nagmahal siya ng ibang lalaki. Minsan ko nang itinanong sa sarili, ano ba mayroon sa lalaking 'yon at bakit napaibig niya ang kasintahan ko.
"Sssshh..." yakap niya ko, "Tama na. Huwag kana umiyak. Ganoon talaga, may mga taong mawawala sa buhay natin. Hindi man natin alam kung kailan pero naniniwala akong magiging masaya rin tayo balang-araw."
Sana nga, Bebsie.
Mahal na mahal kita, kahit pa sabihin puno ng kasinungalingan itong mayroon sa atin ay pipilitin ko maging totoo. Kung dapat kitang agawin o kunin kay Rust gagawin ko. At itong pagpapakasal natin, hindi ito nangangahulugan pang-aagaw dahil akin ka naman talaga hindi ba? Pag-aari na kita simula ng magkakilala tayo.
"GOOD EVENING, Darling." Nakatitig kay Bebsie si Mommy, "Bebsie, anak." Sabay pakita nito ng magandang ngiti at niyakap.
"Maganda gabi po, Tita."
"Ops, hindi Tita tawag mo sa akin."
"Sorry po,"
"Mama, tawag mo sa akin, anak Bebsie."
"Ah, okay po Mama, pasensya na po kung..."
"Huwag kana humingi ng pasensya. Tara sa kitchen nakahanda na dinner natin." Tinapik braso ko. "Usap tayo." Pinauna kong magpunta sa kusina si Bebsie at naiwan kami ni Mom.
"Bakit ganoon si Kuya, subsob na nga sa KU ganoon din sa Office."
"Hayaan mo na brokenhearted kasi," natatawang sabi.
"Bakit? Akala ko ba wala siyang nagugustuhan?"
"Puwede ba 'yon wala? Malihim lang si Kuya Tolits mo pero nagkakagusto rin 'yon."
"Pero sana huwag niya pabayaan ang sarili."
"Ayos pa naman ako, Brother." Siyang dating ni Kuya malapit sa kinaroroonan namin.
"Oh, Tolits, maaga ka yata nauwi?"
"Nangako kasi si Bunso magpupunta ng bahay kaya tinapos ko kaagad lahat ng gawain sa opisina." Tanaw sa akin.
"Lakas ko talaga sayo." Wika ko.
"Ikaw lang nag-iisa kong kapatid kaya dapat magpakabait na ko. Isa pa, ako na lang din matitira sa bahay kapag nag-asawa kana."
"Bawal na ba ko magpunta rito kapag kasal na ko??"
"Hindi naman bunso,"
"Oo, bawal na."
"Kuya!" Nguso kong tawag.
"Haha, biro lang. Oh teka, nasaan si Bebsie, kasama mo ba?"
"Nasa kusina na."
"Kumain na tayo kanina pa kumakalam sikmura ko."
Masaya namin pinagsaluhan ang hapunan kasama si Mommy. Marami rin kinuwento si Kuya tungkol sa opisina. Mabuti naman daw ang kalagayan at wala dapat ipag-alala si Mommy pero sa KU mukhang doon daw siya susuko dahil sa matitigas na ulo ng mga estudyante.
"Mas pasaway pa ba sa aming Lucifer Kingdom?" Tawang-tawa kong tanong.
"Walang makakatalo sa iyong lahat. Ang titigas kaya ng ulo niyo at puro gulo hanap. Pero sa totoo lang ng mawala ang KU nawala na rin ang ibang gangster sa loob ng University. Marahil kayo lang inspirasyon gumawa ng gulo."
"Iniidolo lang ang KU dahil mga guwapo." Sabay kindat ni Mommy.
"Sus, si Mommy parang bata." Away ni Kuya.
"Aba, kung bata pa ako ay talagang liligawan ko isa sa mga kaibigan niya."
"Mom, mahiya ka nga."
"Haha, lalo kung si Peps napunta sa akin ay talaga----" sumenyas lang si Kuya dahil si Bebsie tahimik na nakikinig sa usapan namin.
"Sorry, Bebsie. Natutuwa lang kasi ako sa samahan ng KU."
Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Pag-usapan naman natin ang kasal niyo. Saan ba natin gaganapin ang reception??" Usisa ng Kuya.
"Kahit sa simpleng lugar." Depensa ko, "Iyon ang gusto ng mapapangasawa ko."
"Pili lang ba makakapunta, anak?" Usisa ni Mommy kay Bebsie.
"Sana po pero kung may gusto kayong imbitahan kayo na po bahala."
"Ay, hindi. Okay na 'yan. Ayoko makialam sa desisyon ninyong dalawa. Bigyan niyo lang ako ng imbitasyon para maabot ko sa mga piling imbitado."
"Talaga mommy?"
"Oo, malakas ka sa akin,eh."
"Thank you po. Bukas ihahatid ko po mga invitations." Siniko ako, "Mahal, kailangan hindi mawala si Thania sa kasal natin ha?"
"Oo naman,"
"Speaking of Thania, nagpunta siya noong nakaraang araw sa University may kinuhang papel pero hindi ko na inalam nasa klase kasi ako that time. Pero inferness kay Thania ha gumaganda." Paliwanag ng Kuya.
"Ganyan, ganyan sana ano? Sana ganyan din kadali makahanap ng jojowain mo." Pabirong may laman ni Mommy dito.
"Pass muna ako,"
"Matanda kana, anak. Dapat nga mauna kang mag-aasawa pero dahil ayaw mo pa bahala ka. Mahirap mag-isa habang tumatanda. Walang kaso sa akin kung bata man o mas matanda sayo basta magiging masaya ka."
"Sorry, mhi pero wala pa talaga."
"Iyong teacher kanina. Gusto ko siya para sayo. Maganda at talagang edukada." Sabat ko.
"Ah siya ba? Hindi ko type."
"Sino type mo? Ano ba type mo sa isang babae para mahanapan kita?" Nagmamadaling usisa sa kanya ni Mommy.
"Wala po,"
"Dali na,"
"Wala pa nga sa isip ang pag-aasawa."
"Jusko kang bata ka."
"Kusang darating ang para sa akin, Mhi. Hayaan mo kapag dumating na siya pakakasalan ko kaagad-agad."
"Sabi mo 'yan, anak ha. Aasa ako sa pangako mo." Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Mommy. Pinagtutulakan na niya si Kuya dahil tumatanda na.
DITO na kami pinatulog sa bahay. Isang kuwarto ang inayos nila para sa amin. Since malapit na raw kami ikasal ay maaari nang magtabi.
"Sayang ang Kuya mo kung hindi mag-asawa."
"Hmm, bakit mo nasabi sayang?"
"Guwapo siya, matalino. Dapat nga sa edad niya may asawa't-anak na."
"Makakahanap din siya at sa tamang panahon 'yon."
"Siguro nga, tara matulog na tayo." Nahiga na ito sa kama saka nagkumot.
"Beb,"
"Oh?"
"Sabi mo sa akin dati kapag kinasal na tayo gagawa kaagad tayo ng anak."
"Sinabi ko talaga 'yon??" Humarap sa akin. I nodded. "Ilan ang gusto ko?"
"Wala ka sinabi pero ang gusto mo ay marami."
"Ah isang dosena 'yon malamang." Niyakap ko matapos magsalita. "Matulog kana."
"Mauna kana. Babantayan kita hanggang sa makatulog ka." Himas ko sa braso nito.
"Sana end of the month na para asawa na kita. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko para sayo. Para ba excited ako sa magaganap nating kasal. Siguro sobrang mahal na mahal kita noon pa kasi itong nararamdaman ko ngayon parang ayokong mawala ka sa buhay ko. Minsan nga naiiyak ako kapag naiisip kong magkakahiwalay tayo."
"Uhmmm, akala mo lang 'yon. Hindi naman ako makakapayag na mawala ako sayo, Beb."
"Alam ko. Kaya nga sana asawa na kita bukas para hindi na ako maguluhan sa nararamdaman ko."
"Puwede kahit ngayon maging asawa mo ako. Anytime, anywhere willing ako magpanggap na asawa mo para sa ikasisiya mo."
"Panggap talaga. Ayoko nga, gusto ko totoong asawa. Masama kaya magpanggap."
Kinalabit ba ako ng konsensya? Bakit ganito ako lubos apektado sa mga sinabi niya? Dahil ba nagpapanggap lang ako? Ganoon ba 'yon?
"Hoy, tulog kana?"
"Inaantok na ako." Huling sabi ko bago ipikit ang mga mata. Mas mainam na lang siguro iwasan ang ganitong usapan. Nahihirapan kasi akong magpanggap na okay lang kahit hindi.