Kabanata 4

2557 Words
"Erdem Calilap," "Oh, bakit Cedric Kasilag?" "Iwan ko muna sayo si Reign," "Ano ako yaya??" Natigilan kaagad ako ng maalalang sinabi na si Reign ang iiwan sa akin. "Aalis kami ng mga anak ko. Ayaw sumama, ang sabi ihatid ko siya rito sa opisina mo para sa mga invitations." "Ah, ganoon ba. Sige, sige, nasaan ba??" "Hindi ka excited ano?" Sumenyas na umayos ako. "Whoo, easy. Ano na naman iniisip mo?" "Wala," padabog niyang hinampas ang kamay sa table ko, "Pero malaman ko lang na hindi lang tungkol sa invitations ang pag-uusapan niyo itatakwil kita bilang kaibigan." "Buwisit ka, Cedric. Lumayas kana nga at ang dami ko pa gagawin!" "Haha, sige. Ingatan mo asawa ko. Susunduin ko kaagad 'yan after namin mamasyal." "Opo, Master Cedric." Pumapasok si Reign buhat ang isang anak nila na kaagad kinuha ni Cedric. Humalik muna ito sa asawa bago umalis sa opisina ko. May inilapag na isang pirasong invitation card si Reign na kaagad kong kinuha at binasa. "Maganda na 'to puwede na." "Pinakita ko na rin 'yan kay Bebsie at approved sa kanya." "Eh di mainam," balik ko sa ginagawa. "Naayos na namin lahat-lahat," "Salamat sa mga efforts niyo," "Gusto namin masaya kayo," "Oo nga," nag-aalangan kong sabi. "Hindi ka pa ba masaya ngayong siya na mismo nagsabi ituloy ang kasal niyo?" "Masaya," nakuha kong tumayo, "Sobrang saya. Hindi lang maaalis sa isipan kong baka biglang bumalik ang ala-ala niya at iwan ako." "Kaya nga hanggat wala pa ang dating ala-ala ay pakasalan mo na. Wala nang habol si Rust kung sakali." "Tama ka, pero paano kung nag-file siya ng divorce?" "Dalawa lang naiisip ko," "Ano?" "Una, at least naranasan mo sa huling pagkakataon makasama siya sa iisang bubong at ang pangalawa, huwag mo na isipin ang divorce hehe." "Ang galing mo kausap," "Ah basta, sinimulan mo ito at kailangan tapusin." "Nandiyan ka naman para tulungan ako, kayo ni Peps." "Oh, bakit pinag-uusapan niyo kong dalawa ha?" Si Peps nga, kasama sina Pauline at Shien. "Shien!" Yakap ni Ate Ulan dito, "I miss you, Friend." "Miss din kita, Friend." Blooming, ah. "Kumusta baby mo sa tiyan?" Himas nito sa kaibigan. "Heto, malikot na rin." Himas ni Shien sa sariling tiyan. Oo nga pala, sikreto silang nagpakasal sa malayong lugar ni Peps dahil naghahabol si Zen. At ito naman si Peps dahil mahal na mahal pa rin si Shien ay patago itong pinakasalan at nagka-anak kaagad. Pabor na pabor kay Pauline na magkaroon ng kapatid. Ang saya nga nilang tingnan ngayon. "Ingatan mo 'yan, dugo't-laman ni Peps 'yan." Biro ko rito. "Panigurado kasing cute rin ito ni Pauline." Piga sa pisngi ng bata. Malaki na nga ito, eh at tingin ko malapit na rin mag-dalaga. Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang, ipinagtapat ni Zen na buntis siya at si Cedric ang ama pero ang totoo ay si Peps pala. Ito rin ang mitsa ng paghihiwalay nila Shien. Laki pa nga ng pag-asa dahil sa ibang lalaki sumama si Zen at iwanan si Pauline rito. "Love, sa labas muna kayo ni Pauline." Utos ni Peps sa asawa. "Sige." Kaagad ni Shien kasama si Pauline. Sasama sana si Reign iyon nga lang hinila ni Peps ang kuwelyo nito. "Hindi ka dapat mawala sa usapang ito." Seryosong sabi ni Peps habang nakahalukipkip. "Usapan saan?" "Tungkol kina Bebsie, at Erdem. Tayong tatlo lang nakakaalam ng kalokohang ginawa ni Erdem." "Oo nga pala. Sa ngayon wala tayo dapat isipin. Umaayon ang panahon para sa dalawa." "Iyon ang inaakala mo. Base sa sinabi ni Erdem sa akin maayos na kalagayan ni Rust, ang boyfriend ni Bebsie so iniisip ko may malaking chance na umuwi rito sa pinas para balikan at hanapin si Beb." "Hindi ko 'yon naisip. Paano nga ba gagawin natin, Erdem?" Usisa ni Reign. "May kausap akong nurse 'ron na nagmomonitor sa kanya. Palagi ko ina-update kung kailan ito lalabas at base sa nurse medyo matagal pa dahil may kaonting sugat itong dapat gumaling bago lumabas." Paliwanag ko sa dalawa. "Ang dapat pala ay pagkakasal niyo sa ibang lugar na kayo tumira." Suggestion ni Peps. "Naisip ko na rin 'yan. Mas mainam kung abroad pero mukhang mahihirapan ako kung ganoon ang mangyayari. Walang makakatulong si Kuya rito since abala rin siya sa pagtuturo." "Hmmm, mabuti nga kung dito lang sa Pilipinas. May alam akong puwede niyong tirhan. Pero malalaman ni Cedric kapag hindi ko sinabi 'yon." Alanganin sabi ni Reign. "Ahm, sa ngayon magcocondo muna kami. Since hindi nagbibigay ng info ang ibang condominium sa mga taong nagtatanong tungkol sa mga client nila." "Tama, mag-condo muna." Payag ni Reign. "Okay, pansamantala." "Pero hanggang kailan kayo magtatago sa lahat at lalong-lalo kay Bebsie? Hindi natin maitatago ito ng panghabam-buhay dahil may isang Rust na nag-e-exist dito para kunin si Bebsie." "Ipapatay natin kay Cedric," suggest ko. "Ano?! No way, may usapan kami ng hambog na 'yon wala siyang papatayin at sasaktan." Pag-ayaw ni Reign dito. "Ikaw na lang," turo ko kay Peps pero umiwas ng tingin. "Sorry, hindi ko magagawa ngayon sasama loob ng asawa ko kapag nalaman niyang may papatayin ako." "Oh, sino gagawa ako?" "May ibang paraan pa. Huwag na kayo bumalik sa dating kayo." Pakiusap ni Ulan habang nag-iisip. "Kausapin mo. Makiusap ka na huwag nang manggulo." Muling sabi ni Peps. "Susubukan ko." Kahit suntok sa buwan itong gagawin ko ay susubukan ko pa rin. "Hindi habang buhay magpapanggap kang ikaw pa rin ang mahal niya." Pagkatapos magsalita ni Reign saka namin nadinig ang pagsara ng pintuan. Si Thania narinig niya ang usapan naming tatlo. "Nagsinungaling ka." Bakas sa mukha niya ang panghuhusga. "Thania..." lumapit si Reign pero umiwas ito at nilapitan ako. "Ang akala ko prank call lang iyon pala totoong---totoo pala!" "Sssshh... hinaan mo boses, Thania." Awat ni Peps dito. "At bakit para maitago niyo ang buong katotohanan ha?! Ikaw Reign, at Peps, bakit ginagawa niyong kampihan ang kamalian ni Erdem?!" "Mali ka ng inaakala..." sinampal ako. "Ang taas pa naman ng tingin ko sayo. Akala ko naiiba ka sa mga kaibigan mong puno ng kasalanan pero sobra mo ko na disappoint." "Thania, huwag tayo makisali sa problema nila. Hayaan mo kusang si Erdem ang makalutas nito. Huwag na natin palakihin ang...." "Pati ba naman ikaw, Reign. You know how much I love him pero anong ginagawa mo? Hinahayaan mong gawin ito kahit mali. Eh hindi na pala siya mahal tapos kung todo panggap na magkasintahan pa sila!" "Thania, please..." pakiusap ni Peps. "Ewan ko sa inyong lahat." Paalis sana pero humarang si Peps sa daraanan niya, "Padaanin mo ko," "Ayoko. Ayusin natin ito. Masama kung lalabas ito at makararating kay Bebsie. Hayaan natin si Erdem dumiskarte rito." "Sa tingin niyo ganoon lang 'yon? Maghintay lang kayo." Itinulak ito sa di kalayuan at nakalabas ng walang kahirap-hirap. "Paano na??" Naguguluhang kinuha ni Reign ang cellphone, "Tatawagan ko si Cedric." "Huwag!" Natigilan ito, "Please, kakausapin ko siya. Huwag lang makarating kay Cedric 'yong tungkol dito." Nagkatingin ang dalawa bago ko lumabas ng opisina. Hinagilap ko si Thania nagbabakasakaling mahabol siya pero huli na yata. Pinacancel ko lahat ng meeting ngayong araw at dumiretso ako sa bahay kung saan nandoon si Bebsie. "Mahal, anong ginagawa mo rito? Bakit ang aga mo yata umuwi?" Takang tanong ni Bebsie. "Nagpaalam akong hindi papasok. Masama ang pakiramdam ko, tama masama." Hinagilap ko sa buong bahay baka nandito si Thania, "Nagpapasok ka ba ng bisita rito?" "Bisita? Wala pa naman, bakit?" "Ah, wala. Wala naman. Baka kasi bigla ka magpapasok ng hindi mo kilala mahirap na." "Sinabihan mo na ko about diyan huwag kana mag-alala. Baka mamaya niyang magalit si Kuya Tolits sa ginagawa mo. Oras ng trabaho bigla mo ipapacancel lahat ng meeting." "Masama pakiramdam ko," ulit kong dahilan. "Ikukuha kita ng gamot," kumuha ng medicine kit, "Masakit ba ulo mo, o buong katawan?" Hinila ko siya ng marahan, "Halik at yakap mo gagaling na ko." "Hindi nga?" "Try mo, kiss me." Niyakap ko ng mahigpit. Walang alinlangan niya kong hinalikan sa labi hanggang sa lumalim at inaya kong maupo sa sofa. "Mahal, may nagpasa sa akin ng message kaya lang unknown number." "Anong sabi?" "Makipagkita raw ako mamaya sa park kaya lang noong nireplayan ko hindi sumagot." "Baka wrong sent lang 'yon. Huwag mo nang alalahanin." "Sige, maliligo lang ako." Pagkalayo nito kaagad kong kinuha ang cellphone niya at tiningnan kung familiar ang number. Kung hindi ako nagkakamali, kay Thania number ito. Nagtext ako rito at saka nagpaalam kay Bebsie na lalabas lang para may kausapin. Gusto sumama pero sabi ko saglit lang since naliligo siya. Mindali ko ang pagpunta ng park. Tamang-tama nandito na ko sa park ng bumababa ito sa kanyang kotse. Paatras sana siya ng makita ako pero pinigilan ko kaagad. "Thania, please." "Bitiwan mo ko," "Bibitiwan kita kung makikipagkasundo ka sa akin," "Ano ba Erdem?! Nagmumukhang tanga 'yong tao. Ang akala niya boyfriend ka niya. Ang akala niya minamahal ka niya." "Mahal naman talaga niya ako," "Minahal hindi mahal. Iba ang kahulugan ng minahal sa mahal. Ang minahal tapos na pero 'yong mahal hanggang ngayon nararamdaman niya para sayo. Nagka-amnesia si Beb at nakalimutan niya ang lahat pero hindi ko inaaasahan na gagawin mo 'to." "Mahal ko siya at isa pa wala kang alam sa buong pangyayari wala sa lugar para manghimasok ka sa problema namin." "Siguro nga. Tama ka wala ako sa lugar pero Erdem naman. Ang tagal kitang minahal tapos---" "Sa ganito na naman ba tayo matatapos? Iba ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko, Thania. Mahal mo ko pero mahal ko siya." "Ano ba kasi mayroon siya na wala ako? Halos lahat naman na sa akin hindi ba pero bakit si Bebsie pa rin? Hindi ba puwede ako naman?" "Hindi madali i-please ang isang tao pagdating sa nararamdaman. Kung ibinabase mo lang sa kakayanan o estado sa buhay para piliin ka sana huwag mo nang ulitin mga sasabihin mo. In the first place ayoko na magkaroon ng connection sayo. Ayoko sana gawin ito pero pagod na kong unawain ka. Pagod na kong intindihin efforts mo para mahalin ka lang. Baka kaya hindi nagtatagal sayo mga lalaki dahil kulang ka sa pagmamahal sa sarili." Binitiwan ko siya at tuluyang bumalik sa bahay. Tapos nang maligo si Beb ng lapitan ko sa sofa. Umiinom ito ng soft drinks habang nanunuod ng tv. "Masama sa katawan ang soft drinks," awat ko ng akmang iinumin. "Masarap, eh." "Masama nga kasi," inilagay ko sa table. "Sabi nga kapag masama iyon pa masarap," "Hindi mo ba alam na 'yong masamang sinasabi mo panandalian lang ang sarap?" "Alam ko," "Alam mo naman pala." "At least nagawa ko, natikman ko." "Maling paniniwala. Kahit may amnesia ka matigas pa rin ulo mo." "Matigas ulo ko ganoon?" "Oo," "Pero pinagtiyagaan mo," "Tama ka," "Kasi mahal mo 'di ba?" "Tama ka pa rin," "At hindi mo lolokohin?" "Ta----tama ka, hindi kita lolokohin." Iwas ko. Mabuti hindi niya napansin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko. "Ikaw din, hindi ko lolokohin. Simula ng mawalan ako nang ala-ala nandiyan kana para sa akin kaya deserve mo mahalin. Deserve mo suklian ng pagmamahal." Pasagot na sana nang tumatawag si Kuya Tolits. Sinabi nitong bumalik ako sa opisina dahil may pag-uusapan kaming mahalaga. Mukhang kailangan ko ng mahabang pasensiya sa panenermon niya mamaya. "BE MATURED ENOUGH!" Inihagis sa kinatatayuan ko ang mga papers, "Hindi 'yong maisipan mo ipacancel lahat ng meeting ay dapat ng sundin. Nakasalalay dito ang kompanya natin, Erdem. Maging matured ka mag-isip. Ngayon pa na mag-aasawa ka tapos hindi mo magawang magseryoso sa trabaho." See? Galit na galit siya ng dumating ako sa opisina nito. "May importante lang akong pinuntahan," "Gaano ka importante? Mas importante pa ba sa ikababagsak ng kompanya natin ha?!" "Hindi. I mean, sorry. May ginawa lang ako kaya sorry na at hindi mauulit." "Dapat lang. Kapag nangyari na naman itong kaganapan kanina hindi ako magdadalawang isip na paalisin kana lang sa tungkulin mo. Kailangan ko ng makakatulong hindi ng lulubog mismo sa kompanya. Nauunawaan mo ba ibig ko, Erdem?" "I know," "Please, gawin mo kung ano 'yong nararapat saka mo isipin ang sariling problema dahil nakasalalay sa atin ang kompanya nila Mommy at daddy. Hahayaan mo na lang ba mawala ng parang bula ang lahat ng hirap nilang dalawa?" "Of course not, hindi ko ginusto na ganito mangyayari kaya naman sana mapatawad mo ako at makabawi." "This is the first and last, Erdem." Kalmado na niyang sabi, "Go back to your work now." I nodded bago lumabas at pumasok sa sariling opisina. Wala akong masisisi kung hindi ang sarili. Fvck this. Bakit kasi naging padalus-dalos ako. Hindi ka nag-iisip, Erdem. Explore being smart. Don't show weakness to others too much. "Erdem, What are you waiting for? Start dating with top officials. We only have five hours to finish all meetings." "Yes, Kuya. I'll finish it sooner than you expect." Then after ng convo namin pinagbutihan ko ang pakikipag-usap sa mga mataas na official. Tuwang-tuwa si Kuya ng mapapirma namin ang ilang kilalang businessmen sa aming kompanya. "See? Sabi ko naman kasi sayo na malaki tiwala kong hindi mo ipapahamak ang kompanya. Let's start to drink later." Tapik sa balikat ko bago umalis. Tinawagan ko si Reign na kung maaari puntahan si Bebsie sa bahay dahil may usapan kami ni Kuya na kumain sa labas at uminom na rin. "Pirmahan mo bukas 'yong mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa mo importante 'yon." I nodded, "Sa ngayon, kailangan mo mag-enjoy." Kinampay ang wine na kaagad kong sinaluhan. "Kuya, may gusto sana akong sabihin sayo." Yes, this is the right time para umamin baka sakaling matulungan niya ko sa problema. "Go," "Calilap Brother!" Bago pa kasi ako magsalita biglang dumating si Thania. Yumakap kaagad ito kay Kuya at ningitian lang ako. "Why are you here?" Malambing na usisa ng kapatid ko rito. "Masyado kana yata makakalimutin, Mr. Tolits?" Nagkatinginan itong dalawa bago tumingin sa akin. "I'm sorry, nakalimutan kong may usapan nga pala tayo." Umusad ng kaonti para magkatabi silang dalawa sa upuan. Inorder ito ng maiinom at pagkaraan nagbulungan. "Erdem," muling salita ni Kuya. "Ano nga pala 'yong sasabihin mo kanina?" Paano pa ako magsasalita kung nandito si Thania. Panigurado maiinis na naman siya sa akin. At panigurado lalake ang lamat sa samahan namin. "Nakalimutan ko na." "Sabihin mo na," simpleng bulong ni Thania kay Kuya. "Erdem, may gusto sana akong sabihin sayo." Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Thania. "Girlfriend ko na si Thania." "What??" Kaagad? Ano 'to? Sinusubukan ba niyang gumanti at si Kuya Tolits ang pinili niyang gamitin? Baliw na nga talaga itong babae na...ugh. Hindi niya naisip na mas matanda si Kuya ng ilang taon. "Kailan pa ito?!" Iritado kong tanong muli. "Hindi na mahalaga kung kailan nagsimula ang importante mahal namin ang isa't-isa." No way, Thania. Don't do that. "Bro, anong problema? Magkaibigan naman kayo ni Thania walang masama kung magiging hipag mo siya in the future, right?" "Hindi ka man lang pumili ng kasing edad mo," diretsa kong sabi. Nagkatinginan itong dalawa bago ko tumayo at lumayas. "NILAYASAN mo raw sina Kuya Tolits at Thania sa bar. May problema ka ba, Erdem?" Bungad sa akin ni Bebsie ng pagkauwi ko. "Gusto na kasi kitang makita," "Talaga?" "Oo, mukha ba nagsisinungaling ang mapapangasawa mo?" "Hindi sa ganoon pero hindi mo dapat iniwan 'yong dalawa. Tumawag sa akin si Kuya nang iwan ka raw ng aminin nila 'yong relasyon nilang dalawa nagseselos ka ba?" "At bakit ako magseselos?" "Nag-walk out ka, eh." "Magandang halimbawa na ba 'yon para sayo?" "Oo," "You're wrong. Huwag mo ko pag-isipan ng bagay na hindi ko nararamdaman." "So anong ibig sabihin 'nun?" "Gusto ko na umuwi dahil nagtext sa akin si Reign na ikaw lang mag-isa sa bahay. Sinabi niyang umuwi kaagad siya dahil may emergency sa bahay." Tama naman sinabi ko rito. Nung pauwi ako nagtext si Reign at iyon nga ang pagkakasabi. "Akala ko talaga nagseselos ka. Akala ko mahal mo na siya." "Malabong mangyari 'yon. Ikaw lang ang babaeng minamahal ko buong buhay." "Talaga?" "Oo, kumain kana ba?" "Kanina pa," "Inaantok?" "Medyo antok na nga. Hinihintay ko kasi pagdating mo." "At bakit?" Ngisi ko. "Hindi ako makakatulog ng maayos kung wala kapa sa tabi ko." "Ngayon nandito na ako matutulog kana?" "Kung magkukuwentuhan pa tayo hindi pa." "Ano ba gusto mo pagkuwentuhan?" Kaagad nag-isip saka ngumiti, "Nagbago na pala isip ko. Puwede tayo magbugtong-bungtungan." Pareho nagkaroon ng makahulugang ngiti ang mga labi namin at kaagad pumasok sa kuwarto at nagbugtong-bugtungan kami ng magdamag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD