Kinabukasan ay Community Service namin, Maglilinis daw kami ng Kalye sa morning at sa Afternoon naman ay magpapakain kami ng Mga Street children.
Kasalukuyan kaming nag lilinis, naalala ko na naman tuloy yung araw na pinaglinis ako ni Major,
Speaking of Major dalawang araw ko na syang di nakikita, malapit lang ksi sa Campus ang station nila, pero tila busy siya dahil hindi pa nag cro cross ang mfa landas namin.
Nasa ganong momentum ako ng biglang may Tumikhim sa Likod ko, Kaya dahan dahan akong lumingon.
Major. ..
"Hi, kumusta..hangang anong oras kayo rito?
"Ngayong morning po, then mamaya po ay magpapakain kami sa mga street children.
"Uhmm, Ganon ba, sige pa aasisst ko kayo kay Herera at valdez para may kasama kayo, alam mo na baka mamaya baka ayaw magsi ayos ng Pila kapag nagpakain kayo.
"Salamat Major" wika ko naman rito.
"Nga pala kumusta yung Likod mo? Masakit pa ba?
"Hindi na sir, Okay na po" nakangiting wika ko.
"Mabuti naman kung Ganon. Paano, Mag iingat ka BATA.
"Pupunta kasi ako sa Headquarter sa Taguig. May Importanteng Misyon"
Misyon? Delikado ba Major?
Tila nag aalala kong tanong rito.
"Yup, Kasama naman lagi yan sa Trabaho ko, Kaya bago ako sumabak sa misyon nagpapa alam na ako sa mga mahal ko sa buhay, tinatawagan ko na ang mama ko, kasi di ko sure kung makakabalik pa ko bg Buhay"
Saad ni Major, Habang nakatingin sa akin.
"Ahmm..Mag iingat ka Major, Sana maging success ulit ang Misyon nyo.
"Salamat BATA..ikaw rin mag iingat ka" wika nito sabay Hawak sa ulo ko at bahagya pang ginulo ang buhok ko.
Humakbang na sya palayo, nang habulin ko sya.
"Major Wait." Saad ko rito habang may kinukuha sa Bulsa ko.
"Sayo na lang to Major,,Bumalik ka ha..Hihintayin ka namin.
Saad ko sa kanya Saka iniabot ang Lollipop, .
"Isipin mong may PASAWAy na naghihintay sayo pabalik.
Kapag kasabi ko noon ay umalis na ako at kinawayan sya, hawak nya naman ang lollipop at saka naglakad palayo.
Yohan POV
Naglakad ako palayo, hawak ang lollipop na bigay ni Bata.
Nangingiti naman ako, isip bata talaga, pabaunan ba ako ng lollipop hehe nailing na lang ako at tinago sa bulsa ko ang lollipop na bigay nya.
Nagbalik na naman sa ala ala ko yung eksena sa Shop na kumakain sya ng lollipop, madumi na nga siguro ang isip ko pero tila ang sarap nyang kumain at dumila ng lollipop. Inosenteng inosente.ano ba tong naiisip ko,Pagbalik ko sa Station ay handa na ang sasakyan na gagamitin namin pati ang mga kasama ko, Naka receive kasi kami na may magaganap na namang bentahan ng Droga kaya agad kaming nag set, matagal na namin ito binabantayan ngunit matatalas, nawa ngayon ay masukol na namin sila.
Nakarating kami sa lugar kung saan nagaganap ang palitan at bilihan ng Droga, Wala p silang kamalay malay na napapalibutan na namin sila, Hangang sa simula ng magkaputukan.
Malalakas rin ang kabilang kampo, May tinamaan na sa kagrupo ko pero marami na ring tinamaan sa kanila.
"Major Escobar, Si Llanes may Tama na, Si Gonzalo Din po tinamaan sa Dibdib.
"Napapapikit ako kada sinasabi sa akin ang Status ng mga Kabaro ko.
"Palagay nyo ilan nalang sila?"
"Mga tatlo na lang sir, kami na bahala sa dalawa, may mga tama na rin,.
"Copy!" Wika ko naman
"Sumuko na lang kayo! Para wala nang dumanak na Dugo!
"Gago ka Escobar! Napaka talas talaga ng Tenga mong Ina ka!
"Suarez! Magbago ka na! Sumuko ka Habang may oras pa!
"Namo ka Escobar, Mas pipiliin ko nalang mamatay kesa Sumuko sayo! Hahaa..Sino kaba? Isang Pipitsugin ka lamaNg na ANAK SA LABAS!
"Ganon ba? Aeleast Mahal parin ako ng Tatay ko at mga KAPATID Ko sa labas.Hahaha E Ikaw Suarez? Sinusuka ka...walang umangkin sayo na Kamag anak ka nila.. Sino satin ang Mas kAwawa, ISA KANG LEGIT NA PEKE hahaa"
"Tang Ina mo ka Escobar!
Pagkasabi nito ay lumabas ito at nang ratrat ng baril, Nagbarilan kaming dalawa,
Nakita kong nahulog anG LOLLIPOP na bigay ni bata, Bigla kong naalala si Bata, Kumusta kaya sya.
Saktong aabutin ko ang nalaglag na lollipop ng Biglang lumitaw si Suarez, Nadaplisan ako sa tagiliran kung hindi ko dinampot ang lollipop malamag tinamaan ako sa katawan ng husto ngunit dahil yumuko ako ay daplis lamang ito, pagyuko ko at syang pagbaril nya ay syang diretsong pagtumbling ko sabay Ratrat kaya tinamaan sya, Dahan dahan syang bumagska at nangisay.
Nilapitan ko sya, at kita ang paghihingalo.
"PANO BA YAN SUAREZ, ISANG PIPITSUGING ANAK SA LABAS lamang pala ang PAPATAY SAYO!
ADIOS hinihintay kana ni Satanas sa Impyerno."
Saad ko sabay nang tuluyang pagkamatay ni Suarez,
Dumating na ang Back Up, at chinecheck ang mga bangkay sa loob.
Dumating din naman ang mga kabaro ko at inalalayan din ako, Dumudugo rin kasi ang tama ko.
Samantala
Kasalukuyan kaming nag lilinis at nag Aasikaso parin, pero tila kinakabahan ako ma di ko alam.
Hangang sa lapitan ako ni Sir Hyde.
"Reign, Ok ka lang? Parang ang layo ng Iniisip mo? May problema ba?
"Ahh..Naku wala po sir ayos lang po ako sir hyde"saad ko rito.
"Ahm, ok akala ko kasi may problema.
"Ah eh naku sir wala po.
"Good sige na ituloy nyo na yan malapit na mag tanghali,Im sure magiging success itong event nyo maraming bata ang excited.
"Opo nga sir Hyde."
Itinuloy na namin ang pag Aayos ngunit di parin mawaglit sa isip ko si Major, kumusta kaya sila.
Hangang sa Di ako nakatiis kumuha ako ng Juice at Tinapay at inabot sa dalawang kabaro na pinadala ni Major.
At narinig ko ang usapan nila.
"Pre, Ilan daw sa kanila ang may Tama,Ang dami daw palang kalaban, Doble sa ine expect nila,pero buti nga at napatay rin nila lahat.
"Oo nga pre, Huli daw naglaban si Major escobar at Si Suarez.
"May Tama daw si Major Ah.. Ewan lang kung malala pero may tama rin daw, pero sya rin ata tumapos kay Suarez"
Yan ang usapan na narinig kobsa dalawang kabaro nya.
"Ahm mga Sir..meryenda po muna kayo" wika ko sabay abot ng meryenda.
"Salamat mam ganda..."
Wika nito sa akin.
"Ahm..Sir, Kumusta raw po sila Major?
"Success naman daw ang operasyon, pero marami rin ang may tama sa kanila, Pati si Major Escobar, di palang namin alam kung gano kalala.
Wika ng mga ito.
Tumango lamang ako saka nagpaalam.
Sana okay lang sya ..Sana hindi Grabe ang tama nya.
Nagsimula na ang pagdating ng mga bata pinaupo namin sila, may mga pa games din kasi kaming hinanda, sobrang nag enjoy sila, makikita mo ang saya sa mga mata nila.
Samantala...
Agad kaming Dinala sa Hospital upang magamot, kailangang i confine ang ibang kabaro ko dahil sa tama nila.
Kahit ako ay Sinabihan din na i confine pero ayaw ko, sinabi ko na lamang na gamutin at linisan ang sugat ko at ako na ang bahala sa bahay na lamang kako ako magpapahinga, basta sa mga oras na to may isang tao ako na gustong gusto kong makita, Kaya after ko gamutin at makapag pahinga ay nagpa drive ako kay Del rio at nagpahatid sa park kung saan ginaganap ang activity nila BATA.
Bumaba pero nag kubli muna ako pero tanaw na Tanaw ko sya sa pwesto ko Tahimik na tahimik ang mga bata at kinig na kinig sa kinuwento nya sa storybook.
Nangiti naman ako nang makita ko ang maamo nyang mukha, Himala parang matured kumilos si Bata ngayon., Napansin ko rin ang pag Titig sa Kanya ng lalaki na nasa Kanan nya, halos di maalis ang titig nito kay Bata..Sino kaya ang lalaking iyon.
Pinaabot ko naman kay del rio ang Chupachups na lollipop na binili ko para kay bata.
Tapos na syang mag kwento at kasalukuyan syang nasa Tent na tinayo nila at inaayos ang mga ginamit na Libro, Bigla naman syang natahimik at natulala after ayusin ng mga Books.
Nasa ganong moment sya ng bigla ako magsalita.
"Ehem...Bat ang lalim naman ata ng iniisip mo BATA."wika ko rito bahagya pa sysng nagulat at napatingin sa gawi ko, kita ko pa ang tila luha sa malungkot nyang mata.
Dun lamang nya napagtanto na ako ang nagsalita kaya Ngumiti sya at lumapit sa akin.
Evrens Pov
"Major Escobar! Okay ka lang?
Bakit andito ka? May tama ka raw? Masakit ba? Dapat nag papahinga ka!
Sunod sunod kong Tanong sa kanya
Nahinto lamang ako ng may Dumamping bagay sa Labi ko na nagpatahimik sa akin.
"Shhhh..Bata..Isa isa lang ang tanong, Dont worry heto ako buhay at malakas kaya kalma lang.
Wika nya saka Sinubo sa akin ang Lollipop na Dinampi nya sa labi ko,
Ngumanga naman ako at Tuluyang Sinubo ang lollipop na hawak nya.
Nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil ang lollipop na nasa aking bibig ay kinuha nya Saka nya naman sinubo at Nagbukas ng panibago para sa akin.
"Hala major, Bakit mo Sinubo..may laway ko na!"
"Well i dont care," wika nya saka ngumiti.," Malakas pa nga si Major, nakikipag bardagulan pa eh.
Inabot nya sa akin ang Isang kahon ng Chupachups kaya tuwang tuwa naman ako.
"Akin lahat to major?
"Oo sayo lahat"
"Wow ang dami, pwede ko bang i share sa mga bata?
"Its up to you Bata"
"Yey, thanks Major, Di ko alam pero bigla akong napayakap sa kanya, dahil siguro sa tuwa.
Nasa ganong moment kami ni major nang biglang dumating si Sir Hyde.
"Reign andito ka lang Pala kanina pa kita hinaha.......nap"
Wika ni Sir hyde na halos naputol ng makita kaming Dalawa ni major Escobar.
"Sir Hyde..opo inayos ko po kasi ang mg gamit. Ahmmm, Major Escobar si Sir Hyde po, instructor namin.
Ahm Sir Hyde, si Major escobar po.
Inabot naman ni Sir Hyde ang kamay nya at nagkamay sila ni Major.
"Nice to meet you Mr.Escobar.
"Nice to meet you too"
Wika nila sa Isat isa, pero tila may napansin ako sa Titig at hawak nila ng kamay, parang ang tigas pareho.
Hanggang sa ako na ang pumutol.
"Ahmm Ehemmm..masyado naman atang matagal kayo mag shakehands ano po " pagkasabi ko noon ay bumitaw na sila pareho.
"Ahm..Sige BATA mauna na ako, dinaan ko lang talaga yan for you."
"Salamat po major, ingat ka at get well"
"Salamat bata,
Wika nya saka lumakad palayo.
Naiwan naman kami ni Sir Hyde.
"Reign,Matagal na kayo magkakilala?"
"Hmmm hindi naman po"
"Ah..okay"
Pano tara na roon hinahanap ka na ng mga bata"
"Sige po sir Hyde"., Nakangiti kong tugon
At pagdating roon ay binahagi ko sa mga bata ang lollipop bago sila mag si uwi at labis naman ang tuwa nila sa iba pang simpleng regalo na natangap.