APPROVE NA ang sixth novel ni Ethel. Muli silang nag-celebrate ni Denim. Ito pa mismo ang nagluto at nagpakain sa buong shop. Ang sabi pa nito'y sa book signing niya ay susuportahan siya nito. Taga-masahe daw ng kamay niya kapag pagod na siyang pumirma. Tawa siya ng tawa rito. Gayunman, labis din niyang ikinasiya na ayaw nitong lumuwas siya ng magisa. Importante daw na may makasama siya Sa ngayon ay sinisimulan na rin ni Denim ang paghahanap ng murang supplier ng gold. Nitong huli ay hindi sila nito madalas magkita dahil lagi itong nagbibiyahe. Gayunman, lagi pa rin ito tumatawag para alamin ang kalagayan niya. Pero iba pa rin kapag nasa shop lang ito. Nami-miss na tuloy niya ito dahil tatlong araw na itong wala. Nasa kalagitnaan na siya ng ikapitong libro niya nang magulat na lamang siy

