"Tama ba itong ginagawa ko?" ani Ethel at pilit na inaayos ang maong na tela sa isang thumb ring. Gusto niyang masubukang maglinis. Kahit mahirap iyon at masakit sa kamay ay hindi siya nagpapigil. Aba'y gusto rin naman niyang makatulong sa hanap buhay ni Denim. Naupo ito sa tabi niya at sa pangatlong pagkakataon ay muli siya nitong tinuruan. "Ang kulit mo talaga. Hindi ka pa naman sanay, baka magpaltos ang daliri mo. At bakit mo inalis ang mask mo? Proteksyon mo 'yan sa silver dust, eh." Angal nito sa kanya. Natawa siya sa nakitang pagaalala nito. "Hindi kasi ako makahinga. Den's... Gusto ko lang naman matuto. Sige na, please?" Napabuntong hininga ito. "Okay. Pero huwag mong aalisin 'yan, ha?" "Okay," malambing niyang sagot para alisin ang pagaalala nito at nagtagumpay siya. Nawala na

