AGAD NA siniil ng halik ni Denim si Ethel at tila nilukob na sila ng isang uri ng mahika. Lahat ng tumatakbo sa isip niya ay tila natunaw na tulad sa isang yelo at ang tanging nais ng puso niya ay makapiling pa ito. Ah, halik pa lang ay hindi na matawaran ang reaksyon ng kanyang katawan.
Saglit siyang tumigil at pinagmasdan ang maganda nitong mukha para siguraduhing tunay nga iyong nagaganap. Tila inuudyukan siya ng mga mata nitong magpatuloy at nilukob ng kakaibang init ang puso niya. Dahil doon ay kusang kumilos ang kamay niya sa batok nito upang muli itong hagkan. Nang magtagpo ang kanilang labi ay nais niyang dahan-dahanin ang lahat... namnamin ang bawat sandali...
"Ethel..." anas niya sa pagitan ng kanilang mga labi.
"Den's... Denim..." anas din nito at lalo siyang naginit sa tono nitong ubod suyo kaya naging mapaghanap ang labi niya. Dahan-dahan siyang bumaba para tumbukin ang leeg nito.
Lalong nagningas ang init ng masamyo niya ang bango nito. Nakakabaliw. Nakakapaglagablab ng damdamin. At dahil hindi niya gustong doon gawin ang lahat, agad niya itong dinala sa silid. Maingat niya itong inihiga sa kama habang magkasanib ang mga labi nila. Gusto pa rin niyang gawin iyon sa silid nito... sa kung saan nakadikit din ang mga bango nito sa mga unan nito...
Isa-isa niyang inalis ang mga saplot nila sa katawan. Nang madama niya ang init nito sa balat niya ay lalo siyang nadarang. Aaminin niyang kakaibang ligaya ang hatid noon sa puso niya at hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon na paligayahin ito. Pinagigi niya ang paghalik dito mula leeg papuntang dibdib nang walang halong pagmamadali.
"Ethel..." anas niya.
"Hmm... Denim..."
Pinagigi pa niya ang paghalik sa dibdib nito at hindi lang minsang napaliyad ito. Naging mapagsaliksik ang kamay at labi niya. Base sa mga ungol nito ay tama ang ginagawa niya kaya sumige lang siya hanggang sa makarating sa ibaba nito. At nang madama niya kung gaano katindi ang reaksyon ng katawan nito sa lahat ay nakaramdam siya ng kaligayahan... dahil nagawa niya itong paluguran...
"Den's... Den's... hmm..."
Lalo pa niyang pinagigi ang paglalaro ng daliri doon at hindi lang iisang beses itong mapapabangon. Hinalikan niya ito upang kumalma hanggang sa muli niyang tinumbok ang p********e nito. Ginawa niya ang lahat para muling paligayahin ito hanggang sa makita niya ang ebidensya at napaungol na lamang ito sa kaluwalhatian.
Sinalubong nito ang labi niya hanggang sa nais na rin niyang madama ang buong init nito. Dahan-dahan niya itong sinakop. Nahirapan siya noong una pero naging maingat pa rin siya hanggang sa nadama ang buong init nito. At kahit dama niyang hindi siya ang unang lalaki sa buhay nito ay wala siyang pakialam.
"Den's..." anito at inawat niya ito. Halatado sa mukha nitong nais magpaliwanag pero kinintalan niya ito ng magaang na halik sa ilong.
"Ethel... walang nagbago sa pagtingin ko sa'yo..." anas niya. Namasa ang mga mata nito at hinalikan niya ito ng matagal. Gusto niyang madama nito na hindi iyon magiging problema... hindi iyon magiging kabawasan sa pagmamahal niya rito...
Marahil, sadyang ganoon ang bagay na iyon. Hindi siya sumuko dito. Hindi siya matatahimik hangga't hindi ito napapangiti, hangga't wala siyang nagagawa para sa ngiting iyon. Noon pa man ay inamin na niya sa sariling si Ethel lang—at wala ng iba pa ang maaaring makapagparamdam sa kanya ng ganoon.
Kusa na ring kumilos ang katawan niya para angkinin ito. Dahan-dahan hanggang sa tuluyan ng nagiba ang tono ng kilos nila. Ibinaon nito ang mukha sa balikat niya at niyakap niya ito ng mahigpit. Lalo niyang binilisan ang ungos at tila musika sa pandinig niya ang paulit-ulit nitong pagtawag sa pangalan niya. Iba-ibang tono man, kakaiba pa ring ligaya ang dala noon sa puso niya.
Ilang beses niyang pinigilan ang sariling marating ang rurok hanggang sa muli niyang madama na narating nito ang sariling kaluwalhatian. Doon naman niya nadamang malapit na rin siya. Kumilos din ito sa ilalim niya. Malaking tulong iyon sa parte niya hanggang sa narating niya ang sariling rurok. Sinelyuhan niya iyon ng isang mainit na halik.
Niyakap siya nito ng mahigpit at dama niya sa yakap nito na ayaw nitong mahiwalay sila. Gumanti rin siya ng yakap dito at nagtagal pa sila sa posisyong iyon. Ilang sandali pa ay maingat siyang kumalas dito at kinumutan ito. Saglit siyang napatitig dito dahil nakatitig lang ito sa kisame. Hinalikan niya ito sa noo.
"May masakit ba?" masuyo niyang bulong dito at malambing na hinaplos ang pisngi nito.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Wala... napagod lang ako,"
Napangiti siya at ikiniskis ang ilong sa pisngi nito. Nagpakawala ito ng mabining hagikgik at uminit ang puso niya. Nakapasarap kasi iyong pakinggan. Malambing itong umunan sa dibdib niya at inayos niyang maigi ang kumot sa likuran nito para huwag itong malamigan.
"Den's..." anas nito.
"Yes, baby..." anas niya saka ito hinalikan sa labi. Tinitigan niya ang mga mata nito para hintayin ang sasabihin nito.
"Higpitan mo naman 'yang yakap mo..." lambing nito.
Tumalima siya. Napangiti siya ng isubsob pa nito ang mukha sa dibdib niya hanggang sa makatulog ito. Pinigilan niya ang sariling gupuin ng antok dahil tinitigan pa niya ang maamo nitong mukha. Nang tawagin siya nito sa pagtulog ay napangiti siya. Ah... langit talaga ang sandaling iyon...
"IKAW BA ang naamoy ko o iyang niluluto mo? Ang bango, ah," ani Denim. Natawa na lamang si Ethel nang yakapin siya nito mula sa likuran saka hinalikan ng matagal sa gilid ng leeg. Ang lalaking itong talaga, napakalambing. Ganoon ito sa kanya sa tuwing may pagkakataon at siya naman ay tuluyan ng siyang sumuko sa lahat ng iyon.
Tinotoo nito ang sinabi nito. Magmula ng may mangyari sa kanila at matuklasan nitong hindi ito ang unang lalaking sa buhay niya ay walang nagbago sa pakikitungo nito. Kahit wala silang pormal na usapan ay nandoon pa rin espesyal na pakikitungo nito sa kanya. At kung may nagbago man, mas lalo lang itong naging malambing at maasikaso sa kanya.
Hindi pa rin nito nakakaligtaang magbigay ng bulaklak sa kanya at sa pagkakataong iyon, ito na mismo ang nagbibigay sa kanya bago ito pumasok. Kinikilig na lamang siya dahil sa pagdating nito'y mayroon ulit na bulaklak. Kinukumusta ang araw niya at ang nobela niya. Kadalasan ay binibigyan din siya nito ng mga libro para magkaroon ng reference. Suportado siya nito at binibigyan siya nito ng sapat na panahon para sa pagsusulat niya. Natatawa na lang siya dahil nang matapos niya ang book six na pinamagatang The Lonely Nymph at lumabas ng lungga ay tila sabik na sabik ito sa kanya. Kung makaasta ay tila napakatagal na panahon silang hindi nagkita.
Siya naman ay sobrang kilig sa lahat ng iyon. Bakit naman hindi? Aba'y ayaw na niyang magpaalila sa takot ng mga negatibong damdamin at nitong mga huling araw ay tila hindi na niya iyon alintana. Si Denim na lamang ang nasa isip niya at kung paano magagantihan ang lahat ng paglalambing nito.
"Malamang itong kaldereta," aniya rito at napangising humarap dito. Katatapos lang ng trabaho nito sa shop at tamang-tama lamang sa hapunan. "Paborito mo ito, 'di ba?"
Napangiti ito at tinitigan ang mukha niya. "Ang ngiti mo ang paborito ko. Alam mo bang ang saya-saya ko sa tuwing nginingitian mo ako?"
Napangiti na siya at malambing itong niyakap sa baywang. Paano siya hindi ngingiti kung ganitong klaseng lalaki ang nakakasama niya? Gayunman, sa kabila ng lahat ay dinagsa siya ng matinding alalahanin. Hindi magiging patas kay Denim kung hindi nito malalaman ang lahat ng nakaraan niya. Marahan siyang kumawala dito at tinitigan ito.
Nagkaroon ng bara ang lalamunan niya ng masalubong ang mga mata nito. Parang gusto niyang ilihim ang tungkol sa kalusugan pero sa huli'y naisip niyang gawin ang tama. Baka umasa ito at sa huli'y magalit ito sa kanya. Nakadama siya ng takot pero nilakasan niya ang loob.
"May problema?" marahan nitong tanong at napuno ng lambong ang mga mata nito, na tila nais nitong basahin ang takbo ng isip niya.
Napalunok siya. "May... may kailangan kang malaman, Denim..."
"Okay..." marahang udyok ni Denim. Hinawakan nito ang mga kamay niya at iginiya siya nito sa silya. Matiyaga itong naghintay sa mga sasabihin niya.
Huminga siya ng malalim at sinabi ang lahat ng pinagdaanan niya sa ama at sa pagkamatay ng ina niya. Nangilid ang luha niya dahil nakadama siya ng takot. Kailangan nitong malaman kung bakit sila hindi nauwi sa happy ending ni Renan...
"M-may naka-live in ako, Denim... si Renan..." mahinang saad niya saka napahinga ng malalim para humugot ng lakas ng loob. "Nagkahiwalay kami dahil... dahil nahirapan akong bigyan siya ng anak..." napaiyak na siya sa pagkakataong iyon dahil sa takot na nadama. Gayunman, pinilit pa rin niyang pakalmahin ang sarili. "Denim... ang sabi ng ob-gyne ko magkakaanak pa ako pero mahirap. Polycystic ovary ang case ko. Akala ko, simpleng menstrual disorder lang iyon kaya hindi ako nagpapa-checkup pero nagtaka ako kung bakit hindi ako nabubuntis. Noong magpa-checkup ako, ipinaliwanag sa akin ng doctor na rason iyon para hindi ako ma-fertile... P'wede pa naman daw akong magkaanak pero mahirap at matagal na gamutan. Mukhang na-dis-appoint si Renan at... sa huli... iba ang nabuntis niyang babae..."
"Nakabuntis siya habang kayo pa?" pigil na pigil na tanong nito at halos hindi makapaniwala.
Nang tumango siya rito ay napamura ito. Lumubog ang puso niya sa reaksyon nito at natakot siyang sa pangapat na pagkakataon ay masasaktan na naman siya sa ginawa niyang pagtatapat. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy. "Den's... maiintindihan ko kung ngayon palang, lalayuan mo na ako... ayokong dumating tayo sa ganoon," nalulungkot niyang saad dito. Doon niya napatunayang mahal niya ito. Hindi niya gugustuhing masama ito sa kalagayan niya. Tama ng siya na lamang ang magdusa, huwag lamang ito.
"Ano?" anitong tila hindi nagustuhan ang mga sinabi niya saka tila inis na napabuga ng hangin.
Nanikip ang dibdib niya at napapikit siya para ihanda ang sarili sa panlilibak nito sa kakulangan niya. Nang wala siyang narinig aynapatingin siya rito at napalunok siya ng makitang titig na titig ito sa kanya. Mayroong sakit, pait at galit sa mga mata nito. Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin iyon.
"Ethel..." Mahina itong napamura dahil nakita nitong hilam na siya ng luha. Lumambot ang mga mata nito at pinunasan nito ang pisngi niya saka ikinulong ang mukha niya sa palad nito. "Hindi ko masikmura kung paano ka niya nagawang iwanan sa ere sa kabila ng pinagdadaanan mo... putsa..." anitong sa hirap na hirap na tinig. Napailing ito sa labis na lungkot at sakit.
Napakurapkurap siya dahil hindi niya inaasahang marinig iyon dito, lalo na ang tila nasaktan ito para sa kanya. "D-denim..."
Napabuntong hininga ito at inalalayan siya nitong makaupo sa kandungan nito. Niyakap siya nito sa baywang at matagal na hinalikan ang balikat niya. "Please, ayoko nang marinig na itinutulak mo akong palayo sa'yo, ha?"
Napamaang siya rito at masuyong ngumiti ito sa kanya. Napalitan na ang mga emosyon sa mga mata nito. Pawang pagmamahal, respeto, sinseridad at pangunawa ang nandoon at doon pa lang, nalulunod na ang puso niya. "P-pero Denim..."
"Baby... kahit hindi tayo magkaanak, magiging masaya pa rin ako dahil kasama kita. Handa na ako sa lahat bago mo pa nasabi 'yan. Kahit na ano pang problema, hindi kita bibitawan at hindi magiging kabawasan sa pagmamahal ko sa'yo ang kalagayan mo."
Parang mayroong mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Napaiyak na siya ng sandaling iyon dahil damang-dama niya ang sinseridad nito. "M-mahal mo ako?" umiiyak na paniniyak niya.
Namamanghang napatitig ito sa kanya hanggang sa natawa ito. "Wow... ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ko ito ginawa at hindi ako nagsawa na sinusungitan mo?"
"P-pero... mamahalin mo pa rin ako pagkatapos ng mga narinig mo?" naiiyak niyang tanong dito. Ang bilis-bilis na naman ng t***k ng puso niya.
Tinitigan siya nito sa mga mata at determinadong tumango. "Mamahalin kita kahit ano ka pa. Kung papayag ka... gawin na nating pormal ang lahat. Kung gusto mong magpagamot, susuportahan kita pero ngayon palang, dapat mong malaman na kahit hindi tayo magkaanak, kuntento pa rin akong aalagaan ka at mamahalin," anito na punong-puno ng pakiusap ang mga mata.
Tuluyan na siyang napahagulgol. Napayakap na siyang tuluyan dito at lahat ng agam-agam niya sa puso ay natunaw na. Binigyan siya nito ng sapat at solidong dahilan para muling magmahal.
"Oo, Denim... pinapayagan kita sa lahat... thank you..." anas niya at natawa ito ng mahina.
"Hindi, Ethel... salamat dahil nagtiwala ka sa akin at naiintindihan kita... Nakakabigla para sa akin na sinolo mo ang lahat ng problema... masakit para sa akin na malamang nahirapan ka... na wala ako noong panahong 'yon para makatulong sa'yo. Pero ngayon naman ang importante, 'di ba? Magiging masaya pa rin tayo, Ethel..." pangako nito sa kanya.
Tunaw na tunaw ang puso niya. Napakabuti nito at labis siyang nagpapasalamat dahil dumating ito sa buhay niya. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Denim... maraming salamat pa rin sa lahat..." anas niya.
"Magsimula tayo. Ikaw? Mahal mo rin ba ako?" tulad ng boses nito, ang mga mata nito'y nagsusumamo rin.
Natawa na siya habang naiiyak pa rin. "Oo... ang kulit mo kasi, eh..." amin niya rito. Hindi na siya nahihiya dahil totoo iyon sa puso niya at iyon ang ibinubulong nito. Sumuko na siya sa lahat ng iyon. Lumiwanag ang mukha nito at niyakap siya ng mahigpit. Tinugon din niya ang yakap nito at agad niyang nadama ang kakontentuhan.
"Baby, panoorin natin 'to. Makakuha ka ng magandang ideya dito."
Napangiti si Ethel ng ipakita ni Denim ang cover ng dvd ng TV series na Supernatural.
Kasalukuyan silang nasa video shop sa mall at ito pa ang nagsuhestyon noon. Consistent ang pagiging supportive nito sa kanya. Pormal na rin siyang naipakilala nito kay Lola Constancia bilang nobya nito at labis itong natuwa. Mukhang botong-boto ang matanda sa kanya.
Naging maganda ang takbo ng relasyon nila sa paglipas ng mga lingo. Bagaman wala namang nangyayari sa kanila sa tuwing matutulog ito sa unit niya at nagkukuwentuhan lang sila nito ng magdamag ay kuntento na siya. Panay din ang lambing nito at panghaharot. Tuloy ay napupuyat siya kakatawa rito.
"Bili din tayo ng popcorn, ha."
Agad itong tumango at nagbayad na sila. Pagdating nila sa bahay ay agad nilang pinuntahan ang matanda. Naaliw siyang pagmasdan ang maglola. Hinahangaan din niya si Denim dahil nakakabilib ang pagmamahal nito sa matanda.
Nang magpaalam ang matanda ay bumaba na sila at nagpahinga. Nagising na lamang siyang naamoy ang niluluto nitong popcorn at agad siyang bumangon para puntahan ito. "Ang bango naman..."
Natawa ito dahil niyakap niya ito at inilubog ang mukha sa likuran nito. Katawan nito ang sinasabihan niyang mabango dahil totoo iyon. Gustung-gusto niya ang amoy nito. Lalaking-lalaki pero malinis, idagdag pa ang init ng katawan nito. Hay, parang gusto na lamang niya itong yakapin.
Humarap ito sa kanya saka siya hinigit palapit dito. "Mas mabango ka,"
Napatili na lamang siya dahil agad nitong inilubog ang mukha sa gilid ng leeg niya. Tayung-tayo na ang balahibo niya sa katawan! "Nakikiliti ako!"
Agad na siyang tumakbo palayo rito pero hinabol siya nito. Tawang-tawa siya dahil nagikutan lang sila nito sa mesa at napatili siya dahil muntik na siya nitong maabot! Agad siyang tumakbo papuntang sala pero nayakap na siya nito sa baywang. Mabilis siya nitong naiharap saka siya siniil ng halik.
Ah... isang makatunaw na butong halik iyon. Mapaghanap at nanunukso. Nakuha nitong saliksikin agad ang labi niya. At bago pa siya madala ay agad niyang tinapos iyon para tudyuhin ito. Natawa siya dahil napasimangot ito. Mukhang bitin na bitin! Ang sarap din palang bitinin nito! "Mukhang gusto mong umangal," kantyaw niya rito.
"Oo naman!" angal nito. "Sige na. Halikan mo pa ako..." ungot nito.
Napahalakhak siya. "Ayoko!"
Naitukod na lamang niya ang dalawang palad sa dibdib nito dahil hinigit siya nito sa baywang. Kapwa na sila ngumingiti sa pagkakataong iyon at nagtitigan. "Kahit makiusap pa ako?" lambing nito at ang puso naman niya, nagpapalambing! Letsugas naman kasing mga mata ni Denim, hindi tuloy niya mapanindigang tudyuhin ito.
"Okay. Makiusap ka pa..." demand niya rito.
"Please... baby..." anitong nagsusumamo.
Napahagikgik siya. Ginawaran niya ito ng masuyong halik. Agad namang pinalalim ni Denim iyon. Niyakap niya ito sa batok saka lalong napasandig dito kaya dama niyang nagkatapat ang mga puso nila.
"Tama na 'yon," anas niya sa pagitan ng mga labi nila. Napangiti siya ng makitang halos nakapikit pa si Denim, na tila hinihintay pa nitong maglapat ang mga labi nilang muli. "Wala kang kasawaan, alam mo ba 'yon?" natatawang komento niya rito.
"Oo naman," anito saka marahang dinampihan ng daliri nito ang labi niya. "Kaya kitang halikan ng buong taon... kahit tumanda na tayo... kahit tayong dalawa lang, Ethel. Hindi ako magsasawa."
Natunaw ang puso niya sa sinabi nito. Sa lahat ng kasimplehang iyon, lahat-lahat ng aksyon nito—ay nagagawa na nitong paligayahin ang puso niya. Nang mamasa ang mga mata niya ay niyakap niya ito ng buong higpit. "Salamat, baby..."
Bahagya itong natawa. "Wow... ang sarap naman! Ngayon mo lang akong tinawag ng ganoon..."
Naginit ang puso niya dahil sa kaligayahang nadama niya sa tono nito, na na-appreciate nito ang sinabi niyang endearment. Wala na siyang mahihiling pa sa lahat ng iyon dahil si Denim mismo ang nagkumpleto ng lahat ng pangarap niya.
Ilang sandali pa ay nanood na sila. Hindi niya mapigilang maya't maya itong tingnan hanggang sa napahalakhak ito.
"Parang ang guwapo ko kapag ganyang puro ka ligaw-tingin." Biro nito.
"Guwapo ka naman talaga. Hindi naman ako pipili ng pangit," sakay niya rito pero totoo pa rin iyon. Guwapo ito sa paningin niya. Aba'y Hollywood actor pa ang kamukha nito. Waging-wagi siya kung tutuusin. Kaya hindi rin niya masisisi ang ilang babaeng nais magpapansin dito.
"Totoo ba ito? Pinupuri mo na ako ngayon?" anitong biglang-bigla at napahalakhak na rin siya dahil tama ito. Pero wala na rin namang rason para itago pa niya ang paghanga rito.
"Masama?"
Bigla siya nitong dinaluhong. Napahalakhak na lamang siya ng kilitiin siya nito. Nang matigilan ito ay napangiti siya. "Suot mo na 'yung kwintas," anas nito dahil nasalat nito ang leeg niya.
Ngumiti siya ng makita ang labis na kaligayahan sa mata nito. "Kanina pa, hindi mo lang agad nakita. Gusto ko siya. Ang galing talaga ng boyfriend ko," amin niya rito.
"Ang sweet naman ng girlfriend ko. Pangako, ikaw lang ang paghihirapan kong gawan ng ganyan, baby."
Wow... talagang tinutunaw siya ng lalaking ito. Hinaplos niya ang mukha nito at nakadama siya ng kiliti sa naghalong init ng palad niya at mukha nito. Nang halikan nito ang palad niya ay napangiti siya. Hawak niya sa palad niyang iyon ang kaligayahan niya, si Denim.
ފwX"