CHAPTER 5

2701 Words
"PARE, KANINA pa tumitingin dito si Ethel. Bakit hindi mo pinapansin?" untag ni Wryle kay Denim. Lumukso ang puso niya ng marining ang pangalan ng babae at lihim na napasulyap sa terrace nito. Nagbabasa ito ng libro at maya't maya nga itong tumitingin sa shop. Ilang araw niya itong hindi inistorbo. Naisip niya, marahil ay nakukulitan na ito sa kanya kaya binigyan niya ito ng sapat na panahon para makapagisip. Gayunman, sa kabila ng nangyari ay tao pa rin siyang marunong magdamdam. Pero handa pa rin siyang suyuin ito. Hahanap na lang siya ng magandang pagkakataon. Kahit ilang beses siguro siyang ma-basted, sa huli'y babalikan pa rin niya ito dahil ito pa rin ang babaeng gugustuhin niya. Doon niya napatunayan na malalim ang naging pagtingin niya rito dahil hayun siya, nababaliw pa rin kakaisip ng paraan paano mapapalapit dito. "Lapitan mo na kaya? Magkaka-stiff neck 'yan, sige ka," panakot ni Xavier sa kanya. "Pare, noong isang araw, tuwing dadaan ako, tinatanong ka niya. Baka naman may gustong sabihin? Hindi ko lang masabi dahil mukhang bad trip ka. Ilang araw ka ng hindi nakikipagbiruan sa amin," ani Wryle. "Sigurado ka?" pasimpleng tanong niya pero lihim siyang natuwa. Mukhang hinahanap-hanap din siya ng babae. Sa isang simpleng aksyon nito ay gayun na lamang ang ligaya niya. Ewan niya ba kung bakit pagdating kay Ethel ay nagiging mababaw siya. "Oo. Siguro nami-miss ka na rin niya. Naks!" biro ni Wryle. Napailing na lamang siya sa mga ito at hindi nagpahalatang sumikdo ang puso niya sa ideyang iyon. Nasabik siya at para naman hindi siya magmukhang atat sa mga ito'y nagpalipas muna siya ng sandali bago inayos ang sarili. Ilang sandali pa ay lumabas na siya. Nagbabasa pa rin si Ethel pero halatado ang pagkainip sa mukha. Kunot na ang noo nito at nang mapatingin ito sa kanya ay lumiwanag ang mukha nito saka napatayo. Ah... ilang gabi niya bang pinangarap ang sandaling iyon? Na siya ang magiging dahilan ng pagaliwalas ng mukha nito? Gayunman, hindi siya nagpahalatang may dating iyon sa puso niya. "Ahm... Den's..." Wow... Den's?Ang sarap pakinggan noon! Parang matagal na sila nitong magkakilala at sanay na ito sa kanya. Labis siyang natuwa doon. "Bakit?" seryosong tanong niya saka lumapit dito. Nayakap nito sa dibdib ang libro at tila naging alumpihit. Halatadong naapektuhan ito sa presensya niya. Bahagya na itong namumula at hindi kumportable. Hindi tuloy niya maiwasang mamangha na may kakayahan din pala siyang maapektuhan si Ethel ng ganoon. "Sabi ni Wryle, hinahanap mo raw ako. May kailangan ka ba?" Mukhang nalito ito at pinag-ti-tripan ang libro hanggang sa marahan niyang kinuha iyon at hinagilap ang mga mata nito. Kumibot-kibot ang labi nito, dumagundong naman ang puso niya sa pananabik hanggang sa kinagat nito ang ibabang labi. "Huwag mong kagatin 'yan sa harapan ko at iba ang tumatakbo sa isip ko." Mahinang amin niya rito dahil hindi nito alam kung gaano siya naapektuhan. Naiisip pa naman niyang siya sana ang kumakagat doon... naipilig niya ang ulo sa naisip at muling itinuon ang atensyon dito. Nilubayan nito ang labi at lalong tumindi ang pamumula nito. "Bakit mo ako hinahanap..." ulit niya sa tila napiping babae. Sa kauna-unahang pagkakataon, tila nawala ang pagiging Gabriela Silang na tapang nito at naging kimi. "G-galit ka pa rin ba sa akin?" alanganing tanong nito. "Tao lang naman akong nasasaktan, Ethel," amin niya rito. "P-pasensya ka na sa nasabi ko..." nahihiyang hingi nito ng paumanhin at napayuko. Ilang beses itong huminga ng malalim na tila nagiipon ng lakas ng loob hanggang sa tinitigan siya. "Ginawan kita ng salad kaya huwag ka ng magalit..." Napamaang na lamang siya ng pumasok ito at agad ding lumabas. Mukhang nakahanda na talaga ito at inilapag iyon sa center table ang buko salad. Hindi siya makapaniwalang naupo nang muli itong pumasok. "Tinanong ko si lola kung ano ang paborito mo. Sana magustuhan mo," Naginit ang puso niya. Inalam pa talaga nito iyon? Biglang gusto niyang sumigaw sa saya! Habang naninikip ang dibdib ay pinanood lang niya itong pinagsilibihan siya. "Huwag ka na sanang magalit. Ano ba ang gusto mong hapunan? Ikaw naman ang ipagluluto ko para naman makabawi ako sa nasabi ko..." "Ngitian mo na lang ako," simpleng hiling niya rito. Kahit huwag na siya nitong pagsilbihan. Ang importante sa kanya'y makita lang ang ngiting hindi pa niya nasasaksihan, magiging okay na siya. Iyon lang ang gamot niya sa lahat ng tampo niya. Namula ang mukha nito at nagiwas ng tingin. Nakatitig kasi siya kakahintay hanggang sa natawang napailing ito sa kanya. Nabigla siya! Hindi lang ito ngumiti, tumawa pa! Lalo nitong naging hawig si Kirsten Dunst. Lumitaw ang malilit na biloy nito sa magkabilang pisngi katulad sa actress. Ah... tunaw na tunaw ang puso niya. "Ethel... lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka..." buong paghanga niyang pahayag dito. Pinalo siya nito sa braso at natatawang napailing ito sa kanya. Lalong tumindi ang pamumula nito. Halatadong hindi ito sanay na pinupuri. "Kumain ka na nga lang," "Na-miss mo ako, ano?" lambing niya rito. Gusto niyang bumawi sa ilang linggong hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Tumahimik ito pero alam niyang tanda iyon ng pagamin nito. Halatang-halata dahil namumula na ang leeg nito sa pagkakailang! May naglalarong ngiti din sa labi nito. Nakaramdam siya ng kakaibang kaligayahan. Nakuntento na siya sa pananahimik nito dahil dama naman niya ang kasagutan. "Kumain ka na, ako na lang ang tinitingnan mo... mamaya matunaw na ako," "Ang sarap mo kasing tingnan," amin niya rito. Habang tumatagal itong tinitingnan ay lalo pa itong gumaganda sa paningin niya. "Ikaw talaga... sige na, kumain ka na lang," anitong hiyang-hiya. Napangiti siya at maganang kumain. Kung kinikilig ito ay ganun din siya. Aba, sa pangarap niya lang iyon naiisip pero nangyayari na. Sino'ng hindi sasaya sa ganoon? Lalo siyang nasiyahan dahil nagustuhan niya ang ginawa nito. Nagkuwentuhan sila nito at kinulit niya ito sa librong isinusulat nito. Nang sabihin nito iyon ay nagkandasamidsamid siya sa pagkabigla! "I-Ikaw si E.W. Vizz?" "Ethelweiss Vizcarra talaga ang pangalan ko. Short cut lang un E.W. Vizz, ang publishing ang nag-suggest noon," anito habang namumula ang pisngi, mukhang hindi sanay na ipinangangalandakan ang bagay na iyon. "Wow... magpapa-autograph ako, ha. Hindi p'wedeng hindi," Bilib na bilib siya lalo dito! At dahil sa nakikitang kababaan ng loob nito ay lalo niya itong hinangaan. Iyon ang pinagkwentuhan nila hanggang sa abutin sila ng gabi. "Dito ka na kumain, ha?" Parang Christmas! Tumango agad siya rito. Gustong-gusto pa naman niya itong makasalo sa pagkain. Pakiramdam niya, ang mga ganoong klaseng pagkakataon ay parang mas maglalapit sa kanila. Napahinga siya ng malalim dahil sa labis na galak ng puso niya. "ANO KA ba? Maupo ka na lang doon at manood ng TV. Ako nang bahala dito sa kusina," ani Ethel kay Denim. Nais kasi nitong ito pa ang maghugas ng pinagkainan nila. Siya naman ay nagpapahinga muna para sa susunod na nobela niya. Naghihintay na lamang muna siya ng resulta. Katatapos lang nilang maghapunan. Halos magdadalawang Linggo na sila nitong magkasundo at natutuwa siya dahil nakikita niyang naa-appreciate nito ang mga niluluto niya rito para makabawi. Pakiramdam niya ay malaki ang utang niya rito dahil sa nagawa. Bukod pa doon, ginagawan din niya ito ng meryenda at hindi na niya pinapansin pa ang panunudyo sa kanila sa shop. "Gusto lang naman kitang tulungan," "Maghapon ka sa tunawan, baka mapasma ka," Napangiti ito. Uminit naman ang puso niya at sadyang masarap sa pakiramdam na makita itong ganoong muli. Magmula ng mangyari ang insidente sa palengke at hindi na siya nito pinagpapansin ay hindi na siya mapakali. Lagi itong tumatakbo sa isip niya at ang sama ng loob nito hanggang sa nagdesisyon siyang gumawa ng hakbang. Aminado siyang mali niya at hindi naman siya ganoon kasama. Alam niya ang pakiramdam ng nasaktan kaya hindi niya maatim na siya mismo ang gumawa noon dito. "Ang sweet mo naman," komento nito. Ang mga mata nito'y kumukutikutitap sa tuwa. Napahagikgik siya. Hayan! Hinayaan na niya ang sariling kiligin sa banat nito. Napapagod na siyang sikilin ang damdaming iyon kaya letsugas! Binibigyan na niya ng permiso ang sariling kiligin ng bongga. "Sweet na agad 'yon?" balik niya rito habang pinupunasan ang tiles ng lababo. "Hindi ba p'wedeng concern lang?" Lalo itong napangiti. "Mas lalong sweet 'yon. Mahahalikan talaga kita kapag ganyan ka," Nasabik siya. Aba'y sino namang hindi masasabik kung ganito ba naman kaguwapo ang magtatangkang halikan siya? Gayunman, hindi siya nagpahalata. Bilang ganti sa harot nito'y iningusan na lang niya ito saka nagpauna sa terrace. Naging paborito na nilang tambayan iyon matapos ang hapunan. Inalalayan siya nitong makaupo sa baluster saka ito tumabi sa kanya. Kapwa lamang sila tahimik hanggang sa magkatinginan sila. Sabay pa sila nitong natawa! "Ano'ng nakakatawa?" natatawang tanong niya rito pero kilig na kilig ang puso niya sa moment na iyon. Tipong mga puso lang nila ang nagpapakiramdaman. "Masaya lang naman ako dahil hindi na kita nakikitang malungkot. Ikaw? Bakit ka naman tumatawa?" Kasi... kasama kita... piping usal ng puso niya pero hindi niya magawang isatinig. Syemay! Nahihiya siya to the highest level! "Masaya ako dahil... mukhang hindi ka na galit," Lumambot ang mga mata nito. "Hindi naman ako nagalit. Nasaktan lang pero tapos na 'yon. Nakabawi ka na. Paulit-ulit mo ba naman akong ngitian? Wala na, tunaw na lahat," Ay! Nahimatay ang puso niya! Kilig na kilig siya at napakahirap para sa kanyang sikilin iyon. Ilang beses siyang napakamot ng ulo at umastang cool pero letse! Ang hirap! "Alam mo, ang bait-bait mo. Bakit ganyan ka kabait?" aniya ng makabawi. Napakamot ito ng ulo at tila nahiya. Mukhang hindi ito sanay na pinupuri ng ganoon. Lalo tuloy itong naging guwapo sa paningin niya. "Hindi ko alam... kahit nga iniwanan ako ni Estela, hindi naman ako nagalit ng ganoon kalalim. Mahirap kasing magalit, mabigat sa dibdib..." Natigilan siya sa sinabi nito. Biglang nagkukot ang kalooban niya. Hindi siya sanay na may tinutukoy itong ibang babae bukod sa lola nito. Isa pa'y hindi siya kumportable. "S-sino si Estela?" hindi niya napigilang usisa rito. Ngumiti ito ng tipid saka kinwento nito ang nangyari dito at sa dati nitong nobya. Bigla siyang nakaramdam ng simpatya rito. Hindi rin niya maiwasang mainis sa babae. Napakabuti ni Denim para na lang iwanan nito ng ganoon. "Bakit?" anito saka ito umusog palapit pa sa kanya. "Bigla ka na namang nalungkot," Napahinga siya ng malalim. "Nakakalungkot naman talaga ang ganoon. Ang bait mo para hindi makaramdam ng matinding galit sa kanya..." Napangiti ito. "Akala ko pa naman... nagseselos ka na." Inirapan niya ito. "Sira!" "Hindi ka nagselos?" kantyaw nito sa kanya. Minulagatan niya ito. "Hinde!" nunca na aaminin niyang nagselos nga siya. Napahalakhak ito. "Hindi pero ang asim ng mukha mo," anito saka hinawi nito ang buhok niyang nawala sa puwesto. Tumayo ang balahibo niya sa katawan. Ang mainit nitong palad ay naghatid ng kakaibang kiliti sa sikmura niya. Nang magtama ang mga paningin nila ay napalunok siya. Doon tila huminto ang buong oras niya... maging ang t***k ng puso. Masuyo itong ngumiti sa kanya. "Si Estela, tama na sa akin na naging parte siya ng nakaraan ko. At ikaw," anas nito saka siya hinalikan ng matagal sa sentido. "Ikaw lang ang babae sa buhay ko ngayon, bukas at sa darating pang maraming araw ng buhay ko," Ah... ang puso niya, nakuntento sa sinabi nito. Kinikilig na naman siya sa moment na iyon. Kaya ng higitin pa siya nito papalapit ay nagpaubaya siya. Napahinga siya ng malalim dahil damang-dama niya ang kakaibang damdamin sa tuwing nakapalibot ang braso nito sa katawan niya... Halos hindi malaman ni Ethel ang gagawin ng tawagan siya ng kanyang editor na approved na ang kanyang nobela. Noon, kapag may ganoong approve siya ay masaya naman talaga siya pero iba ngayon. Ah, marahil mayroong taong maaari niyang bahagihan ng kaligayahang iyon at naging parte ito ng pagsusulat niya. Nagdesisyon siyang magluto ng kaunti. Agad siyang nagtungo sa palengke at namili ng papansitin. Unang pagkakataon na maghahanda rin siya. Bigla siyang nasabik dahil gusto niyang makita ang ekspresyon ni Denim. Madalas kasi itong makibalita sa huling akda niya. Ilang sandali pa ay sumakay na siya ng tricycle at umuwi. Nagulat na lamang siya dahil nakita niyang papalabas ang sasakyan ni Denim. Agad itong umibis ng makita siya. Bumilis ang t***k ng puso niya habang papalapit ito. Ah, dito lang nag-re-react ang puso niya ng ganoong katindi. Awtomatikong napangiti siya rito ng makitang kunot na kunot ang noo nito. "May lakad ka?" Agad itong umiling. "Hahatiran sana kita ng meryenda pero sabi ni lola, nakita ka niyang lumabas. Baka kako mamamalengke ka kaya susundan sana kita para naman matulungan ka. Tutal hindi naman kami ganoon ka-busy sa shop," mahabang paliwanag nito. Napangiti siya sa pagiging maasikaso nito. Hay... mukhang nasasanay na ang puso niyang kiligin! Natutuwa talaga siya rito at doon niya naisip na tama lang na maghanda siya. Para na rin kasi iyon dito dahil naging matyaga itong tulungan siya sa sinulat niyang libro. "Namili nga ako. Ahm... Den's..." nahihiya siyang ngumiti rito. "Approved na 'yung story. Magpapansit sana ako," Mukhang biglang-bigla ito. Halos namutla pa! Natawa siya sa reaksyon nito. Parang ito pa ang nagsulat at hindi makapaniwala! Nagulat na lamang siya ng yakapin siya nito ng mahigpit hanggang sa natunaw siya sa mga bisig nito. Labis siyang natuwa dahil nakikita niyang masaya ito para sa kanya. "Kulang ang pansit, ano ka ba?" agad nitong saad ng maghiwalay sila. Tinitigan siya nito at ang luwang na ng ngiti nito. "Uutusan ko si Ador, ha? Magpabili pa tayo ng iba pang panghanda. Magtatampo ako kapag tumanggi ka," Hindi na siya nakatutol. Ayaw niyang sirain ang araw na iyon kaya pinagbigyan na niya ito. Isa pa'y gusto rin naman niya itong pagbigyan. Agad na nitong pinasok ang mga pinamili niya at inutusan si Ador—ang all-around boy doon. Agad din iyong ibinalita ni Denim sa lola nito. Tuwang-tuwa ang matanda at hindi ito pumayag na tumulong siya. Hiyang-hiya tuloy siya. Gayunman, nakisama na lamang siya sa kusina para makipagkwentuhan habang naghahanda ang mga ito. Pasulyap-sulyap din siya kay Denim habang abala ito sa pagtulong. Nang mahuli siya nito ay kinindatan siya nito at hinagod ang buhok. Napahagikgik siya sa pagpapa-cute nito. "Naks! Habang tumatagal, paganda ng paganda, ah!" kantyaw ni Xavier. Umugong ang tuksuhan sa kusina. Pulang-pula ang mukha niya. Ang tinik talaga nitong si Xavier! Nakita pa ang sulyapan blues nila ni Denim! Natawa na rin siya ng pabirong binatukan ito ni Denim. Ilang sandali pa ay nagsasalo na sila sa isang masaganang hapunan. Panay ang asikaso nito sa kanya at gumanti rin siya ng pagaasikaso dito, kesehodang tudyuhin na sila ng bongga doon. Gabi na ng matapos ang kasiyahan. Nang malinis na nila ang kusina ni Denim ay hinatid na siya nito sa unit niya. Bago ito umalis ay pinagtimpla na muna niya ito ng kape. "Den's, salamat sa lahat, ha? Hindi ko mabubuo ang The Sorcerer and the Silversmith kundi dahil sa'yo," Napangiti ito. "Alam mo... gusto ko naman talagang maging parte ng lahat. Hangga't may kaya akong itulong, gagawin ko. Huwag kang mahihiyang magsabi, ha?" Na-touch siya sa sinabi nito. Napakurapkurap siya dahil biglang namasa ang mga mata niya. Kahit kailan ay hindi siya sinabihan ng ganoon klaseng suporta ng ibang tao. Si Denim lang. "Salamat, Den's..." mahinang anas niya dahil kung lalakasan pa niya ay baka maiyak na siya. Bilang ganti sa lahat ay ginawaran niya ito ng halik sa pisngi. Natawa siya ng matulala ang mokong! "Hoy!" biro niya rito. "Isa pa nga... nabigla ako. Hindi ako handa, sige na," ungot nito sa kanya ng makabawi. Natatawang tumalima siya pero lumingon ito! Tuloy at nahalikan niya ito sa labi! Hindi siya nabastusan sa ginawa nito bagkus, naghatid iyon ng kiliti sa gulugod niya. Nagrigodon ng ng todo ang puso niya. Siya naman itong natulala! Natawa ito. "Mukhang ikaw naman ang hindi ready." Biro nito hanggang sa napuno ng pagsuyo ang mga mata nito. "Para mas maganda, magpapaalam na ako ng maayos. Gusto kitang halikan. P'wede ba, Ethel?" Humigpit ang dibdib niya sa sinabi nito. Naghalo ang matinding pananabik at antisipasyon. Halos wala ng tumatakbo sa isip niya kundi ang labi nito at ang mga mata nitong nagsusumamo... kung ano ang pakiramdam ng mahalikan nito... "Sige, Den's... halikan mo ako..." anas niya. s'^A_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD