Chapter 39

1793 Words

Eksaktong lunch break na nang makabalik ako sa room namin. Papalabas na ang mga kaklase ko nang pumasok ako. Habang dinaraanan nila ako ay pinapasadahan nila ako ng tingin. Kaagad na lumapit sina Gio at Michael sa akin nang makapasok na ako sa room namin. "Gene, buti naman at buhay ka pa," bungad sa akin ni Michael. Samantalang si Gio ay pinapasadahan ang kabuoan ko na tila hinahanap kung saan nabali ang buto ko. "Okay lang ako," sabi ko sa kanilang dalawa. "Tsaka okay na kami ni Athan." Pinagtaasan ako ng kilay ni Gio. "Dude, inamin mo na ang lahat sa kanya?" bulong sa akin ni Michael. Tumango ako sa kanya. "Pinadala ko na yung bayad sa nasirang gulong ng kotse niya." Tumingin ako sa kinaroroonan ni JD. As expected, naroon na si Eula at akmang aalis na sila. "Tulungan nyo ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD