"Seriously, Gene? 50 thousand pesos?" Napalingon ako kay Michael na gitlang-gitla pa sa hawak ni JD na money bouquet. "Nanliligaw ako, di ba? Natural, magpapa-impress ako," bulong ko sa kanya. Nang lumingon sa akin si JD na pinapalibutan ng mga kaklase namin ay kininditan ko siya. Eksakto namang lumingon din si Eula na nasa tabi niya. Sinimangutan niya ako at saka inirapan. Pakiramdam niya yata ay siya ang kinikindatan ko. "Impressive. Impressive," paulit-ulit naman na bulong ni Gio. "Sino kaya ang nagpadala nitong bonggang money bouquet kay JD? Grabe, ang yaman!" halos ipagsigawan iyon ni Eula sabay sulyap sa akin. Teka, ako ba ang pinaparinggan niya? Imposible namang alam niya na ako ang nagpadala nun kasi Wala naman akong nilagay na pangalan kung isang malaking M lang sa card ba

