Chapter 28

1344 Words

Lumabas na kami nang kumalma si JD. Pagkatapos ng pag-iyak niyang iyon ay nahihiya siyang nagpasalamat sa akin. Sinabi kong maghilamos na muna siya bago kami lumabas na agad niyang ginawa. Mabuti na lang at walang pumasok sa loob ng CR habang nasa loob kami nito. Pagbalik namin sa booth namin ay maiingay at nagkakantiyawan na ang lahat. Sumulyap lang sila sa amin ngunit walang nagtanong kaya ipinagpapasalamat ko iyon. Athan even smiled at JD when he went back to his seat. "Wanna dance?" tanong nito na agad na inilingan ni JD. "We have to go home." Nagulat ako na siya mismo ang nagsabi niyon kay Athan. Ngumiti naman at tumango si Athan. "I understand." "Thanks again for inviting us here." "Salamat, pare," segunda ko sa sinabi ni JD at pagkatapos ay bumaling sa mga kaibigan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD