Simula nang pumasok kami sa bar na pag-aari ng Kuya ni Athan ay nawala na sa bokabularyo ko ang salitang ngiti. Kanina pa ako patingin-tingin sa relo ko para naman makaramdam ang mga kasama ko na oras na para umuwi ngunit wala. Wala ni isa man sa kanila ang makaintindi sa mga ipinapahiwatig ko. Mabuti na lang at kahit late kaming makakauwi ngayon, kina Mommy at Ate lang ako malalagot. Kanina kasing nag-chat Ako Kay Ate at nagsabing mali-late kaming uuwi because of our celebration, sinabi niyang nagpunta sina Dad at Kuya Mark sa Cebu to attend some meetings. Kung hindi lang talaga ako naawa kay JD kanina noong makita kong nangingislap ang mga mata niya sa pananabik na makaapak sa isang bar, hindi talaga kami sasama dito ngayon. Unang beses ko kasing nakita ang ganong excitement sa mga mat

