It's another Monday. Pero hindi gaya ng mga nakaraang Lunes sa buhay ko, excited ako ngayong pumasok sa school. "Good morning," bati ko kay JD na sumalo sa amin sa almusal. Tipid siyang ngumiti sa akin at bumati kina Mommy, Daddy, Ate, at Kuya. "Good morning!" balik-bati sa kanya ni Mommy habang ngumiti naman ang iba. I heard from Ate na nagkausap na sina JD at Kuya Mark at umaasa ako na nagkaintindihan na ang magkapatid. Halos sabay kaming tumayo ni JD pagkaraan ng tatlumpong minuto. Paalis na kami nang bigla siyang tawagin ni Kuya Mark at palapitin dito. JD obediently went to him while I was watching them. "Here." May inabot na ATM card si Kuya sa kanya. "I've opened an account for you. Some of your money from Dad is deposited there and I'll be transferring your allowance there a

