"Gago ka, Gene." Ngumisi ako sa pawisang si Michael na natatarantang ibinato ang pako na ginamit niya pambutas sa gulong ng sasakyan ni Athan. "Kapag may nangyaring masama sa kanila..." Tumingin ako sa nagsalita sa likuran ko. It's Gio. Wala mang ekspresyon sa kanyang mukha ngunit hindi maitatago ng boses niya ang pag-aalala. "Walang mangyayari sa kanila. Athan won't be stupid enough to use his car kung alam niyang flat ang gulong nito," walang ngiting sagot ko sa kanya. "Then what's the point na binutas pa natin yung gulong ng sasakyan niya?" naguguluhang tanong ni Michael sa akin. "Wala, pambwisit lang." Napapalo sa noo niya si Michael. "This is childish, Gene." Tumalikod na si Gio pagkatapos sabihin iyon. "Kunin mo yung pako. Mamaya makita pa 'yan, makuha pa yung fingerpri

