Chapter 36

1981 Words

"Bakit nakabusangot ka dyan? Wala ka sa mood sa date n'yo?" nakangiti kong tanong kay Athan pagkatapos ko silang saglit na lingunin bago ako sumakay sa kotse ko. Kinindatan ko si Nikki na nasa passenger seat na. "Hindi ko kasi maisip kung paanong na-flat yung gulong ng sasakyan ko. Maayos naman iyon kaninang umaga," sagot ni Athan nang makapasok na sila sa likurang bahagi ng kotse ko. "Baka hindi mo lang napansin," hindi lumilingon na sagot ko sa sinabi niya dahil abala na ako sa pagmamaniobra ng kotse palabas sa parking lot. "Maingat ako sa pagmamaneho, Gene, alam mo iyan. Baka may nanadyang nambutas talaga sa gulong," naiinis niyang sabi. "Sino naman ang gagawa niyon sa dami ng takot sa'yo?" painosente kong tanong. "Maraming takot kay Athan?" pag-parrot ni Nikki sa sinabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD