Nang kumatok si Athan sa pinto ng kuwarto namin ay saka lang kami naghiwalay ni JD. Pinabababa na kami para sa aming pananghalian. Dinaanan na rin namin sa kuwarto nila sina Michael at Gio na nakapagpalit na ng shorts nila. Sa baba, nakahanda na sa mahabang mesa ang mga pagkaing binili namin at niluto ng mag-asawang caretaker. "Guys, this is Trisha Cervantes, a friend," pagpapakilala ni Athan sa kasama niya sa amin. "These are my friends, Gene, JD, and... Gio." Una akong nginitian ni Trisha na sinagot ko lang ng isang mabilis na tingin at simpleng ngiti. Mahirap na at baka magselos pa si JD. Tumagal ang tingin niya kay JD na tumango sa kanya bago napunta ang tingin niya kay Gio. Tinitigan niya ito nang matagal saka siya sumulyap pabalik kay Athan. At base sa tinginan nila, alam kong

