Habang dumidilim, lalong dumarami ang mga pasulyap-sulyap na ibinibigay ni Athan sa akin. Alam asi niyang kanina pa ako nagpipigil. Nang huling sulyap niya nga ay pinasalubungan ko na siya ng tubig ng pool. Gumanti naman siya kaya nagkaroon tuloy ng konting water war. Nang mapagod ay umahon na kami ni JD. Kaagad kong inabot ang tuwalya at ibinigay sa kanya. Nang matapos siya ay inabot niya sa akin iyon. Pero Hindi ko Yun kinuha sa kanya. Bagkus, inilapit ko ang ulo ko. Mabilis naman niyang naintindihan ang gusto kong mangyari kaya napailing siya at siya na mismo ang nagpatuyo sa basang buhok ko. Bumalik kami sa cottage at naglagay ako ng ice at alak sa baso ko. Binigyan ko naman siya ng isang bote ng kabubukas na San Mig light. Pagkatapos uminom, lumapit ako ng upo sa kanya at umakba

