-ANGELICA- Dalawang linggo akong nagkulong sa kuwarto ko. Lumalabas lang ako kapag kumukuha ng pagkain. Hindi ko hinaharap ang mga kaibigan ko, maging si Jared. Gusto kong mapag-isa at mag-isip-isip. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga nangyari. Inihahanda ko na ang sarili ko para sa paghaharap namin ni Mariza. Alam kong kailangan naming mag-usap. Naging magkaibigan kami nang mahabang panahon. Hindi ganoon kadaling tanggapin ang lahat. Pupunta na sana ako sa cr para maligo ng marinig kong may kumakatok. Dumiretso ako sa pinto at binuksan ito. "Anak, puwede ba kitang makausap?" tanong ni Mama. "Okay po, Ma." Binuksan ko nang malaki ang pinto. Pagpasok niya ay umupo siya sa kama ko. Sinarado ko naman ang pinto saka tumabi sa kaniya. "Gusto lang kitang balitaan sa nang

