Chapter 1.2: Our Mother, Our Bridge

3381 Words
The school bell rang loudly—signaling the end of Lia’s very first subject on a Monday. Unang subject pa lang ay parang pagod na ang mangilan-ngilan niyang kaklase. Pero siya, parang hindi niya iniinda ang napaka-boring na klase ni Ms. Castro. First day of school, introduction na kaagad sa kanilang Practical Research 2. Sino’ng hindi mababagot, 'di ba? After that, they went through two more subjects before getting a one-hour break before their next class. Lia and Xyriel were always together, and as usual, her friend couldn’t stop talking about Vince. Kinikilig pa rin ito sa kanya dahil nakatabi raw niya ang lalaki. “Alam mo, magtatampo na talaga ako sa ’yo,” sabi ni Xyriel habang nagme-meryenda silang dalawa. Kasalukuyang nasa isang gazebo sila habang kumakain ng chichirya. Si Lia naman ay umiinom ng buko juice na nabili niya kanina sa fast food. Nagtatakang napatingin si Lia kay Xyriel. “Ha?” “Eh, kasi naman, ka-grupo mo si Vince sa PR2. Tapos katabi mo siya sa upuan,” nakasimangot na tugon ni Xyriel. “Ginusto ko ba ’yon? Eh, si Ms. Castro ang nag-groupings sa amin, eh.” Napairap na lang si Xyriel. “Oh ano? Ano’ng masasabi mo kay Vince? ’Di ba ang pogi niya,” saad ulit nito, namumula ang magkabilang pisngi. Lia turned around. A short distance away, she spotted Vince sitting on a bench in the Eco Park. Hindi ito nag-iisa kundi may kasama itong isang bakla at dalawang lalaki—mga ka-blockmates din nila iyon, pero hindi nila gaanong ka-close. Nakita ni Lia na masayang nagtatawanan ang apat. Malakas ang boses ng kasama nilang bakla habang ang dalawang lalaki naman ay sumasabay sa hirit ng joke nito. Ngumingiti naman si Vince at sabay tumatawa. Oh! What a cute smile! Bakit parang mas pumopogi siya sa tuwing tumatawa siya? That was Lia’s thought while she was staring at Vince from afar. Wait, what? Mabilis siyang natauhan. Why did she suddenly think that? She shook her head and went back to sipping her coconut juice. She averted her eyes from Vince and tried to focus elsewhere. “Te, crush mo na ata si Vince,” tukso ni Xyriel sa kanya. Gulat na napalingon siya sa katabi. Bakit naman niya nasabi ’yan? “Anong crush? Huy, hindi ’no!” tanggi ni Lia, pero obvious naman na defensive ang tono niya. “Sus! Nagmamaang-maangan ka pa, eh. Kanina sa Practical Research, napapansin kitang napapatingin sa kanya. Saka ngayon lang, ’yong tingin mo kanina parang may spark, eh,” panunukso ni Xyriel sa kanya. Lia could feel her cheeks heating up. She wasn’t used to this—being teased like this by her friend. Never in her life had she been teased about a boy. Not until Vince. Sa totoo lang, nagkakaroon naman siya ng paghumaling sa isang lalaki paminsan-minsan. Pero hanggang doon lang iyon. Hindi niya bini-big deal. Kasi alam niya na lilipas din ang pagkakahumaling niya sa isang lalaki. So ibig bang sabihin nito ay crush niya si Vince? No way! “Spark agad? Baka static lang ’yon,” sagot na lang niya kay Xyriel. Dahil feeling ni Lia ay namumula ang pisngi niya, napayuko na lang siya ng ulo habang deretsong umiinom ng buko juice gamit ang straw. Narinig niyang natawa na lang si Xyriel. “Eh, kung kayo pala ang maging magka-love team this year?” “Stop,” sabay tawa niya. That idea will never happen. At saka bakit naman siya magkakagusto kay Vince? Alam ni Lia na may girlfriend ito. “Hindi magandang biro ’yan lalo na’t may girlfriend siya,” dagdag pa niya kay Xyriel. Sumimangot naman ang kaibigan. “OA naman. Pero bakit alam mong may girlfriend na siya, ah? Akala ko ba hindi mo siya kilala.” “Actually, he has,” sabi ni Lia at muli siyang napatingin sa puwesto nina Vince, looking at him na para bang may paghihinayang sa mukha. “Nakilala ko na siya noon pa. Kaya pala pamilyar sa akin si Vince dahil naging magkaklase kami niyan last year sa Filipino.” “Filipino? Hindi ba tayo magka-klase niyon?” “Hindi, kasi floating subject ko ’yon. At mukhang floating subject din si Vince that time kasi kami lang dalawa ang STEM student sa klase,” seryosong pagkukuwento ni Lia. At their school, the system was different when it came to subject scheduling. Senior High School students followed a college-style schedule. They had “blocks” (like “sections” in high school), but sometimes students were placed in “floating” classes—shared with other blocks—depending on availability. Lia remembered that Filipino was the only floating subject in her class schedule last year. She had figured it out because the rest of her classmates were ABM students, another strand in Senior High. Sobrang awkward niyon para kay Lia. But when she noticed a guy who was also alone from the group, alam niyang STEM student iyon, lalo na sa unipormeng suot nito. Naging pamilyar lang kay Lia ang mukha ng lalaki. But his name… no. Hindi niya alam o baka hindi niya lang maalala. Never silang nagkaroon ng conversation nito kasi malayo ang upuan niya sa lalaki. Kaya natapos na lang ang school year ay wala silang kibuan nito because she also knew that Vince was from the other block of STEM students, not from her block na kasama si Xyriel last year. Tahimik lang si Vince during their Filipino class, pero attentive ito sa discussions. Typical honor student behavior. Mas nalamangan pa nga nito ang Top 1 sa ABM block sa exam nila, eh. Kaya masasabi ni Lia na matalino si Vince, kahit patawa-tawa lang iyan ngayong kasama niya ang mga kaibigan niya. During today’s Practical Research class, Lia was quiet too. But she couldn’t help sneaking glances at Vince from time to time. She wondered if he remembered her, if he somehow found her familiar. But it didn’t seem like it. “Ganun ba,” narinig na lang niyang sabi ni Xyriel at saka siya tumango ng ulo bilang pagsang-ayon. “Tama ka nga. Mukhang hindi na kayo magiging love team niyan ni Vince, eh. May girlfriend na siya. Si Max. ’Yong varsity player natin sa volleyball. “Naging sila last intrams. Bigla kasing kinantahan ni Vince in public si Max no’ng I Think I’m Fallin’ ni Janno Gibbs. Ilang buwan na palang nanliligaw si Vince kay Max and at that time, sinagot na siya ni Max. Ang cringe, ’di ba? Pero sobrang nakakakilig. Grabe ang ingay ng pangalan nila last year, lalo na sa school publication,” pagkukuwento ni Xyriel habang may halong kilig sa boses nito. Lia had no idea what she was feeling as she listened to Xyriel’s story about Vince. Basta ang alam niya ay naiinis siya, napapangiwi siya sa inis. At saka, ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ni Lia ang pangalan ng girlfriend ni Vince. Max. She vaguely recognized the name. Maxine was a popular varsity player at their school, taking HUMMS as a strand. Beautiful, athletic, talented. One of the team’s prized players. Kaya hindi na maipagkakaila kung bakit maingay ang pangalan nilang dalawa last year. Pero nagkasakit siya that time at wala siyang pakialam sa nangyayari sa school noon kasi pag-aaral lang ang inaatupag niya. All Lia remembered was that Vince’s girlfriend played volleyball. She remembered that because she accidentally saw the two of them once near the gym. She couldn’t recall exactly when—but she clearly remembered seeing them together. Saktong natapos ang kanilang kinakaing meryenda nang tumunog ang bell. Hudyat iyon na tapos na ang isang oras nilang vacant time at kailangan na nilang umalis sa gazebo upang pumunta sa next subject nila bago mag-lunch break. ~~~ It’s been two months since the first day of school started. Which also meant it had been two months since Lia met Vince in person. In those two months, nothing exciting ever happened in Lia’s life. Every single day, she woke up early to the sound of her mother’s voice calling her to prepare for school. She would take a bath, get dressed, eat, chat briefly with her father over video call, brush her teeth, and leave the house with her mom to face another routine day. On weekends, she stayed at home. If she wasn’t busy with assignments or lab reports, she’d be cleaning the house—or sometimes experimenting in the kitchen with new recipes. Sometimes, Xyriel would drop by to hang out or copy some homework. Ginagabi na ng uwi si Xyriel dahil mas nangingibabaw ang kanilang chikahan kaysa sa paggawa ng school paper works. And her relationship with Vince? Dormant. Stable. Walang nangyayari. Vince remained quiet whenever he sat next to her in Practical Research 2 and their other shared classes. He would talk to her occasionally, but their interactions were barely anything beyond the necessary. Ewan. Batid ni Lia na baka naa-awkward din si Vince sa kanya. Even their two other group mates in Group 3—she didn’t really know them. They were from a different block last year, and this was the first time they’d been in the same group/block. Kaya natatapos ang kanyang araw na normal at nakakapagod. Mabuti na lang at nandiyan si Xyriel na laging kasama niya. Dahil kung wala ang kaibigan, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang boring siguro ng araw niya kapag wala ito. At nangyari nga ang ayaw niyang mangyari isang araw. It was Friday. Whole day absent si Xyriel dahil may pupuntahan daw ang pamilya nito—isang family gathering sa Cebu. Kaya sobrang lungkot ni Lia ng araw na iyon kasi wala siyang kasama. Wala siyang kaibigan. On Fridays, after her class from 2:00 to 3:00 p.m. (PE & Health), wala na siyang kasunod na subject. Normally, she and Xyriel would hang out in the library to kill time before heading home. Pero ngayon, kinakailangan niyang pumunta sa grocery store dahil inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng mga stock food. She spent an hour shopping and left the grocery past four in the afternoon. The streets were packed—rush hour—and all the jeepneys were full. With no other choice, she decided to walk in hopes of finding a spot on a passing jeep. But while she was walking, disaster struck. The paper bag carrying all her groceries tore open. Frozen food spilled out onto the street. People were staring. Lia could feel her cheeks burn with embarrassment as she scrambled to pick up scattered frozen hotdogs from the pavement. Then suddenly, a motorcycle pulled up in front of her. The engine gave a short honk, and when she looked up, her eyes widened. It was Vince. “Okay ka lang?” he asked, concern in his voice. She didn’t answer. She just continued picking up her things, struggling to fit the soggy, frozen items back into the paper bag that was now clearly useless. The bag was too wet. It couldn’t hold anything anymore. What she needed now was a proper plastic bag. Hindi niya namalayan na umalis si Vince sa motor at nilapitan siya. Tinulungan siya nitong pulutin ang mga naiwang frozen food sa sahig habang siya ay napatulala na lang. “Ilagay na lang natin ’to sa Top Box. Wala na. Basa na ‘yong paper bag. Hindi mo na magagamit ’yan,” narinig niyang sabi ni Vince. Dahil wala na siyang pakialam sa paligid at gusto na niyang makaalis, hinayaan niya ang desisyon ni Vince. Pagkatapos nilang ilagay ang mga pinamili sa Top Box ng motor ng lalaki, doon siya muling napatigil. Ano'ng gagawin ko ngayon? “Halika. Sumakay ka sa motor ko. Ihahatid kita,” sabi pa ni Vince. “Ha?” She blinked at him. This was all happening so fast. “Ihahatid kita. Malayo pa ba ang inyo rito?” Napailing si Lia, parang sinusubukang gisingin ang sarili. “Ah, a-ano... hindi naman.” “Halika. Hatid na lang kita. Heto, helmet oh.” Kinuha ni Vince ang isang helmet na nakasabit sa manibela ng kanyang motor at iniabot kay Lia. Nagdadalawang-isip man si Lia na tanggapin ang alok ni Vince, wala naman siyang ibang choice. Kaya, nahihiyang kinuha at isinuot niya ang helmet na inabot nito at sumakay sa motor. Swerte dahil nakapang-PE uniform siya—pareho sila ni Vince—kaya kumportable siyang nakaupo sa likod nito. At first, she wasn’t sure where to place her hands. But since the motorcycle had a top box, she leaned slightly against it and eventually found herself gripping the back of Vince’s shirt whenever the ride picked up speed—something she didn’t like doing, honestly. Fifteen minutes bago sila nakarating sa bahay ni Lia. Dahil medyo nahihiya na siya, dali-dali siyang bumaba ng motor at kinuha ang mga pinamili niya sa Top Box. “S-Salamat sa paghatid,” iyon lang ang nasabi niya, at hindi siya makatingin nang diretso sa kasama. “You’re welcome. Alis na rin ako, ah. Hindi na ako magtatagal,” paalam ni Vince saka pinaandar ang motor at umalis. Pagpasok niya sa bahay, saka siya napangiti. Halos umabot na sa magkabilang tenga ang ngiti niya dahil sa nararamdamang saya. Wait? Ba’t ang saya ko? Hindi. Hindi dapat ako masaya dahil lang sa tinulungan at hinatid ako ni Vince. Hindi dapat ako kinikilig. Pero kahit anong gawin niya, wala pa ring tigil ang pagngiti niya. Mukhang nababaliw na siguro siya. Matapos ang araw na iyon, balik sa normal na naman ang buhay niya. Hindi na naman sila nagkikibuan ni Vince sa klase. And her world kept moving—just as it always did—as a senior high school student. ~~~ Makalipas ang isang linggo, Biyernes ng hapon, umuwi si Lia mula sa eskwelahan na may iniindang sakit sa ngipin. Wala kasi siyang tigil sa pagkain ng mga candies na bigay sa kanya ni Xyriel galing Cebu. This week, puro kain lang siya ng candy dahil masarap daw. Ngayon, napansin niyang medyo namamaga ang gilagid niya. Masakit. Hindi na niya ito pinansin noong una, pero habang tumatagal, parang lumalala na talaga ang kirot. “Ma, ang sakit ng ngipin ko,” reklamo niya habang nakahiga sa sofa. Kakarating lang ni Rosalie mula sa eskwelahan. “Tsk. Kailan pa ‘yan masakit?” “Kanina lang po… habang nasa school. Ngayon, mas grabe na.” “Ano ba kasing pinagkakain mo, bata ka, at dumating sa puntong sumakit ang ngipin mo, ha? Kung nandito lang ang papa mo, papagalitan ka rin niyon.” “Candy po. Bigay ni Xyriel, galing Cebu.” “Ayan! Kain pa ng candy na ‘yan. Dahil sa katakawan mo ‘yan.” “Ang sakit po talaga,” naiiyak na si Lia habang hawak ang kanyang pisngi kung saan naroroon ang kirot. Napailing na lang si Rosalie sa konsomisyon sa anak. “Hay naku! Bukas wala ka namang pasok, ‘di ba? Sumama ka sa akin. Dadaan tayo sa clinic. May bagong bukas na dental clinic diyan sa tabi ng coffee shop. Baka bukas sila kahit weekend.” Kinabukasan… Maaga silang umalis. Suot ni Lia ang simpleng crop tee at jeans, habang si Rosalie naman ay naka-casual blouse at slacks. Bitbit ang maliit na eco bag na may lamang bottled water at gamot—just in case. Pagkarating nila ay tila may kung anong hinala si Rosalie sa dental clinic na kanilang pinuntahan. Sa labas nito ay may nakapaskil sa pinto na: DE CASTRO DENTAL CLINIC. Tapos, sa directory board ay may nakalistang pangalan ng manager ngunit walang litrato roon. Maricel De Castro-Reyes. Ito ang nakalagay na pangalan ng manager ng clinic. “Maricel De Castro-Reyes,” bulong ni Rosalie sa sarili. “Bakit pamilyar ito?” Pagkatapos ay tila may alaala siyang naalala—back when she was in college. Si Maricel ba ito? Kay Maricel ba ang dental clinic na ito? She thought. Her thoughts were interrupted when the receptionist approached them. “Good morning, Ma’am. Appointment po?” “Walk-in lang. May toothache kasi ‘tong anak ko,” Rosalie replied. Lia didn’t say a word, her cheek already swollen from the pain. “Sige po. Pakihintay lang po sandali.” Rosalie turned back to the directory board, still studying the names listed there. Lia, meanwhile, overwhelmed by the pain, sat quietly on the waiting couch and left her mom to do her thing. A few moments later, a woman came out from a door behind the receptionist. She had the youthful aura of someone in her late twenties, but her elegance suggested she was older—tall, poised, wearing a blazer, with flawless makeup. Napatigil ang babae sa likuran ni Rosalie na abala pa rin sa pagtitingin sa directory board. May kung anong pumasok sa isipan nito. “Excuse me, Miss. Are you looking for something?” tanong ng babae kay Rosalie. Napalingon si Rosalie, at sabay silang nagulat—namilog ang mga mata. “Oh my God… Rosalie!?” bulalas ng babae. “Maricel!?” sagot din ni Rosalie. “Ikaw nga!!” Pagkatapos niyon ay sumunod na ang sigawan, yakapan, at tawanan ng dalawang ginang. Parang teleserye ang eksena. Naguguluhan naman si Lia sa nakikita niya. Nagtatanong ang mukha niya kung ano ang nangyayari. “Ang lakas ng drama niyo, Ma,” naisip tuloy niya. “Oh my God! I can’t believe it. Ikaw nga! At saka, clinic mo pala ‘to?” masayang tanong ni Rosalie. “Yes! Ako ang manager dito. And this is our fifth branch here in Maynila. Ikaw? Balita ko teacher ka na talaga, ‘no?” “Teacher in public school. Pero bilib ako sa’yo ngayon dahil ang sosyal mo na, ah. At mukhang big time ka na ngayon,” namamanghang tugon ni Rosalie. Sabay silang natawa. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Magpapa-pasta ka?” Rosalie quickly shook her head. “Ah, hindi. Sinamahan ko lang ang anak ko kasi masakit ang ngipin niya.” Maricel turned toward the couch and caught Lia’s eye. “Ay, anak mo ‘to? Ang ganda, ah. Mana sa’yo,” sabi ni Maricel. “Siyempre naman,” Rosalie replied with pride. She turned to Lia and motioned her to stand. Sumunod naman si Lia kahit kumikirot ang kanyang ngipin. “Lia, anak, ito si Tita Maricel mo. Best friend ko noong college. Parang kapatid ko na ang turing sa kanya noon. Magpakilala ka sa kanya.” “Hello po—ouch, tsssk!” Lia winced as she spoke. She extended her hand for a handshake, which Maricel warmly returned. “Nice to meet you, hija,” Maricel said, before turning back to Rosalie. “Mukhang kailangan na talaga siyang magpa-check up sa loob.” Muling naupo si Lia sa waiting couch dahil sa sakit ng kanyang ngipin. “Oo nga eh. Hinihintay na lang namin ‘yong receptionist,” sagot ni Rosalie. Maya-maya, bumukas ulit ang pintuan sa likod ng receptionist, at lumabas ang isang lalaking kasing-edad ni Lia. “Ma, iniwan mo ‘yong wallet mo sa office—” Pagkatingin ni Lia, parang biglang huminto ang mundo niya. Hindi niya in-expect na makikita niya si Vince. Hawak ang wallet, magulo pa ang buhok, naka-hoodie, at mukhang bagong gising. Napahinto rin ito pagkakita sa kanya. Teka? Mother ni Vince itong long-time best friend ni Mama? gulat na naisip niya. “Oh? You two know each other?” tanong ni Maricel sa anak niyang si Vince. Nagkatinginan naman ang dalawa. “Ah… classmate ko po siya, Ma,” sagot ni Vince, sabay bahagyang ngiti. Maricel and Rosalie exchanged knowing glances—something unspoken passed between them. Lia noticed, so she immediately spoke up. “Ma, iba ang iniisip mo. Classmate ko po siya, at magkapareho rin po kami ng strand na kinuha,” paliwanag niya kay Rosalie. “Small world talaga, Maricel!” tawa ni Rosalie. “Totoo talaga,” sabay naman ni Maricel. “Baka nga magkatuluyan pa ‘yang mga ‘yan,” biro pa ni Rosalie, na siyang ikinatawa ng dating kaibigan. “True,” sagot ni Maricel. Napa-facepalm na lang si Lia dahil sa nararamdamang hiya. Si Vince naman ay nahihiyang nagpaalam na at ibinigay muli ang wallet sa ina. Hindi niya malilimutan ang araw na ito, promise!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD