bc

KUNG NGAYON ANG KAILANMAN

book_age18+
652
FOLLOW
10.4K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
drama
bxb
gxg
campus
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Kinuha ng isang bilyonaryo ang serbisyo ni Ally bilang isang writer. Isusulat niya bilang nobela ang kwento ni Don Gabriel Torrevillas at ng first love nitong Genovie. Isang kwento ng pag-iibigan na naganap noong 1990. Sa isang lumang couple picture, hindi makapaniwala si Allysa na kamukha niya si Genovie noong kabataan nito. At kamukha naman ni Don Gabriel noong kabinataan nito ang lalaking na-meet niya sa Boracay na hanggang ngayon ay misteryoso pa rin sa kanya.At isang umaga, nagising si Ally sa isang marangyang silid at kasiping niya ang unico hijo ni Don Gabriel na si Marrku Torrevillas.  Isang pangyayari na babago sa buhay niya.Mapaghihilom kaya ang sugat ng kahapon ng isang paghihiganti na sinuklian ng pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“I want to hear everyone inside right now!” malakas at masiglang sabi ng Disc Jockey ng isang bar na matatagpuan sa pamosong beach destination ng Boracay. Pumailanlang ang isang upbeat song na sinabayan ng mga sigaw ng party-goer sa gabing iyon. Naghalo ang mga local at foreign tourist sa pagsayaw sa dance floor ng bar. Karamahihan sa mga ito ay nakainom na. They just having fun and enjoyment. Pansamantalang kinakalimutan ang mga dinadalang problema sa buhay at nagbabawas na rin ng stress. Kabilang sa mga masayang umiindak sa tugtugin ang bente-sais anyos na si Ally. Naroon na sila ng bandang gilid ng dance floor dahil sa dami ng tao. Kasama niya ang tatlong barkada niyang babae na sina Carissa, Britney, Nelia at isang gay na si Ronnie. College pa lang ay nabuo na ang tropa nila dahil magkaklase sila noon sa kursong Business Administration. Tamang-tama na long weekend ngayon at nagkasundo silang magkasama-sama. Bibhira na kasi ang ganoong pagkakataon dahil sa pagiging busy sa kanilang mga trabaho. “Let’s enjoy the night!” sigaw ni Ronnie na ikinamapay pa ang mga kamay habang sumasayaw. “Tama! Huwag muna natin isipin ang mga trabaho natin!” sigaw din ni Carissa. “Party party na!” sabad ni Britney. Nakisigaw na lang ng sabay sina Nelia at Ally sa kanilang mga barkada. Enjoy na enjoy na si Ally ngayong gabi sa bar hopping nila sa magandang isla. Sa minsang pagphiht ng katawan niya ay naagaw ang atensyon niya sa isang lalaki na solong nakaupo sa table. Ilang metro lang ang layo nito sa kinaroroonan nila ng barkada. Mas ipinukos niya ang tingin niya sa nasabing estranhero habang patuloy pa rin siya sa pagsayaw. Gwapo at misteryoso ang datingan nito. Tila wala itong pakialam sa ingay ng paligid na umiinom ng inorder nitong drink. Biglang naging pamlyar ito sa kanya. Sa muling pagtitig niya sa mukha niya ito ay ganap na niyang naalala. Ito lang pala ang lalaking nakatabi niya sa bangka kahapon sa pagbyahe nila ng Boracay from Caticlan. Nakatulog siya ng mga sandaling iyon at napaunan pala siya sa balikat nito. Nagising siya sa pagyugyog nito sa ulo niya. At sa pagmulat niya ng mga mata, ang gwapong mukha nito ang nasilayan niya. Subalit ang salubong ang kilay nito na bahagya pa siyang pinanlisikan siya nito ng mata. Imbes na matakot siya ay nagiging dagdag appeal sa kanya ang pagiging suplado nito. Mga tipo na gusto niya sa isang lalaki. “Hoy Ally, tara na muna sa table, kapagod nang sumayaw eh,” bulong ni Ronnie sa kanya na tinapik pa siya sa balikat niya. Saka lang nanumbalik ang isip niya sa reyalidad. Hindi niya namalayan na lumipad ang ang isip niya. “S-sige at nabibitin pa ako sa ininom natin.” Sa pagbalik nilang magkakabarkada sa iniwanang table ay muli siyang tumingin sa gawi ng lalaki. Naroon pa rin ito at sa pagkakataong iyon ay napalingon sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, hindi na niya binawi ang mga titig dito. She gave him her sweetest smile. Hanggang sa ito na ang unang nag-iwas at ininom ang hawak nitong drink. Kita pa niya ang pag-iling ng ulo nito. “Para naman hindi tayo masyadong ma-boring, magkaroon tayo ng game. Truth or dare,” ani Ronnie na kinuha ang isang walang lamang bote. Inilagay nito iyon sa gitna ng table. Kababalik lang nila sa kanilang table. “Game!” sabay-sabay na pagpayag nilang apat. Pinaikot na ni Ronnie ang bote na nasa gitna ng table. Makalipas ang ilang segundo ay tumapat iyon kay Ally. Kunwa’y nagulat siya pero nagkaroon siya ng excitement. “Ally, truth or dare?” tanong ni Ronnie sa kanya. Tila iisang mata na nakatingin sa kanya ang mga barkada niya. “Dare!” walang gatol na sagot niya. “Wow, naiba ata ang ihip ng hangin ngayon,” komento ni Carissa. “Expected na namin na ‘truth’ ka eh.” Iyon kasi ang unang pagkakataon na pinili ang gumawa ng challenge kapag nagkakasayahan silang magkakaibigan. “Ay halos lahat na ninyo ang lahat ng tungkol sa buhay ko pati na rin ang baho ko.” Napatawa siya sa sariling tinuran. Very open kasi siya sa apat niyang barkada. Napatawa rina ng mga ito. “Okay na ako magbibigay ng challenge sa’yo,” sabad ni Ronnie. “Humanap ka ng isang lalaki na hindi mo kilala mo dito sa bar. Dapat mahalikan mo siya sa lips.” “Wow, exciting yan ah, kaya mo ba Ally?” Tumingin sa kanya si Nelia. Tila sinusubok nito ang kapasidad niya. Tumayo siya. “Oo naman, yakang-yaka ko ‘yan.” May pumasok na ideya sa isip niya. Nagkaroon na siya ng target sa para sa dare na iyon ni Ronnie. Nagpalakpakan ang mga barkada niya nang iwanan niya ang mga ito saglit sa table nila. Inilinga-linga niya ang tingin sa paligid ng bar. Hanggang sa nakita na niya ang target niya. Ang lalaking umagaw ng atensyon niya simula pa kahapon. Lumakad na siya patungo sa kinaroroonan nito. Ramdam niya nakasunod sa kanya ang mga mata sa kanya ng barkada niya. “Hi, mukhang nag-iisa ka lang yata,” bati niya sa lalaki nang makalapit na siya dito. Lalo itong gwumapo sa paningin niya. Ang hot din nitong tingnan sa suot na beach polo at bahagyang nakahantad ang may malapad nitong dibdib. Natatamad itong tumingin sa kanya. “As you can see, at hindi ka naman siguro bulag.” Ang sungit naman ng mokong na ito. Mas pinili niyang isaisip na lang ang mga nasabing kataga. Hindi siya nagpa-apekto sa pagtrato nito sa kanya bagkus ay naupo siya sa isang bakanteng silya sa okupadong table nito. Sadyang malakas ang loob niya. Lalo pang nadagdagan iyon ngayong nakainom pa siya. Direto siyang tumingin sa mukha ng lalaki at pilit niyang hinuli ang mga mata nito. “Sorry Mister huh, pero dare lang ito kaya lumapit ako sa’yo.” Walang pasabing hinawakan niya nang magkabila ang mukha nito at hinalikan ito. Naramdaman niya ang pagkislot ng katawan nito dahil sa pagkabila sa kapangahasan niya. Sa akmang pagpalag nito sa ginagawa niya ay lalo pa niyang idiniin ang paghalik dito. Sa pagkakalapat ng kanilang mga labi, may nabuhay na kakaibang init sa katawan ni Allysa. Mabango ang hininga nito kahit nakainom ito ng alak. Nang marinig niya ang palakpakan at kantyawan ng ibang naroon sa bar, saka siya bumitaw ng halik sa lalaki. Nagsama ang gulat, pagka-asiwa at pagkadisgusto sa gwapong nito. “Nice to meet you.” Kinindatan pa niya ito saka tumayo na siya mula sa pagkakaupo. Pinisil niya ang isang pisngi nito. “Thank you for the kiss.” Iniwanan na niya ang lalaki sa table at bumalik na siya sa mga barkada niya. Proud pa siya sa ginawa niyang dare. SA paglalim ng gabi ay nauna nang bumalik sa kani-kanilang hote suite sina Carissa, Nelia at Britney. Naiwan pa silang dalawa ni Ronnie sa bar pero lumipat na sila ng table na nasa labas. “Hi, pwede ba kaming maki-join sa inyo?” Pareho silang napatingin ni Ronnie sa lalaking lumapit sa kanila. Napansin niya na may kasama pa itong isa. Parehong matangkad at mga gwapo din naman. “Sure, para naman may iba kaming ka-bonding nitong friend ko,” pagpayag kaagad ni Ronnie. Kahit kailan talaga ay marupok ito pagdating sa mga lalaki. Palihim na pinandilatan niya ito ng mga mata. “Don’t worry, treat naming kayo ng drink,” sabi ng isang lalaki. Kagaya ng inaasahan ay naki-join nga sa table nila ang dalawang lalaki na nakilala nilang sina Ralph at Ken. Umorder nga ito ng alak at masayang nakipag-inuman sa kanila ni Ronnie at nakipagkwentuhan na rin. Mga taga-Manila rin ang mga ito na sinusulit ang long weekend dito sa Boracay. May nararamdaman siyang kakaiba sa dalawa at kailangan niya na maging alerto kahit nagiging tipsy na siya. Enjoy na enjoy ang kaibigan niya at naroon ang simpleng pakikipaglandi. “Ano nga pa lang work mo Ally?” Si Ralph na nag-open ng usapan niya sa kanya. Nahahalata niya dito ang pagpapakita ng interest sa kanya. at balewala lang sa kanya iyon. “Marketing professional ako sa isang Car Company,” tanging sagot niya. Hindi siya kababakasan ng pagkagiliw sa lalaking kausap niya. “Wow nice, next time pala ay iyo ako bibili ng new car. Plano ko kumuha this year,” nagpapa-impress na tugon ni Ralph. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito. “Sure, sayang at wala akong dalang business card dito.” “No problem, kunin ko na lang ang number mo later,” anito na inabutan siya ng isa pang bote ng beer. “Here, inom ka pa ulit at naubo na ata ang ininom mo.” Tinanggap naman niya iyon. Mukhang balak pa yata siyang lasingin ni Ralph. Salamat na lang at mataas ang alcohol tolerance niya. Kaya pa niya ang sarili sa mga oras na iyon. Si Ronnie at Ken naman ay tila nagkaroon ng sariling mundo. Ang mga ito ang madalas na magkausap. Naroong nagtatawanan pa ang mga ito. Nagpaalam siya saglit para gumamit ng comfort room dahil sa tawag ng kalikasan. Sa pagbalik niya sa kanilang table ay natigilan siya nang marinig na nag-uusap ang dalawang lalaki. Napansin niya si Ronnie na nakatulog na sa pagkakaupo dahil sa kalasingan. Ikinubli niya ang sarili nang marinig niya ang sariling pangalan. “Promise pare, magiging akin si Ally ngayon,” kumpyansang saad ni Ralph. “Tamang-tama tulog na itong friend niyang bading.” “Iba ka talaga pare,” tugon ni Ken. “Pero mukhang mailap sa’yo ang chick na 'yun ah.” Napatawa si Ralph. “Kahit mailap pa siya, kapag tumalab ang ang angel dust na inihalo ko sa ininom niyang beer ay bibigay at bibigay siya sa akin.” Angel Dust? Kinabahah siya pagkarinig sa nasabing gamot ngayon ay nasa loob ng katawan niya. Medyo pamilyar siya sa nasabing drug. No way! Protest ng isip niya. hindi siya papayag na magtagumpay si Ralph sa maitim nitong plano. Bago pa siya lamunin ng pagkataranta ay mabilis siyang humakbang palayo sa nasabing lugar. Kailangang mailayo niya ang sarili sa nasabing lugar. Nagkataon naman na hindi na niya malaman ang daan patungo sa tinutuluyang hotel. Nagpatuloy siya sa paglalakad. “Ayun si Ally pare, mukhang tinatakasan tayo,” narinig niyang sabi ni Ken sa hindi kalayuan. “Habulin natin siya,” sabi naman ni Ralph. Sa pagkakataong iyon ay ubod lakas siyang tumakbo ng walang direksyon. Kailangan niyang makatakas sa dalawang lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook