Parang pinupunit ng malakas kong sigaw ang katahimikan ng gabi.
Pero mali ako sapagkat walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Nanatili akong nakagapos habang umaagos ang masaganang luha sa aking mga mata.
Sa harap ko ay nakatunghay ang isang matandang babae na tila kasintanda na ng panahon.
“Yakapin mo nang buong puso ang iyong kakayahan dahil ikaw lang ang may kakayahang iligtas ang iyong ina at ang lalaking nakatakdang magpatibok ng puso mo.”
Sa saglit kong pagpikit ay umihip ang napakalakas na hangin. Kasabay noon ay ang nakahihindik na alulong ng mga asong tila nababaliw...
“Aliah? Are you okay? Para kang pinagpapawisan ng malagkit na hindi namin mawari.”
Naputol ang pagmumuni-muni ni Aliah dahil sa tanong na iyon ni Alyssa, kaibigan at kapwa niya manunulat.
Kasalukuyan silang nasa loob ng isang sikat na coffee shop sa Eastwood kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Marc.
“I’m okay. Medyo nadala lang ako sa isinusul─,” sagot niya sa kaibigan.
Hindi pa man siya tuluyang nakakapagpaliwanag ay hinila na ni Marc ang kanyang laptop at walang pakundangang binasa ang kanina lang ay isinusulat niya. “Ang weird naman nitong isinusulat mo. Kailan ka pa nahilig sa horror?”
Nagkibit-balikat lang siya. Ang totoo ay hindi rin niya alam kung saan niya napulot ang mga ideyang iyon. Basta kanina ay tila ba may sariling utak ang mga daliri niya at kusang tumipa ang mga iyon sa keyboard ng kanyang laptop.
Romance talaga ang forte niya pagdating sa pagsusulat. Pero lately ay parang naisip niyang magsulat ng story na suspense naman ang genre. It all started on her 19th birthday—just last Saturday.
Paano ba naman ay bigla na lang siyang niyayang mag-road trip nina Marc at Alyssa sa Tagaytay kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Jen at Rhads. Habang nasa Tagaytay sila, bigla na lang may nag-ungkat ng tungkol sa mga magulang niya.
Her parents died when she was just fifteen. Iyon ang pinaniniwalaan niya kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng mommy niya simula nang masangkot ang pamilya niya sa isang car accident na agad na ikinamatay ng kanyang daddy.
While she was in the hospital mourning for her dad’s untimely death, she was also in deep grief since her mom was still missing.
For the past four years, walang makapagsabi kung nasaan ang mommy niya o kung buhay pa nga ito. Hanggang sa napagod na siyang umasa na babalik pa itong muli. It’s almost impossible. Dahil kung buhay pa ito, imposibleng hindi siya hanapin nito. Unless she had lost her sanity.
“Paano kung buhay pa ang mommy mo at hinihintay lang pala niya na hanapin mo siya?” tanong ni Rhads.
“And what if she’s in danger and she needs your help?” tanong naman ni Jen.
“Or baka pwede mo ring gamitin `yon para magsulat ng suspense novel?” sabi uli ni Rhads.
Ilan lang iyon sa mga tanong ng kanyang mga kaibigan na nagpagulo sa utak niya. Paano nga kung all these years ay buhay pa ang mommy niya?
“Masyado ka na naman sigurong nag-iisip. Look, kung ano man `yong napag-usapan natin sa Tagaytay, forget about it. It’s nonsense. Hindi ko nga alam kung saan pinagkukuha nina Rhads ang mga tanong nila that night,” ani Marc.
“Yeah, right. I guess I just miss my mom so much.”
Nang maghiwa-hiwalay na sila nang gabing iyon ay pilit niyang pinakalma ang sarili. “Ingat kayo sa pag-uwi,” sabi niya kina Marc at Alyssa bago siya tuluyang sumakay sa pinarang taxi ng mga kaibigan para sa kanya.
“Text mo kami kapag nasa bahay ka na,” pahabol na bilin ni Alyssa.
Nakaandar na ang taxi nang mapansin ng dalaga na tila may mali sa driver na nagmamaneho. The driver exuded a creepy aura. Iyong parang napapanood niya sa mga horror movies. Hindi rin niya masyadong maaninag ang mukha ng driver dahil sa sombrerong suot nito.
Palihim niyang kinapa ang cellphone niya at nagsimulang mag-type ng message para kina Aly at Em nang bigla na lang huminto ang sinasakyan niyang taxi at lumingon sa kanya ang driver.
Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang makita ang mabalahibo nitong mukha. Sisigaw na sana siya nang biglang may ini-spray na kung ano ang lalaki sa kanya. Dahil doon ay nawalan siya ng malay.
* * * *
NANG MAGISING siya ay nasa loob na siya ng isang madilim na silid. Tanging ilaw na nagmumula sa isang aandap-andap na bombilya ang tumatanglaw sa buong kwarto.
Sinubukan niyang kumilos subalit napahiyaw siya sa sakit nang mapagtanto niyang nakatali ang kanyang mga kamay. Pinakiramdaman niya ang buong paligid. Walang anumang senyales na may kasama siya sa loob ng silid na iyon.
Oh, God, where am I?
At tila isang mabilis na sagot sa tanong sa isipan niya na bumukas ang isang pinto at may pumasok na tao. Isang matandang babae iyon na tila kasintanda na ng panahon. Ang balat nito ay kasimputi ng kay Snow White na tila ba kumikinang lalo na kapag tinatamaan ng ilaw.
Sa isang kumpas lang ng daliri ng matanda ay agad na nagliwanag ang buong kwarto. How she managed to do that, Aliah doesn’t have any idea. It was an empty room at nasa gitna pala siya noon. Sa tapat ng ulo niya ay naroroon ang bombilyang malapit nang mapundi.
“Sino kayo at ano ang kailangan niyo sa’kin?” Bagama’t nagsisimula nang matakot ay nagawa pa rin niyang itanong iyon sa kalmadong paraan.
“Ako si Yngrid,” pagpapakilala ng matanda. “Huwag kang mag-alala at hindi ka namin sasaktan.”
Napaismid siya sa sinabi ng matanda. “Kung hindi niyo ako sasaktan, bakit kailangang igapos niyo pa ako?”
“Dahil hindi kami nakasisiguro sa lakas ng kapangyarihan mo,” tila nababaliw na sagot nito. Anong kapangyarihan ang pinagsasasabi niya?
“Nagkakamali ho kayo ng akala. Wala po akong kapangyarihan. At hindi po totoo ang magic. Sa perya lang po meron no’n.”
“Totoo ang kapangyarihang taglay mo, Aliah. Malakas na uri ng kapangyarihan ang mayroon ka.”
Unti-unti na siyang kinabahan sa pinagsasasabi ng matanda. Nakatagpo yata siya ng isang baliw. But wait, how did she know my name?
“Yakapin mo nang buong puso ang iyong kakayahan, Aliah, dahil ikaw lang ang may kakayahang iligtas ang iyong ina at ang lalaking nakatakdang magpatibok ng puso mo,” patuloy na pagsasalita ng matanda.
“Anong alam mo tungkol sa mommy ko?”
“Matagal ka na niyang hinihintay. Kailangan niya ang tulong mo. Kailangan niya ang tulong mo. Kailangan niya ang tulong mo...” paulit-ulit na sabi ng matanda hanggang sa unti-unti na namang nagdilim ang paningin niya.
Pagmulat niya ay nasa loob na siya ng marangya niyang kuwarto.
Was it just a dream?
Pero parang hindi panaginip ang lahat. Nang tingnan niya ang galang-galangan niya ay nakita niya ang marka ng lubid na tila ginamit sa pag-gapos sa kanya.
Isang marahang tapik sa pisngi ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “Aliah, are you on drugs?” It was her aunt, Vivien.
“Tita…”
“Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala simula nang ihatid ka ng taxi driver na nagmagandang loob na ihatid ka rito sa bahay.”
Mabilis siyang napabalikwas sa kama. “Tita, nandyan pa po ba ‘yong driver na naghatid sa akin?” Hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng trinelas.
“He’s gone. Kanina pa siya nakaalis. Pwede ba, Aliah, calm down. Ano ba ang nangyayari sa’yo?”
Parang hindi niya narinig ang sinabi ng tiyahin. Patakbo siyang lumabas ng bahay para lang salubungin ang malakas na ihip ng panggabing hangin. Bigla niyang niyakap ang sarili at parang nauupos na kandila na napaupo siya sa bermuda grass.
At ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang makita niya sa kanyang tabi ang sombrero na nasisiguro niyang pagmamay-ari ng driver na naghatid sa kanya.