Nagtaka si Aliah nang makita ang dalawang pinsan niya na nagtatakbuhan papunta sa isang lumang bahay. Nadaanan siya ng mga ito, pero wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa kanya.
“Abby! Carlo!” tawag niya sa mga pinsan. Pero kahit na anong sigaw ang gawin niya ay parang hindi siya naririnig ng dalawa.
Sinubukan niyang lumapit sa mga ito pero bigla namang umihip ang napakalas na hangin. at sa isang iglap ay biglang nagdilim ang langit. Pagtingala niya’y biglang dumagundong ang napakalakas na kulog na sinabayan pa ng pagkidlat.
Napasigaw siya sa sobrang takot. And before she knew it, nagsimula nang bumuhos ang napakalas na ulan. Wala siyang masilungan dahil malayo siya sa mga kabahayan at tanging mga naglalakihang puno lang ang nagsisilbing proteksyon niya mula sa ulan.
Sinikap niyang ihakbang ang mga paa pero parang nanlalambot ang mga iyon. Palakas nang palakas ang ulan at nagsisimula nang tumaas ang tubig.
Luckily, she was able to summon her feet and bring herself to a safe place before the water got too high.
Hindi niya alam kung paano siya napunta sa bubong ng isang lumang bahay. Ang alam lang niya ay ang mabilis na pagtaas ng tubig. Nasira at tinangay ng tubig ang maliliit na bahay na katabi ng bahay na kinaroroonan niya.
Tumagal ng halos kalahating oras ang malakas na pagbuhos ng ulan. Nang tuluyan iyong tumila ay nangangatal na si Aliah sa sobrang lamig. Hindi nagtagal ay humupa na rin ang tubig-baha.
Nang masigurong ligtas na ang paligid ay sinimulan na niyang hanapin ang dalawang pinsan na kanina lamang ay tinatawag niya.
“Abby! Carlo!” pasigaw na tawag niya sa mga ito.
Subalit echo ng sarili niyang boses ang tanging sagot na narinig niya.
Sa paglalakad-lakad niya ay tumambad sa kanya ang kumpol ng mga kawayan. At ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang makita ang duguang katawan ng pinsan niyang si Abby na nakaipit sa mga kawayan. Basang basa ito at wala nang buhay.
Napaatras siya nang bahagya dahil sa kanyang nakita. Ngunit sa isang hakbang niya paatras ay parang may naapakan siyang tila malambot na bagay. And what she saw almost made her fall on the ground.
Ang naapakan niya ay kamay ng pinsan niyang si Carlo na nakabalandra sa putikan. At tulad ni Abby, wala na rin itong buhay.
Dahil sa nakapanlulumong tagpo ay mariin niyang naisuklay ang mga daliri sa kanyang buhok at saka nagsimulang humagulhol.
At sa pagsuyod ng mga daliri niya sa kanyang buhok ay nakarinig siya ng lagutok na para bang may naputol sa ulo niya. Then she realized that it was her black headband.
As tears fell lusciously on her cheeks, nagsimula namang pumatak ang ulan na may kasamang matining na pagpito ng nagngangalit na hangin.
Wala siyang lakas para tumayo at lumayo sa lugar na iyon kaya mas pinili niyang humagulhol na lang nang humagulgol habang hawak-hawak ang nabali niyang headband.
“Aliah! Aliah! Gumising ka!”
Isang marahang tapik sa pisngi ang tuluyang nagpagising sa kanya. Ganoon na lang ng relief na naramdaman niya nang kanyang makita ang Auntie Vivien niya.
“Nanaginip ka. Narinig kitang umiiyak. Ayan nga at may luha ka pa, oh.”
Nang kapain niya ang pisngi niya ay nahinuha niyang nagsasabi ng totoo ang tita niya.
Panaginip lang ‘yon.
Pero kahit na panaginip lang ang lahat, para totoong totoo iyon. Malinaw pa rin sa isip niya ang mga nangyari sa kanyang panaginip. Napagtanto na niya kung bakit hindi siya narinig ng dalawa niyang pinsan nang tawagin niya ang mga ito. Dahil parte lang pala iyon ng panaginip niya.
Pagtingin niya sa bintana ng kwarto niya ay nakita niyang medyo makulimlim ang langit.
“Anong oras na po ba, Auntie?”
“Mag aalas-otso pa lang naman ng umaga. May lakad ka ba today?”
Bahagya siyang tumango-tango habang bumababa sa kama niya. “Magkikita po kami ng mga friends ko mamaya. Sa labas po kami magla-lunch.”
“Kahit ngayong masama ang panahon?” nag-aalalang tanong ng tita niya.
Nagkibit-balikat siya. “Hintayin ko na lang po ang text nila kung matutuloy kami mamaya.”
“Oh sige. Ako naman ay mamaya na ang flight pa-Davao. Maiiwan kitang mag-isa rito nang ilang araw. Ikaw na muna ang bahala sa sarili mo, okay?”
“Okay po.”
Sa Davao nakatira ang karamihan sa relatives ng Auntie Vivien niya. Quarterly ay umuuwi ito doon para magbakasyon.
Meanwhile, hindi natuloy ang lakad nila ng mga kaibigan niya dahil lalong sumungit ang panahon at tinamad na rin siyang lumabas ng bahay.
Habang nakatitig siya sa monitor ng kanyang laptop at nagko-concentrate para may maisulat siya sa istoryang ginagawa ay bigla na namang sumagi sa isip niya ang kanyang panaginip kaninang umaga.
Aliah shook her head and let out a deep sigh. She shouldn’t be entertaining negative thoughts. Romance ang isinusulat niya. Baka iba pa ang kalabasan noon kapag patuloy niyang inisip ang naging panaginip niya kanina.
The following day ay nagkita-kita sila ng mga co-writers niya sa isang sikat na restaurant sa Trinoma.
“Aliah, okay ka lang ba? You look tense,” puna ni Jen sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti para ipakitang okay lang siya. “I’m okay, Jen.”
“Baka masyado mo na namang iniisip si Mario Maurer?” singit naman ni Rhads na siyang pinakakwela sa kanilang magkakaibigan.
“Rhads, tigilan mo na nga ‘tong si Aliah sa panunukso sa kakambal ko. Mamaya pati ako pagnasaan nyan,” pagbibiro naman ni Marc na laging kine-claim na kahawig diumano niya ang naturang Thai actor.
“Pwede ba, si Alyssa na lang ang i-bully niyo? Balita ko nagkita na raw sila ni Migz ah?”
Nakita nila ang biglang pamumula ng mga pisngi ni Alyssa. Alam nilang lahat na crush ni Alyssa si Migz pero plain crush lang naman iyon na normal sa lahat ng tao.
“Bruha ka! At talagang dinivert mo pa sa akin ang attention ng lahat!” natatawang saad ni Alyssa habang marahan niyang kunwaring sinasabunutan ang kanyang kaibigan. Pero sa pag-ilag niya kay Alyssa ay ang itim niyang headband ang nahagip nito sa halip na ang buhok niya.
Nakarinig siya ng mahinang lagutok. Pagtingin niya kay Alyssa ay nakita niyang hawak nito ang nabali niyang headband.
Hindi pa man nakakapagsalita si Alyssa ay nagsimula nang tumulo ang luha niya.
“Girl, I’m so sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Promise!”
Pero hindi pa rin matigil-tigil sa pag-iyak ang dalaga. Nakatitig lang siya sa nabaling headband, at sa nanlalabo niyang mga mata ay parang nag-flashback ang panaginip niya.
She saw her cousins, Abby and Carlo, who were both lifeless.
Para sa kanya ay isang masamang senyales ang pagkabali ng headband niya.
“Nakita ko na ‘to,” bulong niya.
“Ang alin?” chorus na sabi ng mga kaibigan niya.
Kinuha niya ang nabaling headband mula kay Alyssa at marahang hinimas-himas iyon habang tumutulo pa rin ang luha niya. “I had a dream yesterday. And in my dream, nabali rin ang headband kong ‘to.”
“‘Yon lang? Sus, ibibili ka ni Alyssa ng maraming headband,” wika ni Marc.
“It’s not as simple as that,” sabi ni Aliah.
“Why?” tanong ni Jen.
“Because in my dream, something bad happened.”
Natahimik ang mga kaibigan niya. Then Alyssa asked her kung ano mismo ang nangyari sa panaginip niya, at ikinuwento niya sa mga ito ang tungkol dito.
“It was just a dream, Aliah. At kadalasan ay kabaliktaran ng mga panaginip ang nangyayari sa totoong buhay. So cheer up. Walang mangyayaring masama sa mga pinsan mo,” pagpapalubag-loob ni Marc sa kanya.
And she did heed his advice. Wala rin naman kasing mangyayari kung magpapadala siya sa kanyang emosyon. Baka nga nagkataon lang ang pagkabaling iyon ng headband niya.
* * * *
AFTER eleven days, nakatanggap ng tawag si Aliah mula sa kapatid ng mommy niya na naka-base sa Leyte.
“Hello, Aliah?”
“Auntie! Kumusta po?” masayang bati niya.
“May ibabalita ako sa’yo pero huwag ka sanang mabibigla.” Sandali itong natahimik bago muling nagsalita. “Patay na ang lola mo, Aliah.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang tita. Nanginginig ang mga kamay niya nang ibaba ang cellphone sa work table niya.
Nahulog sa balon ang lola mo. Pagkalunod ang ikinamatay niya...
Kusang nagre-replay sa isip niya ang sinabing sanhi ng biglaang pagkamatay ng kanyang lola.
Para siyang mahihilo na hindi niya maintindihan. She had dreamt of her maternal cousins.
Was her dream actually a sign?