Magkahalo ang nararamdaman ni Helena habang naglalakad siya palayo sa bahay ni Duncan. Sa wakas ay pinakawalan din siya nito. Ngunit saya at lungkot ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Masaya siya dahil nakalaya na siya at magagawa na niyang hanapin kung nasaan ang kanyang pamilya. Ngunit nakakaramdam din siya ng lungkot dahil nasisiguro niya na mamimis niya si Duncan. Mahal na niya ito ngunit nais niyang hanapin ang kanyang sarili kaya gusto niyang umalis. At isa pa ay hindi pa rin niya ito napapatawad sa ginawang pananakit nito sa kanya kahit sabihin pang isa rin itong biktima nig pagmamanipula ni Alendria. Kung hindi lamang sila nagulo ng babaeng iyon ay nagpatulong na sana siya kay Duncan sa paghahanap sa kanyang pamilya sa halip na umalis sa bahay nito. Alam niya kasi na so

