Marahang iminulat ni Helena ang kanyang mga mata. Akala niya ay patay na siya ngunit hindi pala dahil pamilyar ang kuwarto na kinaroroonan niya ngayon. Nasa loob siya ng kuwarto niya sa loob ng bahay ni Duncan. Ang huling natatandaan niya bago siya nawalan ng malay ay biglang may sumipa ng malakas sa pintuan at may pumasok na tao sa loob ng bahay-kubo para iligtas siya. Kung ganoon ay si Duncan pala ang taong nagligtas sa kanya. Hindi niya napigilan ang mapasimangot. Kahit na iniligtas siya nito sa tiyak na kapahamakan ay hindi ibig sabihin no'n ay pinapatawad na niya ito. Sigurado siya na alam na ni Duncan ang ginawang pagpapanggap ni Helena bilang si Alena kaya ito dumating para iligtas siya. Pero na utang na loob niya rito ang kanyang buhay ay hindi pa rin niya ito mapapatawad. Napat

