Nagising si Duncan nang magising sa kanyang tabi si Alena. Napakunot siya ng noo nang makitang bumangon ito sa pagkakahiga sa kama at nagbihis. Ngunit ang mas ipinagtaka niya ay bakit ibang tao ang nararamdaman niyang presensiya? At ang presensiya na iyon ay napaka-pamilyar sa kanya. Bigla ang pagsalakay ng kaba sa kanyang dibdib. Biglang may pumasok sa kanyang isip ngunit ayaw niyang tanggapin. Hindi niya matanggap na nagawa siyang lokohin ng isang babae. At kapag totoo ang hinala niya ay hindi siya mangingiming patayin ito. Nang akmang lilingon ito sa kanya ay mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagkunwaring malalim pa rin ang kanyang tulog. Nang maramdaman niya itong lumabas sa kuwarto ay dali-dali siyang bumangon sa kama at isinuot ang mga hinubaf niyang damit kanina pagka

