Malungkot na nakaupo si gilid ng kanyang kama si Helena. Pagkaalis ni Alfred ay agad siyang pumasok sa loob ng kanyang silid. Ngayon na lang ulit niya nakita si Duncan ngunit hindi sila nakapag-usap at mukhang nagalit pa ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit tila galit ito dahil wala na siyang time para tanungin ito. Bahagya siyang napaigtad sa pagkakaupo nang makarinig ng mahinang pagkatok sa labas ng pintuan ng kanyang kuwarto. Huminga siya ng malalim bago tumayo at binuksan ang pintuan. "Ano'ng kailangan mo?" wala sa mood na tanong niya sa kapatid na siyang napagbuksan niya ng pintuan. "Bakit ang sungit mo yata ngayon, Sis? Maron red spot ka ba?" biro nito sa kanya. Inirapan niya ito at akmang pagsasarhan na niya ito ng pintuan ngunit hindi natuloy dahil iniharang ni Jessie ang kat

