Tinotoo ng mommy ni Helena ang sinabi nito na iaakyat nito sa DepEd ang tungkol kay Ms. Gonsalo kaya tinanggalan ito ng lisensya sa pagkaguro at inalis din ito bilang guro sa school kung saan ito nagtuturo. Ngunit napabilis ang pagkakatanggal ni Ms. Gonsalo bilang guro dahil sa isang taong tumulong sa kanila. Maimpluwensya raw ang taong iyon ngunit ayaw lang magpakilala kaya hindi na lamang inalam ng mommy ni Helena ang pagkatao ng taong tumulong sa kanila. Tinutoo rin ng mommy niya ang sinabi nito na ililipat sila ng school. Dahil hindi na siya muling pumasok pa sa dating school nila sa halip ay sa ibang school na siya pumasok nang tuluyan na siyang gumaling. Kaya bagong school, bagong friends ang drama niya ngayon. Pero in fairness, sa school na pinaglipatan nila ni Jessie ay mababait a

