Tulala at wala sa sarili si Helena matapos ang pag-uusap nila ni Alendria. Napagtagni-tagni niya ang lagat mula umpisa nang pagkakakilala nila ni Duncan hanggang sa gabi ng kanilang kasal. Tama si Alendria. Hindi nga siya totoong mahal ni Duncan. Ginawa lamang nito ang lahat dahil nais nitong makuha ang kapangyarihan na nakatago sa loob ng kanyang katawan. Hindi siya totoong mahal ni Duncan. Hindi napigilan ni Helena ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang tanga-tanga niya. Ilang beses ba bago diya matauhan? Bakit ba nagpapakatanga siya kay Duncan? "Luna Helena? Bakit kayo umiiyak?" tanong sa kanya ng isang tauhan ni Duncan nang makita siyang umiiyak. Magmula nang ikinasal sila ng kanyang asawa ay tinawag na siyang luna ng mga tauhan nito. Bahagya siyang napangiti ng mapait. Luna Helena. N

