15

933 Words
MALAKAS pa yata sa ugong ng taxi na sinakyan ni Joanna Marie ang kabog ng kanyang dibdib nang pumasok siya sa hotel na sinabi ni Irma. Naroroon na ito at naghihintay sa kanya. Tumayo agad ito sa kinauupuan at sinalubong siya. Palinga-linga siya, nag-aalala na baka may kasama ito. “Don’t worry, Joan, matino akong kausap. Ako lang talaga ang nandito. Nasa Astrodome ang barkada. May laro sila, eh. First game so hindi ka naman matagal na maghihintay.” Iginiya na siya nito sa kinaroroonan ng elevator. “Kinakabahan ako, Irma,” aniya nang makarating na sila sa floor ng hotel suite kung saan siya maghihintay. “Natural lang iyan. First time mo talaga ito, `di ba? Naisip ko nga kagabi, baka ni hindi ka pa nagka-boyfriend. Napakasuwerte talaga ni—” “Please, Irma. I don’t want to know his name.” “Oo nga pala. Muntik pa tuloy akong madulas. Excited ang buong barkada, alam mo ba? Huwag kang mag-alala. Malinis si Cri—ang lalaking iyon. Hindi nga iyon pumapatol sa mga fans kahit na hantaran na ang pagpapa-cute para maka-date siya.” Kinuha ni Irma ang malaking paper bag sa likuran ng sofa. “Galing na ako rito kanina. Ako na kasi ang kumuha ng kuwartong ito. O, `etong isuot mo. Sexy iyan. Dali, isuot mo na, para masanay ka na. Teka, gusto mong maligo muna?” “Amoy-ospital ba ako?” aniya. “Parang amoy-alkohol ka. Sige na, maligo ka na para mapreskuhan ka rin. Saka baka sakaling mabawasan ang tensiyon mo. Halatang ninenerbiyos ka, eh. Nasa kuwartong iyan ang banyo. Medyo bilisan mo lang, ha? Baka kasi matapos na ang game, hindi ka pa tapos maligo. Paano ka pa makakapag-disguise?” Tumalima si Joanna Marie. Sa mga sumunod na sandali ay hinayaan niyang diktahan siya ni Irma ng mga dapat gawin. Pero nang ipasuot nito sa kanya ang damit na ubod ng sexy ang tabas ay hindi niya napigilang magreklamo. “Ganito ba talaga ang dapat na damit ko?” Hindi niya malaman kung hihilahin ba pababa ang laylayan ng maigsing damit o hihilahin paitaas. Tube dress iyon na ilang dangkal lang yata ang haba. Hakab na hakab iyon sa kanyang katawan. “Hindi puwede ang long sleeves at pantalon,” pilosopong sagot nito. “Bagay naman sa iyo, ah. Classy ka pa ring tingnan. Kung iba, magmumukhang cheap sa damit na iyan.” “C-cheap na rin naman ako. Ibinebenta ko ang sarili ko.” “Joan, huwag mong sabihin iyan. Saka may dahilan ka. Malalim at dakilang dahilan. Tandaan mo iyan,” seryosong sabi ng babae, pagkatapos ay lumapit sa kanya at sinimulang kulutin ang mahabang buhok niya. Nagsimula itong mag-lecture kung paano ang gagawin niya pagdating ng lalaki. Mayamaya ay nilagyan na rin siya nito ng makeup. “Mukha akong clown,” sabi niya nang makita ang sarili sa salamin. “Ayaw mong makilala, `di ba? `Ayan, makapal ang makeup mo,” katwiran ni Irma. “At may nunal ka pa ngayon. Sa noo nga lang kasi kung sa pisngi, baka akalaing impersonator ka ni Nora Aunor. Maghintay tayo nang kaunti para mas naka-set ang buhok mo. In the meantime, ito ang pag-aralan mo.” May inilabas ito mula sa bag. “Condom?!” bulalas niya. Ngumisi ito. “Kailangan mo ito, Joan. Mga babae na ngayon ang mas may presence of mind sa ganitong bagay. Baka mamaya, isa siya sa mga lalaking basta na lang sumasabak sa giyera nang wala namang armas.” Nag-isip siya. “H-hindi naman yata ako fertile ngayon.” “Well, kasasabi mo lang, ‘yata.’ Iba na ang maingat. May mga nabubuntis din kahit sa one-night stand. Sa mga problema mo ngayon, I’m sure, hindi mo gugustuhing mangyari iyon.” Tumango si Joanna Marie. “Ano, alam mo nang gamitin ito? O ituturo ko pa sa iyo?” “Para sa lalaki `yan, `di ba?” Tumawa si Irma. “Oo nga. Pero minsan, gusto nila, tayong mga babae ang nagsusuot sa kanila nito. Actually, nag-e-enjoy na rin sila sa ganoon kahit nga ba ninety percent yata ng mga lalaki ay ayaw talagang gumamit nito. Marunong ka?” “Irma, naman, eh.” Pakiramdam niya ay mamamatay siya sa hiya. “Siguro naman may idea ka. Anyway, kung wala, ganito lang iyan. `Buti na lang naisip ko ring magdala ng saging,” tatawa-tawang sabi nito. Binuksan nito ang isang pakete ng condom at ipinakita sa kanya kung paano iyon gamitin. “Gets mo na?” Nag-aalangan pa ring tumango siya. “Ibig sabihin, hahawakan ko ang ‘kanya’?” Nag-init nang husto ang mga pisngi niya sa isiping iyon. Bumuntong-hininga ang babae. “Joan, hindi lang hawak ang gagawin ninyo sa isa’t isa. Take a deep breath at ihanda mo ang sarili mo. Baka mamaya ay umiyak ka. Be strong, okay?” Iniabot nito sa kanya ang ilan pang pakete ng condom. “Baka kasi kulangin. Iba na iyong maraming reserba. Mayroon na akong inilagay sa drawer kaya lang baka mamaya, dito pa lang sa sala ay magsimula na kayo kaya dapat may malapit sa iyo. `Eto nga pala ang balanse. Itago mong mabuti iyan, ha? One hundred thousand iyan. Aalis na ako. Iyong iba pang bilin ko, huwag mong kalimutan.” “Irma...” parang batang naiiyak na habol ni Joanna Marie. “s**t!” bulong nito at binalikan siya. Niyakap siya nito nang mahigpit. “Alam kong mahirap para sa iyo ito. Pero nandiyan ka na. Nagdesisyon kang tanggapin iyan so, get yourself ready. And by the way, Carla muna ang pangalan mo for tonight.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD