18

718 Words
“SIGURADONG magtataka ang grupo kapag isinauli ko sa kanila ang pera,” sabi ni Irma. “Pero marunong akong makipag-usap, Criso. Kung gusto mong secret na lang natin ang tungkol dito, promise, secret talaga. Ako na lang ang bahalang magdahilan sa barkada.” “Salamat, Irma,” ani Joanna Marie dito. Ngumiti ito. “Akalain mo, may love story pala kayo ni Criso? Kaya hindi na ako magtataka ngayon kung bakit mailap sa babae ang lalaking iyan. Ikaw pala ang one great love niya.” “Hindi niya ako kilalang Criso. ‘Lemuel’ ako sa kanya,” ani Lemuel. Nagkibit-balikat ang babae. “Criso ka pa rin sa barkada. Paano, tutal nandiyan na kayo, di uuwi na ako? Nahihilo na sa puyat si Tita Lota kaya inako ko na ang pagbabantay dito sa ospital. Isa pa, curious din ako sa iyo, Joan. Kahit paano ay nakokonsiyensiya rin ako kung nangyaring... Hay, huwag na nga nating pag-usapan iyon. Closed topic na iyon, `di ba? Paano, uuwi na ako, ha?” “Ingat ka, Irma. Mag-taxi ka na.” “Oh, yeah.” Inihatid niya ito hanggang sa makasakay ito sa taxi sa tapat ng ospital. Nang bumalik siya sa silid ng ina ay nadatnan niyang nakatitig si Lemuel dito. “Ang laki ng inihulog ng katawan ng mama mo,” sabi nito nang mamalayan ang presensiya niya. “Sabi ko nga sa iyo, mahigit sampung taon na kaming mahirap. Wala nang bakas sa kanya ang dating yaman. Pero mataray pa rin. Kapag nga nasisigawan ako, napapaiyak pa rin ako kung minsan,” pagkukuwento niya. “May nurse na kumuha ng BP niya kanina. Kinumusta ko ang lagay niya. Kagaya rin ng sabi mo sa akin kanina. Jo, kung gusto mo, ilipat natin siya sa mas magandang ospital. Ikuha natin siya ng mga espesyalistang doktor.” “Lemuel, alam mong hindi ko tatanggihan iyan. Alam mong basta para sa ikabubuti ng kalagayan ni Mama ay susunggaban ko.” “Pero may kapalit, Joanna Marie.” Nakakunot-noong napatingin siya sa lalaki. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “Can’t you guess? Marry me.” Natawa siya. “Ngayon na ba agad?” “Why not? Birthday ko ngayon. Pinakamagandang regalo sa buong buhay ko `yon kung sakali.” “Gabi na, Lemuel. Tulog na ang mga judge.” “Well, tumatanggap din naman ako ng belated gift.” Hinapit siya nito at niyakap. “Mahal na mahal kita, Joanna Marie. Maraming panahon na ang nagdaan at nasayang para sa ating dalawa. Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita tayo uli ay ayaw ko nang maghintay pa ng matagal para maging ganap kang akin?” “I love you, too, Lemuel. Hindi mo kailangang magpaliwanag tungkol diyan dahil iyan din naman ang gusto kong mangyari. Buong puso akong magpapakasal sa iyo dahil iyan din ang pangarap ko. Pero hihilingin ko sa iyong maghintay pa tayo ng kaunting panahon. Sa kalagayan ni Mama ngayon—” Inilagay nito ang isang daliri sa ibabaw ng mga labi niya. “Of course, I understand, Jo. Hindi naman ako unreasonable na tao. Basta pangako mo sa akin, magpapakasal agad tayo, okay?” Tumango si Joanna Marie at muling yumakap dito. Hinagod ni Lemuel ang likod niya at naramdaman din niya ang magaan na halik nito sa kanyang buhok. “Kaunting oras na lang at hatinggabi na,” sabi nito. “Ibig sabihin, hindi ko na rin birthday. Wala ba akong birthday kiss, Jo?” naglalambing na sabi nito. Napangiti siya, pagkatapos ay kinurot ito sa tagiliran. “Kiss me, Lemuel. The last kiss I had happened so long ago. Hindi kasali ang mabilisang halik na ginawa mo sa akin kanina.” Tinawid naman nito ang maikling distansiya ng kanilang mga labi. The kiss was overwhelming. Isang kilos iyon na lalong nagpatibay sa muling pagtatagpo nila. Ang halik ding iyon ang malinaw na palatandaan na noon at ngayon, totoong nanatili sa kanilang mga puso ang pag-ibig nila para sa isa’t isa. “I love you, Jo. I love you very much,” masuyong sabi nito. “Alam mo na ang sagot ko diyan, Lemuel,” nakangiting sagot niya. “Still, I want to hear it.” “Sure, honey. I love you, too.” Minsan pa ay siniil siya nito ng halik sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD