"Happy Chinese New Year!" maligayang bati sa akin ni Hazel na naka Chinese style ang buhok ng makasalubong ko pagkatapos kong mananghalian sa Vasque na sa awa ng Diyos ay halos walang ibang Vasquers na nakain kaya nakakakain kami ng hindi binibilaukan. "Bakit ka ba nagse-celebrate ng Chinese New Year? Chinese ka ba?!" Pilit nitong pinasingkit ang mga mata nya. "LETSE!" Tumawa naman ito ng malakas sabay angkla sa braso ko, "Eto naman napaka K.J! Bahala ka baka masira ang swerte mo ngayong taon! Year of the ano ka ba?" "Sheep ata... Teka bakit nandito ka pa? Diba half-day lang daw tayo ngayon?" "Well, papunta ako sa Feng. Nagkakasiyahan kaya doon tsaka ang daming stalls at booths." "Ahh... O sya, una na ako sa iyo ha? Uuwi na ako para makatulog. Nanakit ang ulo ko sa math namin" paala

