For the first time since nakapasok ako dito sa V.U, ngayon ko lang nakita na magsama-sama lahat ng mga estudyante. More or less five thousand students ang nakaupo sa walong hanay ng mga upuan sa tapat ng House of Council na parang mini House of Senate. Two storey building ito na malawak at halo-halo ang kulay. Mula sa black color ng Fenrir hanggang sa cream ng Almorica. Maganda ang design at maayos ang pakakablend ng colors kaya ang kinalabasan ay sophisticated and grand looking building na nasa gitna mismo ng university. Sa bubong nito ay nakatayo ang isang mataas na flag-pole kung saan nawagayway ang flag ng Versalia University sa gitna ng dalawang flag ng Pilipinas. Mga initials na V at U ang sana gitna ng flag na napapalibutan ng wolf, butterfly, swan, cat, maya, seahorse, walrus at

