Kung medyo boring na ang school life ko dito sa V.U dati, mas lalo na ngayon. Habang nakatingin ako sa school events calendar ng university ay mas lalo ko nakikita kung gaano karami ang mga namimiss naming events. Gaya na lang nung haloween party na dahil sa kami din ang maglilinis after that, ay minabuti na naming wag nang umattend at simulan na ang cleaning ng maaga kaming makaalis at ang nakakapagod na camping event. "Polli tawag ka ni Sir Banawa sa faculty office, kakausapin ka daw ng headmistress. ASAP daw" biglang tawag sa akin ni Tanya, isang third year na student aide. "Sige, sabihin mo papunta na ako" sagot ko sabay tapon ng mga gamit ko sa bag at dinala ito sa locker ko. Hindi ko na pinansin ang mga tingin sa akin ng aking mga kaklase. Baka iniisip nila na may ginawa na naman

