Mannaflora "Dive, dive, dive!" malakas na utos ng captain ko sa mga crew ng Providence, the Versalia Navy Submarine at flagship ng Sixth Class Vasque Faction. Naramdaman ko na lumubog ang sinasakyan kong submarine sa ilalim ng dagat sa loob ng ilang saglit lamang. Binalik ko ang aking atensyon sa monitor kung saan pilit ko pa ring hinahack unsuccessfully for more than a week ang security lock ng system ng X.R Gasoline Station. "Not having any luck yet Councilor Mannaflora?" Napalingon ako sa babaeng nagtanong sa akin. She is none other than my right hand woman and former High School Body President turned to Lieutenant Commander of Vasque Faction, si Tini. Umiling ako at napahampas ako ng malakas sa keyboard na nagpagulat naman sa mga tahimik kong crew sa control room ng Providence. I

