Hazel "Pinapanalangin po namin ang mga namatay naming kaibigan, kamag-anak at mga taong lumaban para sa aming kalayaan. Nawa ay yakapin ninyo po sila sa langit at makamit nila ang kanilang walang hanggang paraiso sa piling ng mga santo at ng mga banal. Amen." "Amen," sagot naming tatlo nila Sister Sherri at Novitiate Alyssa sa paneling ng mother superior namin sa kumbento. Alas Sais ng umaga at oras ng morning prayers namin. Nagsitayuan na kaming mga madre at novitiates para pumunta na sa kitchen upang mag-empake ng relief goods. Nakasalubong naming tatlo ang mga bata na naglalaro sa hallway na parang walang kaalam-alam na ano mang saglit ay maaring matapos ang kanilang buhay ng walang babala. Nakita kong tumulo ang luha ni Sister Sherri ng yumakap sa aming tatlo nila Novitiate Alyssa

