"Welcome back Councilor Apollinaire," masayang bati ni Cosette nang sinalubong nya ako kasama si Daisy sa lobby ng school building ng Almorica, "Wala ka na bang sakit ngayon? Ok ka na?" alalang tanong nito sa akin habang tinititigan ako ng mabuti. "Oo naman ayos na ako!" sabi ko sa isang masayang boses na hindi ko alam kung saan ko nahugot. Paano ako magiging masaya? Wala na si tatay? Ulila na ako... Ulilang lubos... Pero hindi ito ang panahon para sa pagluluksa... Hindi dapat dinadala ang personal na problema sa trabaho... Kahit masakit pipilitin kong itago... Kahit magsinungaling pa ako hindi lang sa iba kundi maging sa aking sarili... "Mukhang di ka pa nga ok Councilor Apollinaire!" sabi naman ni Daisy habang nakapameywang, "Parang ang lubha ng sakit na pinanggalingan mo at hindi lan

